592 Ano ngayon kung maglalantad ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh, sige kung ganon!" sinabi ni Gong Xu sa isang pambihirang bigong tono.

Ngunit ako ay talagang, talagang nagtataka…

Maliban kay Little Candied Plum, ang taong pinaka gusto niyang malaman ay marahila itong legendaray girlfriend ni Ye-ge na usap-usapang na pambihirang maganda…

Ay, pinagtataka ko din kung kailan babasagin ni Ye-ge ang stereotype na mayroon siya para sa akin at ipapakila ako kay Little Candied Plum.

Sa pagsasabi ng kung ano, ito ay masyadong weird - ginamit niya ang lahat ng koneksyon na mayroon siya at pati ang pagsunod sa pangunguna ni Ye Bai upang makita mahanap ang Little Candied Plum, ngunit hindi parin niya ito mahanap.

Ngayon, ang tanging maghahatid na mayroon siya ay si Ye Bai.

Nagawa na rin niyang mahanap ang kanyang totoong pag-ibig, ngunit kailangan pa siyang pahirapan ng ganito ng langit…

Bakit ba kailangan pa maging mahirap ang kanyang buhay pag-ibig?!

"En, Ibaba ko na din. Magpahinga ng maaga - masama sa iyong katawan ang pag pupuyat."

Binaba na ni Ye Wan Wan at nilagay na sa baba ang kanyang telepono nang maramdaman niya ang nahigpit na braso sa kanyang bewang at isang mainit na hininga papalapit.

Lumingon si Ye Wan Wan sa lalaking nasa tabi niya. "Nagising ba kita?"

"Sinong tumawag?" ang lalaki ay inaantok pa at ang kanyang tono ay bahagyang tinatamad.

"Tumawag si Gong Xu. Gusto niyang ilibre ako ng pagkain at tinatangihan ko ito ng higit pa sa isang buwan. Kung patuloy ko siyang tatanggihan, malamang sasabog na iyon. Itong taong ito ay talagang nagtataka tungkol sa iyo at sa halip na ang girlfriend ko ang isasama ko. Paano kita isasama, ha?..."

Nang marinig ang problema ni Ye Wan Wan, nanigas ang mukha ni Si Ye Han at kumunot ang kanyang kilay. Bigla niyang napagtanto na naghukay siya ng malaking butas sa kanyang sarili noon.

Kung magpapatuloy si Ye Wan Wan sa pagpapanggap niya bilang lalaki sa industriya ng entertainment, hindi na niya pa kailangan magtago pa habang buhay…?

Nagbago ang itsura ni Si Ye Han at maaaring mahulaan ni Ye Wan Wan kung ano ang nasa isip nito, kaya siya ay nagsalita matapos ang ilang oras: "talaga bang mayroong paraan na magkasama tayo ng lantaran!"

Tumingin sa kanya si Si Ye Han.

Kumurap si Ye Wan Wan. "bakit hindi na lang ako… lumantad, ha?"

Si Ye Han: "..."

Pinag-iisipan ito ni Ye Wan Wan saka napagtanto niya na tila hindi tama ang nangyayari. "Hindi, sandali, kung mag lalantad ako ibig sabihin din nito… kailangan ko mo din maglantad?"

Binigyan siya ng isang tingin ni Si Ye Han, ang sinasabi ng ekspresyon: "ngayon mo lang napagtanto, ha?"

...

Isang araw bago sa isang tiyak na upscale bar.

Halos ang buong second level ay nakalaan kay Gong Xu. maliban sa VIP guests, wala na ang sino man ang pinahintulutang pumasok pa.

Mayroong isang malaking grupo ng magagandang tao mula sa showbiz at nagpatugtog ng ilang maiingay na tunog ang DJ - ang buong lugar ay umuugong.

Dinikwatro ni Gong Xu ang kanyang binti, umupo sa may sofa at sinipsip ang kanyang inumin. Sumusulyap siya oras oras sa may flight of stairs at kapag kinakausap siya ng mga tao, magbibigay siya ng walang interes na sagot, mukhang gulong gulo.

Napakaraming tao ang pumuno sa bar; Luo Chen, Han Xian Yu, at ang iba pa ay dumating din.

Wala pa doon si Ye Bai.

Tinatadtad siya ni Gong Xu ng hindi mabilang na mga mensahe bago pa makakuha ng isang sagot na tapos na niyang samahan ang kanyang girlfriend at parating na siya.

"Hi~babies, na-miss ninyo ba ako?" pumasok si Tang Xing Huo na suot ang isang masikip na shirt na may mababang neckline.

Nang si Gong Xu, na nakabaon na ang kanyang ulo at abala sa pagti-text, ay nakita si Tang Xing Huo, siya ay kaagad na nagalit. "Tang. Xing. Huo! Ikaw na traydor! Naglakas loob ka pa din talagang magpakita dito?!"

"Ha? Anong ginawa mo?" nagulat si Tang Xing Huo.

Mukhang heartbroken si Gong Xu at nagiingit, "nagpapanggap ka pa talaga, ha? Ikaw pa talaga ang nominado bilang Golden Orchid's best-supporting-actor! Nakakatawa ito, NAKAKATAWA! Hindi ba sinabi natin na dapat magkasama ang magkapatid tahakin ang buhay at magkasama sa hirap at ginhawa?"

Parehong sobrang magkatulad sila Gong Xu at Tang Xing Huo - pareho silang mayamang anak ng second-generation na may kakilakilabot na pag arte. Ngayon na si Tang Xing Huo ang nakakuha ng best supporting actor award, ang kanyang estado ay biglang umangat at mula sa pagkakaunawa ni Gong Xu, nakaramdam siya ng pagtataksil.

avataravatar
Next chapter