642 Ano yun ge ge?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakatameme si Ye Mu Fan nang biglang mag-ring ang kanyang phone.

Ibababa na sana ni Ye Mu Fan ang tumatawag sa kanya ngunit nang masilip ni Ye Wan Wan kung sino ang tumatawag, dali-dali niyang sinabi, "Tinatawagan ka ng magulang mo? Okay lang, pwede mo itong sagutin."

Tumango si Ye Mu Fan at sinagot niya ang tawag, "Hello, mama?"

"Mu Fan, sinabi ni Ye Wan Wan sa akin may interview ka sa Dazzling ngayon?"

"Opo, nasa opisina ako ngayon."

"Tapos na ba ang interview? Ano na ang resulta?"

Pilit na tinago ni Ye Mu Fan ang kagalakan sa kanyang puso at sinabi niya, "Tapos na at ako na ngayon ang head stylist ng Dazzling Media."

"Ano?" nabigla si Liang Wan Jun.

Pagkatapos ay biglang nrinig ang seryosong boses ni Ye Shao Ting sa kabilang panig. "Mahirap na may kukuha sayo sa trabaho na iyan, lalo na kung ibabase sa iyong background a kasanayan. Bakit bigla ka nilang ginawang head stylist?"

"Oo nga naman, Mu Fan. 'Wag kang magsisinungaling sa magulang mo para lang mapanatag ang isip namin!"

Awkward na tiningnan ni Ye Mu Fan si Ye Bai at sinabi. *Ehem* "Seryoso ako mama at papa. Hindi ba kayo naniniwala sa akin?"

"Hindi sa, hindi kami naniniwala sayo, pero sa tingin mo ba na posibleng mangyari ito? Kasama mo ba diyan si Wan Wan? Pwede bang ibigay mo sa kanya ang phone mo? Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba ang sinasabi mo…"

Wala nang magawa si Ye Mu Fan. "Wala po siya dito. Ako..."

Hindi na natapos ni Ye Mu Fan ang sasabihin niya sana nang biglang umunat papunta sa kanya ang mga kamay ni Ye Bai at sinabi, "Pwede ko bang makausap ang magulang mo?"

"Ah, eh…" nagdadalawang isip pa si Ye Mu Fan pero mabait naman at mas boss niya ang lalaking ito, kaya pinasa niya ang phone at kinakahiya niyang sabihin, "Hindi naniniwala ang mga magulang ko na nakuha ko ang trabaho bilang head stylist…"

"Walang problema, ako na ang magpapaliwanag sa kanila." Ngumiti si Ye Wan Wan at kinuha niya ang phone.

"Hello, Mu Fan, hello? Nakikinig ka ba Mu Fan?"

Biglang napangiti si Ye Wan Wan at dahan-dahan niyang sinabi, "Hello, mama, ako po ito si Ye Wan Wan."

Nalugod si Ye Mu Fan sa kabaitan at kabutihang loob na pinakita ng kanyang boss ngunit sa isang saglit, para bang kinidlatan siya. Humarap siya at hindi siya makapaniwala nang makita niya ang "lalaki" na ito, akala niya na nababaliw na siya at guni-guni lamang ito.

Ano… anong nangyayari… bakit narinig ko ang boses ni Wan Wan na lumalabas sa bunganga ni Ye Bai...

"Ah, si Wan Wan pala ito, dali, sabihin mo kay mama ang resulta ng interview ni kuya mo. Totoo ba na nakuha niya raw ang posisyon na head stylist?" Hindi napansin ni Liang Wan Jun ay Ye Shao Ting ang kakaibang nangyari kaya patuloy silang nagtanong.

Humarap si Ye Wan Wan sa kanyang kapatid na hindi gumagalaw at tila naging bato na, patuloy niyang sinabi, "Totoo po ang sinabi ni ge ge, mama at papa. Namangha sa kanya ang boss ng Dazzling at mukhang inalam niya ang mga nagawa ni Ye Mu Fan noon, kaya natuklasan niya na si ge ge ang responsable sa mga disenyo ng Assembly of Stars at dahil doon ay inimbitahan niya si Mu Fan. Papa, alam mo naman na pangit ang style ng mga artista dito sa Dazzling kaya kailangan talaga nila ng talentadong staff."

Naniwala na si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun kay Ye Mu Fan nang marinig nila ang paliwanag ni Ye Wan Wan.

"Magandang balita ito! Mahusay! Napakagaling!"

"Lagi akong nag-aalala sa pag-ta-trabaho mo diyan sa Dazzling, pero hindi na ngayon dahil nasa iisang kumpanya na kayo at pwede ka nang alagaan ni kuya mo diyan!"

Paulit-ulit na tumango si Ye Wan Wan. "En en, aalagaan ako dito ni ge ge, 'wag po kayong mag-alala! Ibababa ko na po ang tawag at magdadaldalan pa tayo mamaya mama!"

"Sige sige, sabay na kayo ni kuya mo na umuwi dito sa hapunan!"

"Sige po, gustong gusto ko yung luto ni mama na squirrel fish!"

...

Nakatameme pa rin Ye Mu Fan nang binaba ni Ye Wan Wan ang phone. Tiningnan niya si Ye Wan Wan na para bang nakakita siya ng multo. "Ikaw… ikaw-ikaw-ikaw si…"

Naging tunog babae ang boses ni Ye Wan Wan at bigla siya kumurap. "Ano yun ge ge?"

avataravatar
Next chapter