104 Ang video na nagsabi ng katotohanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos na mai-post, inaway si Ye Wanwan ang mga tagapag-tanggol ni Shen Meng Qi--madaming lumitaw na mga pamilyar na ID. Ilan sa mga netizen ang nagsasabing nakita nila ang nangyari noong gabing 'yon at umapaw ng mga pamimintas, tinawag pa nga itong mga rumormongers.

Mayroong unspoken rule tungkol sa entertainment circle na hindi importante kung ano ang totoo; kung sinoman ang nagpapatakbo ng opinyon ng publiko ang siyang nagpapatakbo ng mundo, kaparehas lang sa sitwasyong ito.

Naging dahilan din ito para maglakas loob si Shen Meng Qi na gumawa ng kasinungalingan at mapatunayan ang pagiging inosente niya.

Hindi nababalisa si Ye Wanwan habang tahimik niyang pinapanood ang mga nag-aaway.

Sprinkling z to empty some avoided memories: "Tsk tsk, 'yung nag-umpisa ng thread walang lakas ng loob na ipakita 'yung mukha niya!"

Love the Winter Nights: "Gawa-gawa lang 'yun lahat! Gumawa lang sila ng tsismis para magkaroon ng gulo; madami na 'kong nakilalang ganyang mga tao dati!"

...

Nang matapos ang lahat maglabas ng saloobin at napagkasunduan nila na itrato 'yung post na tsismis lamang, Nagpost si Ye Wanwan ng clip bago pa maglaho ang post.

Habang nag-aaway si Shen Meng Qi at Jiang Yan Ran nung isang gabi, pasikreto niyang kinunan ng video ang lahat.

Kumpara sa post ni Shen Meng Qi na nakabase sa tsismis, siya mayroon siyang video evidence.

Sa loob ng pagtitipon ng eskwelahan ng Qing He, ang tsismis tungkol sa pinakapanget na babae ng Qing He ay araw-araw lumilitaw, pero hindi ito napagpasiyahan kung totoo ba ito o hindi.

Lalo na nag-umpisa siyang umupo kasama si Si Xia, halos araw-araw itong pinag-uusapan. Siguro ay pagod na ang lahat sa kanya, pero mas lalong lumalim ang galit nila dito dahil sa post ni Shen Meng Qi.

Gayunpaman, ang reputasyon niya ay kasing itim ng uling at wala nang mas iitim pa dito, pero iba si Shen Meng Qi--siya ang dilag ng class A, ang sikat na dilag ng Qing He.

Ang diyosang ito, na nasa puso ng karamihang mga lalaki, na kasing payak at perpekto pa sa piraso ng niyebe. Para isipin na palihim niyang naakit ang lalaki ng matalik niyang kaibigan-- ang tsismis na ito ay mas naging pasabog pa kaysa pa sa mga haka-haka tungkol sa ugly freak na ang kanyang reputasyon ay mantsadong mantsado na.

Sa pagbunyag ng tsimis tungkol kay Shen Meng Qi sa gantong oras ay maaring malihis ang atensyon papalayo sa kanya.

Para sa mga taong hindi kayang bigyan ng linaw ang sarili nila, isang karaniwang ensayo ang paggamit ng isang pasabog na content para malihis ang atensyon ng mga tao para sa industriya ng entertainment.

Matapos niyang i-post ang video, umorder si Ye Wanwan ng mga inumin at pagkain at matiyagang nag-antay sa kanyang upuan.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, ang napapawing post ay pumutok muli--

Lonely Heart: "Oh my god! Ano 'yung nakita ko? Everyone, dali at tignan niyo itong tsimis na 'to!"

Cute and Handsome Guy: Damn! Totoo nga talaga 'to! Nasaktan din 'yung diyosa dahil sa phone na binasag ni Jiang Yan Ran sa mukha niya!"

I Am Little Cutie 123: "Grabeng drama! Hindi ba magkalapit sina Shen Meng Qi at Jiang Yan Ran? Nakakagulat naman na may kabit palang kasama!

Most Handsome: Huh, hindi ba isa itong malaking hindi pagkakaunawaan?"

A Windy Summer: "Nalabas na ang video clip, anong klaseng hindi pagkakaunawaan dito? Hindi mo ba narinig 'yung sabi ni Jiang Yan Ran na siya pa ang nagkusang humalik sa lalaki? Hindi man lang siya nakonsensya para tanggihan 'to. Bakit niyang piniling lumabas na kasama 'yung lalaki niya sa birthday ni Jiang Yan Ran, naghahalikan at pinag-uusapan na magiging sila matapos ang graduation, gamit pa ang mga matatalik na salita?!"

Dazed Little Cutie: "Nagsasabi ng totoo 'yung video. Mas nakakapanabik pa 'to kaysa sa post na katabi nito! Kaya pala hindi kumikibo ang nag-umpisa ng thread-- naghahanda siya sa kanyang big move! Hindi na makakapagsinungaling si Shen Meng Qi, hindi ngayon!"

...

Nagraranggo nang mabilisan ang post ni Ye Wanwan sa mga pupolar post dahil sa mga netizen at mabilisan ding napalitan ang pinakasikat na post tungkol sa kanya.

Ang mga netizen na abala mag-away sa post niya ay lumipat na sa post tungkol Shen Meng Qi, nagmamakaawa na ang nag-umpisa ng thread ang maglabas pa ng mga tsismis.

avataravatar
Next chapter