391 Ang yakap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos nilang mag-umagahan, handa na ang lahat para bumyahe sa paroroonan nila.

Sa isang kurap, lumipas na ang dalawang araw. Wala pang nangyayaring hindi karaniwan at mapayapa naman ang kalagayan ng byahe nila.

May dalawang grupo ng mga tao ang sumama sa mga oras na iyon-- ang isa ay pasikreto nagtatago at ang pangalawang grupo ay pinamumunuan ni Liu Ying bilang depensa sa harap.

Sapat na ang preparasyon nila sa biyahe. Gayunpaman, kung iisipin rin ang kapangyarihan na meron si Si Ye Han, sinong tao ang susubok na manggulo sa great devil?

Kaya para sa lahat, isang ordinaryong business trip lamang ito at wala sa isip nila na may mangyayaring hindi inaasahan.

Maliban na lang kay Ye Wan Wan. Pabigat ng pabigat ang paghinga niya sa bawat oras na papalapit sila sa destinasyon.

Walang mangyayaring masama dahil pinapalibutan siya ng mga gwardya, pero biglang lumitaw ang hindi pangkaraniwang gang sa dinadaanan nila...

Sa loob ng kotse:

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang namumutlang lalaki na nasa tabi niya at sinabi, "Darling, sigurado ka ba na hindi mo na dadagdagan ang mga gwardya mo? Mabigat ang puso ko at nararamdaman ko na may mangyayaring masama! Maniwala ka sa akin! Totoo ang pakiramdam ko!"

Dalawang araw nang inuulit-ulit ni Ye Wan Wan ang mga salitang ito.

Kahit alam niyang mataas ang kaledad ng mga gwardiya ni Si Ye Han, hindi pa rin panatag ang kanyang isip.

Hindi pa naiirita si Si Ye Han kahit ilang beses niya nang narinig ang pag-aalala ni Ye Wan Wan. Tiningnan niya lang si Ye Wan Wan at wala siyang sinabing kahit ano. Sa halip, inunat niya ang kanyang mahahabang mga braso at hinila niya si Ye Wan Wan sa kanyang yakap.

Binalot niya ang babae sa mainit niyang yakap habang hinahaplos niya ang likod ni Ye Wan Wan.

Nabigla si Ye Wan Wan at tila kumalma ang mabilis na tumitibok niyang puso.

Inangat niya ang kanyang ulo at nakitang may hawak na dokumento si Si Ye Han sa isang kamay at ang kabilang kamay ay nakayakap pa rin sa kanya, para bang protektado siya sa kahit anong mangyari.

"..."

Naghalo-halo ang emosyon ni Ye Wan Wan dahil sa pagtrato sa kanya ng parang bata ni Si Ye Han.

Ang lalaking ito ay madalas na may mababang EQ o hindi masyadong nagpapakita ng nararamdaman niya, kaya paminsan-minsan, pinapakita niya lamang ito sa mga tamang panahon.

Isang gabi, nakarating ang kotse nila sa isang bayan.

Nagpahinga silang lahat sa isang malapit na hotel.

Madaling araw na at si Si Ye Han ay may meeting sa mga nakakataas sa kanya, habang si Ye Wan Wan ay mag-isa lamang sa kwarto at hindi siya makatulog.

Kaya tumayo siya at hinanap niya si Xu Yi.

"Gabing-gabi na miss Ye. Bakit hindi ka pa natutulog?"

"May nararamdaman ang akong masama kaya hindi ako makatulog…" nagbuntong hininga si Ye Wan Wan. "Xu Yi, pwede mo bang himukin si Si Ye Han na ipagpaliban ang plano niya?"

Hindi nila maiiwasan ang mga kalaban na patuloy na ti-na-target si Si Ye Han kahit ihinto pa nila sa huling segundo ang negosasyon na iyon. Ano nga ba ang magbabago kung ipapaliban pa nila iyon? Mas magandang sundin ni Ye Wan Wan ang mga susunod na mangyayari katulad sa pangyayari sa una niyang buhay....

Alam ni Xu Yi na walang sawang ginugulo ni Ye Wan Wan si master niya, sinasabi niya na may mapanganib na mangyayari, kaya napilitan siyang sumagot, "Miss Wan Wan, kung hindi mo kayang hikayatin si master, paano pa ako?"

Sinubukan ni Xu Yi na bigyan ng ginahawa ang puso ni Ye Wan Wan: "Baka masyado kang kinakabahan Miss Wan Wan. Ligtas ang biyahe na ito at walang mangyayaring problema. Kailangan mong magpahinga ng maigi, o di kaya pumunta ka sa spa sa baba para kumalma ka. Makakarating tayo ng gabi sa pupuntahan nating destinasyon!"

——"Tsk, delikado raw? Hula na naman ba ito ni Miss Ye?"

Habang nagsasalita si Xu Yi, biglang umentra ang boses ni Liu Ying na nanggaling sa kanyang likuran.

Wala sa mood si Ye Wan Wan para makipagtalo sa kanya, kaya tiningnan niya na lang si Liu Ying ng masama. "Ano naman sayo kung hula ko ito?"

Ngumiwi ang mukha ni Liu Ying. "Miss Ye, ire-respeto kita dahil isa ka sa mga tauhan ni master, pero kung ang intensyon mo ay sirain at guluhin ang plano ni master, 'wag mo akong sisihin na hindi kita bigyan ng babala--ilang araw nang walang kwenta ang pinagsasabi mo, ginugulo mo ang isip naming lahat. Para sa lahat, negatibo ang epekto ng pinaggagawa mo, kaya mag-isip kang maigi kung anong gagawin at sasabihin mo!"

avataravatar
Next chapter