739 Ang video call ni little devil

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sige, susundin ko ang mga kahilingan niyo. Dadagdagan ko ng $1,000 ang bawat isa sa inyo, maliban pa yun sa $1,000 na makukuha niyo," sabi ni Ye Wan Wan.

"Dadagdagan mo ng $1,000 pa ang kada-tao o…" hindi siguradong nagtanong ang deboto.

"Kada isang tao." Walang magawa si Ye Wan Wan. Para bang hindi siya handang makipag negosyo sa mga taong tulad nila at nakakapagod na silang kausapin.

"Haha, napaka-mapagbigay mo, boss Ye. Kami nang bahala sa lahat, 'wag kang mag-alala. Sabihin mo lang sa amin at gagawin namin at gagawin naming ang lahat ng aming makakaya!"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. Mabilis niyang binaba ang tawag pagkatapos niyang sabihin ang eksaktong detalye ng address sa deboto.

Aaminin ni Ye Wan Wan sa sarili niya na episyente ang limang ito - dumating sila sa city H nang kinaumagahan at nakahanap agad sila ng hotel nang hindi nanghihingi ng tulong na sunduin sila ni Ye Wan Wan sa airport.

"Haha, Famous, nagkita muli tayo."

Nakasuot ng kaswal at komportableng outfit si Nameless Nie. Mumurahin man ang damit niya, disente naman siyang tingnan sa suot niya at maganda itong tingnan sa kanya.

Napakaganda pa rin ng suot ni Spray of Flowers, nakasunod siya sa likod ni Nameless Nie nang nakatikwas ang kanyang pwetan.

Mabilis na humiga sa lapag ang gwapong taong yelo na may hawak na kabaong, nang dumating si Ye Wan Wan.

"Tumayo ka diyan, hubby. Hindi mo kailangang magkunwaring patay sa harap ni boss Ye," sabi ni Spray of Flowers sa gwapong taong yelo.

Gayunpaman, parang ayaw nang tumayo ng gwapong taong yelo.

"Tumayo ka, ngayon din! Wala ka bang mga buto?" Inutusan siya ni Nameless Nie.

Gumapang patayo ang taong yelo nang marinig niya ang pagpapagalit ni Nameless Nie.

"Haha, pasensya na boss Ye, walang modo ang mga ito…" nahiya si Nameless Nie.

"Ah… okay lang, sanay na ako." Parang normal na ito kay Ye Wan Wan.

Nagtataka si Ye Wan Wan nang makita niya ang gwapong taong yelo. Paano kaya nakumbinsi ng lalaking ito ang staff ng hotel na pwede siyang magdala ng kabaong sa loob...

"Boss Ye, anong kailangan naming gawin?" Umupo nang naka de kwatro si Nameless Nie, nag-iinasta siyang isang mayaman na gustong makipag negosyo.

"Hoy, tumatawag yung ninuno mo!"

"Hoy, tumatawag yung ninuno mo!"

Bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, biglang nag-ring ang phone ni Nameless Nie at ang ringtone nito ay… kakaibang tunay.

Mabilis na nag-iba ang ekspresyon mi Nameless Nie nang marinig niya ang ringtone habang sila deboto, Spray of Flowers at ang lahat ay biglang nagtinginan sa isa't isa. Yung ninuno na naman...

"Pa-pasensya na…" ngumiti na nanghihingi ng patawad si Nameless Nie kay Ye Wan Wan bago pa niya sagutin ang video call.

Nasulyapan ni Ye Wan Wan sa phone screen ni Nameless Nie ang isang batang lalaki na nakasuot ng itim na British custom suit, ito ay nakaupo sa mansyon.

"Ang gandang bata…" Bilang isang tao na may alam sa itsura, napukaw si Ye Wan Wan sa mukha ng bata sa video call.

Para bang binalot ng puting powder ang mukha ng bata at ito'y inukit gamit ang jade. Walang pangit sa kahit anong parte sa mukha niya. Gayunpaman, wala ekspresyon ang kanyang mukha at para bang walang pakialam ang itsura niya - hindi ito bagay sa kanyang edad.

Nakatayo si Ye Wan Wan sa likod ni Nameless Nie at sinuri niya ang bata dahil nagtataka siya dito. Sa ilang segundo, ang kanilang mga mata ay nagtagpo.

Nang makita nila ang isa't isa, may napagtanto si Ye Wan Wan...

Bakit parang pamilyar ang batang ito…?"

Inisip ito ng maigi ni Ye Wan Wan habang tinititigan niya ang batang lalaki sa video call. Tinitingnan niya ang bata ng maigi hanggang sa huminto si Ye Wan Wan.

Ang ugali, asal, ang manhid niyang mukha at asta niya na para bang mas mataas siya sa mga mortal...

Para siyang maliit na bersyon ni Si Ye Han...

Ang galing…

avataravatar
Next chapter