679 Ang tunay na karibal...

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umaambon ang gabing iyon at ito ay pareho sa nararamdaman ni Gong Xu.

Napagtanto niya ang tunay niyang nararamdaman na baka… umiibig na siya...

Kinilabutan siya sa naisip niyang iyon at hindi naiwasang madugyutan sa sarili niyang mga agam agam.

Sh*t, umiibig na ba ako?

Kabaliwan ito! Nahulog ang puso ko sa isang lalaki?

Pero kasi… hindi pa ako umiibig noon at wala akong karanasan sa ganyan dahil bata pa ako. Hindi naiintindihan ni Gong Xu kung bakit ganito ang kanyang reaksyon kaya natatakot siya sa nararamdaman niya!

Hindi maaari, mababaliw ako kapag nagpatuloy pa ito!

Kailangan ba… kailangan ko bang subukan na halikan si Ye-ge?

Kung kasing dugyot nito ang halikan namin ni Tang Xing Huo, siguro naman ay mananahimik na ang utak ko…

Binabalot ng walang kwentang laman ag kaisipan ni Gong Xu sa oras na iyon nang biglang tinanong siya ni Ye Wan Wan, "Gusto mo akong tanungin tungkol kay Little Candied Plum, tama?"

"Ah? Ano?" Matagal nang kinalimutan ni Gong Xu si Little Candied Plum.

Nagtatakang tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu dahil naramdaman niya na parang may mali kay Gong Xu nung gabing iyon.

Lalong kinabahan si Gong Xu nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Ye Wan Wan. Biglang napansin ni Ye Wan Wan na may dahan dahan na humintong itim na kotse sa may gilid ng kalsada.

Kotse ito ni Si Ye Han.

Nilayo ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata kay Gong Xu at tumingin siya sa ibang direksyon.

Bumukas ang pintuan ng kotse na iyon at lumabas ang isang mahabang binti, sumunod ang matangkad na nilalang na may manhid na persona. Mula sa tahimik at madilim na gabi, naglakad siya patungo sa kumikislap-kislap na mga ilaw sa bar.

Ang bawat hakbang niya'y patungo sa direksyon ni Ye Wan Wan at tumayo siya sa kanyang harapan.

Biglang lumiit ang mga mata ni Han Xian Yu nang makita niya si Si Ye Han.

Ang binanggit pala na kaibigan ni Ye Bai ay walang iba kundi si 9th Si.

"Nagkita ulit tayo, Mr. Si!" Binati siya ni Han Xian Yu.

Hindi interesado si Si Ye Han noong tiningnan niya si Han Xian Yu at tumango lamang siya bilang sagot sa kanyang pagbati.

Tumatak si Si Ye Han kay Luo Chen kahit na isang beses niya pa lang itong nakikita. Noon, hinalikan ni Si Ye Han si Ye Bai sa harap pa ni Han Xian Yu; takot na takot si Han Xian Yu sa oras na iyon...

Kumaway si Ye Wan Wan nang makita niya na dumating si Si Ye Han. "Xian Yu, andito na ang kaibigan ko. Mauna na ako sa inyo!"

"Sige sige, ingat kayo."

"Luo Chen, andito na daw ba si Xiao Qing?" Tiningnan ni Ye Wan Wan si Luo Chen.

Luo Chen: "Darating na siya dito ng mga limang minuto pa."

"Sige." Tumango si Ye Wan Wan at humarap siya kay Gong Xu. "Gong Xu, hintayin mong makarating dito ang driver mo. Nakainom ka kaya 'wag mong tangkain na magmaneho."

"Oh…" tiningnan ni Gong Xu ang lalaki na nasa tabi ni Ye Wan Wan at nawala sa atensyon ang isip niya.

Sino ang lalaking iyon?

Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya - estranghero ang lalaking ito ngunit nararamdaman niya ang pagpigil sa kanyang sarili at tila naka-depensa siya sa lalaking ito...

Nakakatakot ang lalaking ito...

Hindi makapagtimpi si Tang Xing Huo kahit sinusubukan niyang manahimik lamang, "Sino naman ang lalaking ito? Napaka-angas niya…"

Kumaway at nagpaalam si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu at sa iba. Sabay silang naglakad ni Si Ye Han patungo sa kotse.

Ilang beses na bumahing si Ye Wan Wan habang naglalakad sila papunta sa kotse, dahil napakalamig ng gabing iyon.

Sumimangot si Si Ye Han at bigla siyang napahinto.

Tinanggal niya ang malaking itim na coat sa kanyang katawan at dahan-dahan niyang pinatong ito sa balikat ni Ye Wan Wan.

Naging maayos ang pakiramdam ni Ye Wan Wan dahil nakabalot sa kanya ang mainit na coat ni Si Ye Han.

Nagulat si Ye Wan Wan at nabalisa siya noong nakita niya ang ginawa ni Si Ye Han, "Eh? Hindi mo ito kailangang ibigay sa akin! Paano kung sinipon ka?"

Malala ang mangyayari sa kalusugan ni Si Ye Han kapag nagka-sipon siya at tsaka nakapang-damit lalaki pa siya ngayon!

Biglang hinawakan ni Si Ye Han ang kamay ni Ye Ean Wan nang makita niya na gustong ibalik ni Ye Wan Wan ang kanyang coat.

Naramdaman ni Si Ye Han na malamig ang palad ni Ye Wan Wan kaya pinatong niya ito sa mainit niya dibdib...

avataravatar
Next chapter