1012 Anong gagawin mo kapag na kidnapped ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ng matapos ang kanyang make-up, tulirong napatayo si Guan Xiaohe sa tabi, namangha.

Napaka… napaka-ganda! Maaaring siya ay babae ngunit nararamdaman niyang tumatalon ang kanyang puso...

Hindi niya magawang magselos...

Pare-pareho ang itsura ng mga tao sa tindahan. Sapat na maganda ang babae upang magsimula, ngunit sa ilang pagsusuot mamaya, makapigili-hininga ang kaniyang kagandahan.

Kakaiba ang babaeng ito mula sa pangkalahatang pamantayan ng kagandahan sa industriya ng entertainment. Ang kanyang kagandahan ay nakaka-akit sa parehong lalaki at babae, halos sumasakop sa antas nito...

Hindi mapigilang pumusta ni Zuo Shangjing na kapag pumasok sa industriya ng entertainment ang babaeng ito, kaya niyang makipagsabayan sa sirenang si Xie Zhezhi, na umaasa sa kanyang itsura at awra ng mag-isa!

Sa may sofa, bahagyang nanliit ang mga mata ni Si Ye Han habang pinapanuod niya ang nagniningning at nakakabighaning babae na kumuha ng atensyon ng lahat,

Namangha din si Ye Wan Wan sa babaeng nasa salamin.

Hindi pa siya kailan man nakapag-suot ng pormal!

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha at napasigaw sa gulat, "nakooo! Napakaganda ko! Ah-Jiu, hindi nakapagtataka kung bakit lagi kang nag-aalala sa akin! Nag-aalala din ako sa sarili ko!"

Si Ye Han: "…"

Xu Yi: "…"

Ang lahat ng tao sa tindahan: "..."

Ng marinig siya ni Guan Xiaohe, siya ay saglit na nagulat bago palihim na natawa. Hindi lang maganda ang babaeng ito, nakakatuwa din ang kanyang personalidad. Hindi nakapagtataka na ang legendary patriarch ng mga Si ay nahumaling sa kanya ng sobra...

"Masaya, masayang masaya! Salamat sa inyong paghihirap, teacher!" sinabi ni Ye Wan Wan ang kanyang pasasalamat bago niya masayang hinawakan ang kanyang mukha. "Ah, sobrang saya! Tulad ng inaasahan, mas maayos ang pagiging maganda!"

Ito ay isang kahihiyan na siya ay mapangit ng matagal na panahon sa dati niyang buhay at namatay din na pangit!

Kapag ikaw ay nakapagsuot ng maganda, nag-iiba din ang iyong mood.

Ng makita ni Si Ye Han ang itsura ni Ye Wan Wan at napagtanto na makikita din ito ng ibang tao, pagsisisi ang namulaklak sa kanyang puso. Gayunpaman, ito ay napalitan ng utang na loob ng makita niya siyang masaya.

Hinawi ni Si Ye Han ang isang hibla ng buhok sa likuran ng kanyang taenga bago magsalita sa malalim na boses, "manatili ka lang sa tabi ko ngayong gabi. Wala ng pero pero pa." 

Masiglang tinango ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo. "Opo opo, alam ko. Napaka-ganda ko -- anong gagawin mo kapag na kidnapped ako? Dapat lang na bantayan mo ako!"

Xu Yi: "…"

Anong nangyari sa mga unang taon...

Paano napunta si Miss Wan Wan mula sa pakikipagsapalaran sa kahit anong paraan araw-araw upang magkaroon ng mahigpit na kapit sa Ninth Master...

Nang maisip niyo ang tungkol dito, hindi siya makapaniwala.

Pagkatapos ni Ye Wan Wan maayausan, umalis na siya sa SPE Styling Club kasama si Si Ye Han.

Nang makita sila ni Han Xianyu na umalis ng store, kaagad siyang tumayo.

Natuklasan niya na ang babaeng iyon ay nagpalit ng napakagandang kasuotan at malapit na nakakapit sa braso ng lalaki.

Papunta na sila sa may parking garage ng may nakitang sign si Ye Wan Wang isang dessert shop sa kabila nia at kaagad na huminto. "Ah! Ah-Jiu, may isang pastry shop doon! Bili tayo ng cake para kainin!" 

"Nandami mo ng nakain," paalala ni Si Ye Han.

Kinurap ni Ye Wan Wan ang kanyang mata. "Eh… hindi ito para sa akin! Bibili ako para kay Tangtang! Ibibigay ko ito kay Tangtang para kainin!"

Sa huli, masayang pinangunahan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han papunta sa pastry shop.

Nang makita ni Han Xian Yu ang dalawa na papunta sa kanilang direksyon, mabilis siyang kumuha ng isang magazine at tinakpan ang kanyang mukha.

Kinakabahang yumuko din si Fei Yang. Ah, papunta sila sa atin… Wala namang mangyayari, diba... 

avataravatar
Next chapter