613 Ano naman kung makita niya tayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Direktor Ye, may alitan kayo ng mga Shen? Kita ko ginugulo mo ang Assembly of Stars Entertainment kamakailan lang." sinubukang sumiyasat ni Gao Fei. Gt

Sumandal si Ye Wan Wan sa upuan niya. Dumadaplos ang mga payat niyang daliri sa porselanang tasa at kaswal na sumagot, "Parang ganon na nga."

Tumawa si Gao Fei at hindi na nagtanong pa. Sabi niya, "Director Ye, tama ka. May namamagitan kila Shen Meng Qi at He Jun Cheng, pero maingat siyang tao. Matagal ko na siyang sinusundan pero wala akong nakita sa kanya… hanggang sa noong isang linggo. Nalaman ko na madalas na nagkikita ang dalawa sa isang hotel."

Bahagyang lumihis ang mata ni Ye Wan Wan. "Tulungan mo 'kong makuha ang numero ng kwarto nila."

"Walang problema, 'wag kang mag-alala. Bibigay ko sa 'yo sa loob ng isang linggo." deretsong sagot ni Gao Fei.

Inangat ni Ye Wan Wan ang tasa niya. "Salamat."

"Director Ye, hindi mo na ako kailangan pasalamatan pa. Ako dapat ang nagpapasalamat sa 'yo - kung hindi dahil sa 'yo no'ng mga panahong 'yo, mawawala na talaga ang Mars Weekly." taos-pusong sinabi ni Gao Fei.

Matapos makipag-usap kay Gao Fei at mamaalam, tinitigan ni Ye Wan Wan ang balita tungkol sa proyekto na "Splendid Light" at nanlamig ang mga mata niya.

Isang araw bago ang kompetensya.

Kinagabihan, binuksan ni Ye Mu Fan ang pinakailalim na drawer at naglabas ng mga lumang susi.

Pinalayas ang buong pamilya na parang mga ligaw na aso noon, at na kay Ye Shao Ting pa ang lumang bahay pero gumawa siya ng mga ekstrang susi.

Ilang taon noon, aksidente niyang nawala ang mga susi at kumuha pa ng tao para gumawa pa ng mga bagong susi pero bandang huli, nahanap niya ang mga susing nawala niya.

Base sa karakter ni Ye Shao An, talagang itatago niya ang ganitong importanteng dokumento sa study sa bahay niya.

Kailangan niya lang patagong pumasok at tignan ang dokumento para malaman ang presyo niya nang walang nakakaalam...

Matapos na huminga ng malalim, kinuha ni Ye Mu Fan ang mga susi at umalis.

Tahimik ang buong lumang bahay ng ng mga Ye.

Tutal na dito siya lumaki, kay sobrang pamilyar ang buong lugar na ito at madaling maiiwasan ang security at pumasok sa patyo.

Sa dilim, pinagtatawanan ni Ye Mu Fan ang sarili. Tsk, bahay ko nga 'to, pero kailangan pumasok ako na parang magnanakaw dito...

Naging mabuti ang mga bagay kaysa sa inaasahan.

Hindi nagtagal, pumasok si Ye Mu Fan sa study, at tagumpay na nahanap ang dokumento para sa proyektong Splendid Light at sinilip ang presyo.

Kinabukasan.

Assembly of Stars Entertainment:

Pade-kwatrong nakaupo si He Jun Cheng at nangutya. "Wala pa ring balita - sigurado ka bang ginawa ni Ye Mu Fan?"

Nakaupo si Shen Meng Qi at malamyang sumagot, "Bakit nagmamadali? Hindi pa naman oras 'di ba? Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Tumawa si He Jun Cheng. "Bakit naman hindi ako magtitiwala sa alindog ng missy Shen?"

"Mauna ka na. Ayokong may makita siya kapag pumunta na siya dito mamaya!" sabi ni Shen Meng Qi. Wala pa siyang naririnig kay Ye Mu Fan at nag-uumpisa na siyang mabalisa.

"Ano naman kung makita niya tayo? Ano ang kaya niyang gawin sa 'kin? Duwag naman 'yon…"

Pumiksi si He Jun Cheng at lumapit sa mga labi ni Shen Meng Qi nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Si Ye Mu Fan na 'yon." nagliwanag ang mukha ni Shen Meng Qi at agad na tinulak papalayo si He Jun Cheng.

"Tsk, sayang naman…" nag-atubiling tumayo si He Jun Cheng.

Inayos ni Shen Meng Qi ang damit niya at sabing, "Pasok!"

Pumasok si Ye Mu Fan at kumunot ang mga kilay niya nang makita na nandoon si He Jun Cheng.

"May kailangan akong sabihin kay Shen Meng Qi lang," sabi ni Ye Mu Fan.

Nagdilim ang mga mata ni He Jun Cheng sabay tayo at nagpanggap na masayahin, "Tapos na din naman ako dito. Mag-usap lang kayo dyan!"

avataravatar
Next chapter