1005 Ano naman kung maganda siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos magpaalam sa lahat, bumalik na si Ye Wan Wan sa kotse at nagpalit ng damit.

Sa multimedia hall gaganapin ang klase ni Professor Li Yue na matatagpuan sa silangang bahagi ng Imperial Media University. Nang makarating si Ye Wan Wan, halos lahat ng upuan ay okupado na, kaya naman sumalubong sa kanyang ang maladagat na dami ng tao.

Bukod sa mga estudyante ng unibersidad, madami ding estudyante mula sa ibang unibersidad ang dumalo, kaya naman puno ang silid ngayon.

Nang makapasok si Ye Wan Wan sa silid, natahimik saglit ang buong silid bago nagkaroon ng hiyawan, at madaming pares ng mata ang nakatuon sa kanya.

"Sh*t! Anong major ng gandang 'yan? Bakit hindi ko pa siya nakikita?!"

"Sa unibersidad natin si gandang 'yan? Bakit hindi ko alam! Entertainer na ba siya na nagawa na ang kanyang pinakaunang pagganap sa publiko at madalas na hindi pumapasok sa klase?"

"Kung entertainer siya, hindi pwedeng hindi natin siya makikilala!"

Nakahanap ng bakanteng upuan si Ye Wan Wan bandang likod na hilera. Lumapit siya roon at umupo.

Alam niya ang mga pagtitig at pag-uusap sa kanya.

Noong unang pagdalo niya sa senior high school, pinagtatawanan siya saan man siya pumununta. Pero ngayon na nag-iba siya ng itsura, nakatanggap siya agad ng kakaibang pagtrato.

Kakaupo lang ni Ye Wan Wan, pero may lalaki na agad ang sumusubok na harutin siya. "Uy, ganda, anong major ang inaaral mo? Bakit hindi pa kita nakikita dati? Baka pwede kong mahingi ang WeChat mo?"

Bago pa matapos ng lalaki ang sasabihin, rinig ang galit na boses ng babae mula sa gilid, "Xu Changdong! Gusto mo bang mamatay?!"

Agad na nagulat ang lalaki. "*cough* Yu Ya, hindi ba sinabi mong hindi ka pupunta ngayon?"

"Tingin mo ba pwede mong lumandi sa mga babae sa likod ko, huh?" habang nagsasalita ang babae, masama ang titig nito kay Ye Wan Wan.

Napahiyang sumigaw ang lalaki, "Hindi! Nagtataka ako kasi hindi ko siya kilala…"

"Anong ipagtataka mo dyan?! Madaming klase ng tao ang katulad niya sa eskwalahan! Mayroon pa mga ordinaryong babae na ganyan sa ibang eskwelahan! Umaasa sila sa katotohanang may itsura sila, kaya abala sila sa pagsubok ng pagkuha ng mga mayayamang lalaki araw-araw. Paano sila magkakaroon ng oras para pumasok sa klase? Syempre hindi mo siya kilala!" iritableng sabi ng babae.

Naakusahan na pineperahan ang mayamang lalaki ng walang dahilan, napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Ganda, parang hindi naman kita sinaktan kailanman?"

Agad na galit sumagot ang babae, "Hindi pa ako sinasaktan? Inaakit mo 'yung boyfriend ko!"

Mabilis na sinubukang pakalmahin ng lalaki ang babae, "Honey, 'wag kang magalit, 'wag kang magalit! Hay, gusto ko ang babaeng matalino na mataas ang grado tulad mo; paano ko naman gugustuhin ang mga babaeng tulad niya?! Bigla ko lang talaga siyang natanong ngayon lang…"

"Tama 'yon, Yu Ya. 'Wag kang magalit!"

Madaming tao na din ang nakisali. Mapanlibak ang mga itsura nila nang tinignan nila si Ye Wan Wan.

Hindi din maka-imik si Ye Wan Wan. Parang hindi pa sapat ang nangyaring diskriminasyon noon sa kanya sa pagiging panget, pero hanggang ngayon ay may diskriminasyon pa ding nagaganap.

Ano naman kung maganda ako? Bakit hindi pwedeng magkaroon ako ng magandang grado kahit na maganda ako? Nararapat bang maapi ako dahil lang sa maganda ako?

Buti na lang, pumasok na si Professor Li. Nagbalik ang katahimikan ng silid, at maitutuon na ni Ye Wan Wan ang sarili sa pakikinig sa klase...

"Students, kayong lahat, kamusta! Masaya akong naririto ngayon sa pagtanggap ng imbitasyon na magsagawa ng isang seminar ngayon. Ang tema na gusto kong pag-usapan ngayon ay ang emergency public relations. Ibubuod ko ang ilang mga klasikong case study mula sa korporasyon at ang entertainment industry mula sa mga nagdaang taon at magbunsod ng talakayan sa inyo…"

Sobrang interesado ang seminar ni Professor Li. Kakaiba kung paano pag-usapan ng ibang tao ang teorya at kaalaman - madaming mga praktikal na impormasyon sa kanyang seminar, binanggit niya din ang ilang mga halimbawa mula sa totoong buhay. Kaya naman masigasig na nakikinig ang estudyante, at kahit na si Ye Wan Wan ay madami ding natutunan. Maya-maya, mabilis na lumipas ang mahigit isang oras.

Sa entablado, sumulyap si Professor Li sa lahat. "May isa pa akong halimbawa na gustong talakayin sa lahat. Alam ba ng lahat ang tungkol sa 'pagmolestya ni Han Xian Yu sa batang babae' na eskandalo…"

avataravatar
Next chapter