801 Ano naman kung sinampal kita?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas naging arogante pa si Liang Mei Xuan nang makita na walang nagtangkang sumagot sa kanila. Nanuya siya at nagpatuloy, "Si Liang Wan Jun, ang b*tch na iyon ay hindi ako matalo-talo at gusto niyo pang mga bastardo kayo na kalabanin ako, huh? Mga walang muwang…"

Sa sumunod na segundo, rinig ang isang malakas na sampal.

Ginamit ni Ye Wan Wan ang buong pwersa niya at sinampal si Liang Mei Xuan.

Kumiling sa gilid ang ulo ni Liang Mei Xuan mula sa malakas na sampal. Hindi siya makapaniwala at nagising na sa diwa niya. Hinawakan niya ang kanyang mukha na may bakat ng isang kamay at sumigaw, "LITTLE B*TCH! SINAMPAL MO AKO, TALAGANG SINAMPAL MO AKO!!!"

*Slap—*

Hindi na nagdalawang isip pa si Ye Wan Wan at sinampal muli si Liang Mei Xuan. Inayos niya ang mga manggas niya at inangat ang tingin. "Oo, sinampal kita. Ano naman?"

Mas malakas ang sampal ngayon at nag-umpisa nang mamaga ang mukha ni Liang Mei Xuan.

Nagulat si Liang Mei Xuan sa dalawnag sunod na sampal na natanggap niya.

Tulirong nakatayo si Ye Mu Fan. Nang makita ang agresibo at galit na itsura ng kanyang kapatid, hindi siya makabalik sa diwa niya. Uh, akala ko nagkasunduan tayo na pipigilan natin ang sarili natin...

"Mama--" lumapit Ye Yiyi. Nang makita ang bakas ng isang kamay sa mukha ni Liang Mei Xua, sumigaw siya, "Wan Wan, anong ginagawa mo?! Bakit mo siya sinampal!"

Hindi nagtagal, lumapit na din si Ye Shao An. "Little b*tch! Naghihimagsik ka ba?!"

Nakuha ang atensyon ng dalawang matanda ang gulong nangyayari at dali-daling lumapit sina Ye Hong Wei at Tan Yilan sa kanila.

Hinawakan ni Liang Mei Xuan ang namumula at namamaga niyang mata at nabalot ng kadiliman ang kanyang mga mata. "Ye Wan Wan, tignan mo kung paano ka mamatay ngayon!"

"Anong nangyayari?" paglapit ng dalawang matanda.

Nakahanda na agad ang mga reklamo ni Liang Mei Xuan.

Gayunpaman, bago pa makalagpas ang dalawang matanda sa palumpong ng mga bulaklak at makaabot sa kanila, agad na humakbang si Ye Wan Wan at binagsak ang kanyang katawan sa paanan ni Liang Mei Xuan.

Bago siya bumagsak, kinawit niya ang kanyang mga daliri sa purselas na sinuot ni Liang Mei Xuan bilang pag-arte kanina. Hinila niya iyon at hinagis sa sahig.

Hindi pa natumatauli kay Liang Mei Xuan ang nangyari. "Ikaw…"

"Wan Wan--" nang makita na biglang bumagsak si Ye Wan Wan, nagulat si Ye Mu Fan. Lumundag siya at agad na lumapit kay Ye Wan Wan.

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Ye Mu Fan at bahagyang pinisil ito.

Nagulat si Ye Mu Fan. Umaarte… lang siya?

Nakarating na sina Ye Hong Wei at Tan Yilan nang makita nila si Ye Wan Wan sa sahig, agad nilang nilagpasan si Liang Mei Xuan at lumapit kay Ye Wan Wan. "Anong nangyari dito?"

"Wan Wan, anong nangyari?"

Namula ang mga mata ni Ye Wan Wan, "Lolo, lola… ayos lang po ako… ayos lang… wala itong kinalaman kay tita… aksidente akong nahulog…"

Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, lumingon ang dalawang matanda kay Liang Mei Xuan. "Tinulak ka ng tita mo?"

Nataranta si Liang Mei Xuan, "Papa, mama, paano ko naman…"

Madiin na sabi ni Ye Hong Wei, "Anong minamadali mo? Pagsalitain mo muna si Wan Wan."

Para bang lubhang nasaktan si Ye Wan Wan. "Ngayon lang, naglilibot lang ako sa maliit na hardin nang marinig kong nag-uusap sina tita at Yiyi-jie… sabi nila…"

"Anong sabi nila?" giit na pagsiyasat ni Ye Hong Wei.

Napatikom ng bibig si Ye Wan Wan, "Tinawag ni tita na 'mga bastardo' kami ni ge-ge at ako... sabi niya na hindi kami banta sa posisyon ni Yiyi-jie… sinabi niya din na… may huling salita siya sa pamilyang ito… hindi niya na kami papayagang makabalik… hindi na kami makakabalik sa bahay habang buhay…"

"Lolo, lola, ayaw namin ni ge-ge na makipagkumpitensya kay Yiyi-jie sa anumang bagay… bumalik lang naman kami kasi namimiss na namin sina lolo't lola… bakit… bakit naman… kailangan sabihin ni tita ang mga ganitong bagay…"

avataravatar
Next chapter