767 Ang tunay na mataas na kalidad na imperial jade

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ito ang huling piraso ng bato na mayroon sila.

Nanginginig ang mga daliri ni Wang Hu...

Ngunit sa huli, ito ay… walang laman...

Yellow jade ang nasa loob nito...

Ito ay napaka-ordinaryong yellow jade na nagkakahalagang ilang-daang dolyar...

Habang ang bato ni Hou Maofeng ay may laman na imperial jade.

"Ye Wan Wan, ito ba ang pinaparating mo na mananalo at kikita ka ng pera?! Bilangin mo kung gaano karaming pera na galing sa kumpanya ay inubos mo!"

Sa phone screen ni Xue Li, galit na galit si Feng Yi Ping nang makita niya ang yellow jade.

"Haha, nakakatawa naman ito - isa sa kanila ang walang kwentang basura, habang ang isa ay imperial jade… nakakawili naman ito, Ye Wan Wan. Kailan mo balak gawin ang pinangako mo na aalis ka ng kumpanya?" Ngumisi si Si Ming Li.

Gayunpaman, bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, nagmadali ang mga eksperto na pumunta doon.

Ang isa sa mga eksperto na may hawak na flashlight ang nagsuri sa sinasabi nilang, imperial jade. Pagkatapos niyang suriin ito ng ilang beses, umiling siya at sinabi, "Hindi ito ang imperial jade!"

Nalugmok si Huang Shi Xin. "Anong mga kalokohan ang pinagsasabi mo? Ano pala ito, kung hindi ito isang imperial jade?"

Nainis ang eksperto dahil sinigawan siya ni Huang Shi Xin at seryoso siyang sumabad, "Maganda ang uri ng materyal na nilalaman ng bato na ito, ito ay translucent at mukhang magandang kalidad ng mala-yelo o mala-glass na uri ng jade ito.

Sa oras na ito, ang mga dinala ni Ye Wan Wan na mga eksperto ng Si family at sinuri rin ng mabuti ang bato.

Napagtanto nila na tunay ito nang tingnan nila muli ang bato...

"Ito ay… hindi imperial jade…"

Naniwala talaga sila na ang piraso ng bato na ito na nanggaling sa Hui Cui Workshop ay mataas na kalidad ng jade at hindi sila nagdalawang isip at hindi pa nila sinuri ito. Hindi nila inasahan na basura lamang ito.

Gayunpaman, mahirap itong alamin at kahit ang ekperto ay nahihirapan at nagkakamali pa rin na alamin kung ano ang uri ng jade ang nasa loob, paano pa kaya kung nasa loob sila ng magulo at nakaka-kabang sitwasyon?

Sa oras na ito, si Wang Hu na hindi sumusuko at patuloy pa rin sa paghihiwa ng bato, ay biglang sumigaw sa sobrang sabik, "MISS YE! BOSS! Nag… nagbago ang kulay!"

Ang sinasabi nilang nagbago ang kulay ay may dalawa o mas marami pang kulay ang sabay sabay na lumabas sa bato.

Isa sa mga eksperto ni Hou Maofeng ang sumulyap sa berdeng kulay na nasa bato ni Ye Wan Wan at nagmadali itong pumunta sa kanila. "Ito… ito ay…"

"Punyeta…"

Sa isang saglit, humarap sa ibang mga eksperto ang eksperto na sumuri sa bato ni Hou Maoufeng, at niyaya niya ang mga ito. "Dali! Dali, tingnan niyo!"

Nagmadali ang mga eksperto at binuksan nila ang mga flashlight nila sa may bato.

Sa ilalim ng maliwanag na ilaw, ang piraso ng materyales na ito ay mas puro pa sa kulay berde.

"Imperial… imperial jade! Ito ang tunay na imperial jade!"

Nanatiling nakatayo ang lahat nang marinig nila ang sinabi ng eksperto.

Ano?

Peke ang nakuha ng Hui Cui Workshop at ang Glittering Jewels Pavilion ang nakakuha ng tunay na imperial jade - ang tunay na imperial jade?

Paano naging posible ito?

"Ito ang pinakamalaking imperial jade na nakita ko sa buong career ko. Hindi maisip ang halaga o presyo nito." May isang eksperto na tiningnan ang dambuhalang bato na halos 50 kilograms ang bigat at sumigaw siya sa sobrang gulat. Kahit na ang gitnang parte lamang ang jade, hindi pa rin nila ito inaasahan.

"Imperial jade… paano nangyari iyon?! Imposible ito! Paano mo nasabi na hindi imperial jade ang sa amin at sa kanila ay tunay?! Ilang taon nang nakatayo ang store ko - bakit ko naman sasabihin na hindi ito imperial jade, huh?" Galit na galit si Hou Maofeng.

"Boss Hou, imperial jade talaga ito. Kung hindi ka naniniwala sa akin, tingnan mo na lang ito!" walang magawa ang eksperto at naisip niya. Kahit na patuloy na magbubukas ng ilang taon ang store mo, ilang beses ka makakakuha ng tsansa na makakita ng isang tunay na imperial jade?

Dali-daling lumapit si Hou Maofeng at hinusgahan niya ang bato. Paulit-ulit na nagpaliwanag ang eksperto kaya wala siyang magawa kundi paniwalaan ang mga ito...

Tiningnam ng masama ni Hou Maofeng si Ye Wan Wan. Sa sobrang galit niya, nag-iba ang direction ng pagdaloy ng kanyang dugo.

Mapapa-sakanya sana ang mga produkto ni Wan He Yun kung hindi lang dahil sa babaeng ito!

Nababaliw na si Huang Shi Xin. Patuloy niyang pinagtatanong ang mga eksperto.

"Imperial jade… hahaha, nag-iba ang kulay kaya ito nga ay isang imperial jade!" Sumayaw sa sobrang tuwa si Wang Hu.

Sa buhay niyang ito, nagkaroon siya ng pagkakataon na buksan ang isang bato na may nilalaman na imperial jade.

At ito pa ay mataas na kalidad na materyal. Ito ay isang himala!

avataravatar
Next chapter