1132 Ano ang gusto niyo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga mata ni Si Ye Han ay tulad ng malalim na sapa habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan, "Halika dito."

Sumugod ng mabilis si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Napa-urong ang katawan ni Si Ye Han dahil sa malakas na atake sa kanya ni Ye Wan Wan at ang dalawang butones sa kanyang damit at nakatanggal na.

Pinalupot ni Si Ye Han ang kanyang mga kamay sa bewang ni Ye Wan Wan nang makita niya ang mga kumikinang na mga mata nito. Ang boses niya mahinahon kaya hindi karaniwan ito. "Mag-usap tayo."

Kumunot ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Sinabi mo sa akin na mag-s*x tayo pagkatapos kong inumin iyon…"

"Oo, sinabi ko iyon, pero may itatanong muna ako." Maririnig ang nakakabighaning tono ng boses ni Si Ye Han.

Epektibo ang gayuma ng kanyang boses at tumango kaagad sa kanya si Ye Wan Wan. "Sige…"

Pinanood ni Si Ye Han ang mukha ni Ye Wan Wan at tinanong niya ito, "Gusto mo ba ako o ang mukha ko ang gusto mo?"

"Yung mukha mo," hindi nagdalawang isip si Ye Wan Wan sa sagot niya.

Lumiit ang mga mata ni Si Ye Han. Sa isang segundo, binotones niya ang kanyang damit na para bang normal lang ang pangyayari. "Matulog ka ng mag-isa."

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang tila isang kidlat sa langit at bigla siyang natulala.

Bakit?!?!?!

Umakyat sa pangalawang palapag si Si Ye Han at kahit ang likod niya ay makikitaan ng galit.

Panandaliang nagulat si Ye Wan Wan noong hinabol niya si Si Ye Han. Tumalon sa hagdan si Ye Wan Wan dahil naisip niya na hindi niya kayang habulin si Si Ye Han dahil mahaba ang mga binti nito, bigla niyang hinarangan ang dinaanan ni Si Ye Han.

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Bakit?"

"Alamin mo ng ikaw lang."

Manhid ang itsura ni Si Ye Han. Wala siyang kibo at hindi siya nagsalita nang pumasok siya sa kubeta.

Bang! Hinampas ni Si Ye Han ang pintuan sa harapan ni Ye Wan Wan. Nanaig ang galit sa puso ni Ye Wan Wan kaya tumalon siya sa kama at niyakap niya na lamang ang comforter.

Ano naman kung gusto ko siya dahil gwapo siya?! Bakit siya nagalit?! Bakit niya ako sinarahan ng pintuan?!

Bakit niya ako dinala dito pero hindi naman kami mag-s*x?

Mabangis na kinaskas kaskas ni Ye Wan Wan ang comforter, ngunit huminto siya kasi may naramdaman siyang gumagalaw sa ilalim ng comforter...

Nagulat sa sobrang takot si Ye Wan Wan.

Sa isang saglit, nakita niya ang isang malambot at maputing bata na lumabas sa comforter.

Kinakamot ng bata ang kanyang mga mata dahil naalimpungatan ito. Umupo siya at inaantok niyang tiningnan si Ye Wan Wan.

Nawala ang antok nang makita niya kung sino ang nasa kama. Malaking kasiyahan ang makikita sa mga mata ng bata, mabilis siyang gumapang at pumunta sa yakap ni Ye Wan Wan.

"Mommy!!!"

Gulat na gulat si Ye Wan Wan nang makita niya ang batang lumabas galing sa comforter at hindi niya inasahang niyakap siya ng batang ito at tinawag siyang "Mommy."

Pinapakalma ni Si Ye Han ang sarili niya sa kubeta nang bigla siyang nagulat sa miserableng sigaw na nanggaling sa labas.

"Ahhh!!!"

Binuksan ni Si Ye Han ang kubeta at mabilis siyang lumabas dito.

"Anong nangyari?" Makikita ang maangas sa reaksyon sa mukha ni Si Ye Han.

Nakita niya si Ye Wan Wan na nakatitig sa isang bata sa kanyang mga kamay habang ang mukha niya ay namutla sa sobrang pagka-bigla. "Ano… ano ito???"

Si Yehan: "…"

Bumuntong hininga si Si Ye Han at kinamot niya ang noo niya dahil hinahabol niya ang kanyang hininga. Sa isang saglit, bigla siyang sumagot, "Anak mo 'yan…"

Mas lalong nagulat si Ye Wan Wan. Tiningnan niya ang bata at si Si Ye Han. "Sinong nagluwal sa kanya?"

Lalong dumilim ang mukha ni Si Ye Han. "Ikaw."

Naisip ni Si Ye Han, Alangan naman na ako ang nagluwal ng batang 'yan?

Sumigaw si Ye Wan Wan, "Imposible! Paano tayo magkakaroon ng anak kung hindi pa tayo nagtatalik?"

avataravatar
Next chapter