639 Ang ugali ng unang asawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umupo at naghintay si Ye Mu Fan sa pang-isang tao lang na sofa. Matapos ang limang minuto, maririnig ang papalapit na mga hakbang.

Tinulak pabukas ng isang tao ang pintuan kaya biglang napatingin sa may pintuan si Ye Mu Fan. Nakita niya na si Luo Chen na sumikat muli dahil sa papalabas na serye na hindi pa pinapakita sa telebisyon ang nagbukas ng pintuan.

Nakasuot siya ng puting t-shirt at jeans, matumal at maputla ang kanyang mukha kahit na bata pa naman ang itsura niya.

Tumango si Luo Chen kay Ye Mu Fan, ngunit hindi na niya tinanong kung sino ang lalaking ito. Umupo si Luo Chen sa katapat na sofa ni Ye Mu Fan at pinasak niya ang earphones sa kanyang tenga. Tahimik siyang nakaupo at parang wala siyang

Akala niya na inutusan lang ng kumpanya na manahumik si Luo Chen. Hindi niya inasahan na tahimik pala talaga si Luo Chen...

Sabi nila na case study lamang ng showbiz ang biglaang pagka-sikat ni Luo Chen kaya hindi maiwasan ni Ye Mu Fan na suriin ang artistang ito.

Sa wakas at nakita niya na kung anong ginagawa ni Luo Chen, nakita niya na binuksan ni Luo Chen ang kanyang WeChat. Hindi siya nakikinig ng tugtog pero pinapakinggan niya ang boses ng tao at paminsan-minsan ay nagsusulat siya sa notebook...

"Ye-ge——"

Pagkatapos ay may nag "bang" ng pintuan, may lalaking nakasuot ng fluorescent green ang nagmadaling pumasok sa loob ng silid na punong-puno ng enerhiya. Sumunod ang kanyang assistant sa likod habang hawak ang maliliit at malalaking bags sa dalawa niyang kamay at basang-basa rin siya ng pawis.

Halos mabulag si Ye Mu Fan sa flourescent na damit at cherry blossom pink na buhak ng lalaking iyon.

Totoo pala akma sa kaakit-akit na tao ang kahit anong damit. Parang nasiraan ng kotse kapag sinuot ito ng isang ordinaryong tao.

"Sino ka at anong ginagawa mo dito sa opisina ni Ye-ge?" Naalarma si Gong Xu kay Ye Mu Fan.

Lalo siyang na-alarma dahil gwapo ang lalaking naghihintay sa direktor.

Hindi kaya gustong kumuha ng baguhan ni Ye-ge?!

Paano niya nagawa ito sa akin?! Hindi ba ako sapat para sa kanya?!

Nabagabag si Ye Mu Fan dahil nakatitig sa kanya si Gong Xu. "Andito ako para sa interview ng stylist. Pinapahintay ako dito ni Director Ye."

Napakinggan ni Gong Xu ang sinabi ni Ye Mu Fan kaya nawalan siya ng pake at sumimangot siya. Hindi na niya tiningnan si Ye Mu Fan at dumeretso na lamang sita kay Luo Chen habang mabagsik ang kanyang itsura. "Tumayo ka, diyan ako naka-upo."

Tiningnan siya ni Luo Chen at hindi siya sumabad sa lalaking ito. Kinuha niya na lamang ang phone at notebook niya sabay naglakad siya papunta sa gilid ng sofa.

Mapagmayabang na umupo si Gong Xu at tiningnan niya ang assistant na nasa tabi niya. "Sinabi mo na ba kay Ye-ge? Sasamahan ba ako ni Ye-ge sa variety show?"

Mukhang nasa mahirap na posisyon ang assistant kaya dahan-dahan siyang sumagot, "Sinabi ni… Ye-ge na kailangan niyang pumunta sa set ng 'Terrifying Dragon 2' sa araw na iyon, kaya hindi ka niya masasamahan!"

"Anong sinabi mo?" Sumabog na si Gong Xu. Bigla siyang tumayo at hinugot niya ang earphones ni Luo Chen. "Anong ibig sabihin nito, Luo Chen?"

Umangat ang tingin ni Luo Chen sa kanya. "Anong problema mo?"

Tiningnan ni Ye Mu Fan si Gong Xu sabay lumipat ang mga mata niya kay Luo Chen at bigla siyang napa-isip: Totoo pala na magka-away ang dalawang ito?

Umungol sa sobrang galit si Gong Xu, "Tigilan mo na ang pagkukunwari mo. Ano ka, kindergarten student? Bakit kailangan ka pang samahan ng manager sa shooting mo?"

Nag-reklamo sa isipan ang assistant: Kung kindergarten si Luo Chen edi nursery student ka?

Tinikom lang ni Luo Chen ang kanyang bibig at hindi na nanlaban, kahit kaharap niya ang pangungutya sa kanya ni Gong Xu.

Galit na galit pa rin si Gong Xu: "Kakasimula mo lang mag-trabaho kay Ye-ge at medyo nauna ka lang sa akin - bakit ang yabang yabang mo diyan?! Hindi mo pagmamay-ari si Ye-ge, kaya bakit umaasta ka na ikaw ang unang asawa, huh?!"

Ye Mu Fan: ...

Uh, unang asawa daw? Kakaiba ito...

Halos sasabog na si Luo Chen kaya sumagot na siya kay Gong Xu, "Tumigil ka na, Gong Xu."

avataravatar
Next chapter