1026 Ang yaya na si Great White!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa sumang-ayon din si Ye Wan Wan, naayos na ang paksa.

"Base sa husay mo, hindi ka makakatagpo ng anumang problema kahit na lumaban ka, Miss Ye!" sabi ni Qin Ruo Xi na may marangal at matikas na ngiti. "Tutal, ayos na ang lahat dito, kokontakinko na si tito Sun!"

Sumagot si Mu Suifeng, "Magaling! Aantayin ko ang balita mo, Miss Qin!"

Matapos ang banquet, pauwe ng bahay:

Natatakot si Ye Wan Wan na baka bawiin ni Si Ye Han ang sinabi niya, kaya taimtim niyang pinangako, "My dear, ang gawain lang ng representante ay ang pamunuhan ang team at gabayan sila at hindi na kailangan lumaban! Sisilip lang ako at titignan ang mundo! Pangako!"

Si Wolf King Senny at ang mga Sun ay naiwan para pasakitan ang kanyang interes.

Narinig niya din na ang anak na babae ng mga Sun, na si Sun Xuezhen, ay kakila-kilabot din, kaya gusto niya din ito makilala...

Sumulyap si Si Yehan sa kanya at italaga na ang sarili niya sa tadhana base sa panata ni Ye Wan Wan, tila bang mga hungkag na salita ito.

"Nasa misyon sina Eleven at Feng Xuanyu at nasa ibang bansa ngayon sila. Si Xu Yi na ang pipili ng mga tao para sa iyo." sabi ni Si Ye Han.

Si Xu Yi, na nagmamaneho sa harap, ay agad na sumagot, "May mga bago tayong nakuha na grupo ng mga tao na maayos. Pipili ako ng ilang tao bukas."

Ye Wan Wan: "Salamat sa abala, Steward Xu!"

Ligalig na sumulyap si Si Ye Han sa kanya. "Wala akong pakialam kung manalo o matalo, basta hindi ka gagawa ng anumang gulo."

Gaganapin ang martial arts conference para hayaan si Ye Wan Wan na manuod at magsaya, kasama na din dito ang pagkuha ng pabor ni Mu Suifeng.

Sumimangot at nagmaktol si Ye Wan Wan, "Alam ko, alam ko! Ah-jiu, pakiramdaman ko may malalim kang hindi pag-iintindi sa akin. Hindi maganda iyon! Halata namang masyado akong masunurin, at sobrang duwag din, 'di ba? Hidni naman ako basta gagawa ng gulo…"

Si Ye Han: "…"

Xu Yi: "…"

Walang hindi nakakaintindi sa 'yo, okay?

Duwag… duwag ka lang naman sa harap ng isang tao, 'di ba...

Little House of Rose:

"Tangtang baby, andito na si Mommy!"

Inalis ni Ye Wan Wan ang kanyang high heels at mabilis na tumakbo sa may sala.

Pagkapasok niya sa sala, nakita niya ang malaking mabalahibong hayop na nakahiga sa alpombra sa harap ng sofa na may maputi at pihikan na batang natutulog sa tabi nito.

Maya-mayang pumapalantik ang buntot ni Great White, marahang tinatapik ang bata na parang inaamo ito sa kanyang tulog...

Nang makita ito ni Ye Wan Wan, mabilis niyang hininaan ang kanyang boses at marahang pumasok. "Great White, salamat sa pag-alaga kay Tangtang! Mahal na mahal kita!"

Tamad na dumilat ang Great White nang marinig niya ang mga yapak ni Ye Wan Wan bago mabilis na pumikit.

May pagdusta ang kanyang mga asul na mata, na para bang sinasabi na, "Ang tagal mong nagsaya sa labas, at ngayon lang bumalik, hinayaan mo ang isang tigre para bantayan ang isang bata para sa 'yo! Anong klaseng magulang ka?"

Nang pumasok si Si Ye Han, nanlambot ang itsura niya nang makita niya ang bata na nakahiga sa tabi ng malaking puting tigre.

Maingat na lumapit si Ye Wan Wan kay Tangtang at binuhat siya, marahang hinalikan ang maliliit niyang pisngi, "Baby, matulog na tayo sa kama!"

Binuksan ng bata ang kanyang antukin at maulap na mga mata, na naging kawangis ng Milky Way at sumalamin sa marahang mukha ni Ye Wan Wan.

"Mommy…"

"Opo, nakabalik ni Mommy!" malumanay na sinabi ni Ye Wan Wan.

Malabong tumingin ang bata sa mukha niya at bumulong sa kanyang tulog, "Mommy… sobrang ganda…"

Tila bang nabaril si Ye Wan Wan at hinawakan ang kanyang dibdib, "Ah! Anong gagawin ko! Bakit sobrang kaibig-ibig ng anak ko kahit na nagsasalita siya habang tulog!"

Si Si Ye Han na nanunuod sa malapit: "..."

Anak ko…?

Talagang mas nagiging madali niya nang sinasabi ito...

avataravatar
Next chapter