1137 Ang tunay na eksperto

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga seryosong itsura ng lahat na nasa conference room at nangamba siya. "Hm? Sinuntok ko ba talaga ang kitseng iyon gamit ang kamay ko?"

Sabay-sabay na tumango ang lahat.

"Nakipaglaban rin ako sa mga bodyguard ng kaibigan ko?"

Mabilis na umiling si Gong Xu. "Hindi, hindi, hindi mo ginawa iyon!"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Sabi na eh. Imposibleng mangyari iyon!"

Biglang sumabad si Gong Xu, "Hindi ka nakipaglaban sa grupo ng mga bodyguards, ikaw mismo ang nambugbog sa kanilang lahat!"

Ye Wanwan: "…"

Sa wakas, wala nang nagawa si Ye Wan Wan kung hindi paniwalaan ang lahat ng magkakaparehas na testimonya ng lahat.

Malumanay na sumagot si Ye Mu Fan, "Kaya ang unang tatalakayin sa ating business meeting natin ngayong araw ay ang pagpapatupad ng 'Bawal nang uminom ng alak si Ye Wan Wan' ayon sa employee handbook!"

Kaawa-awang bumulong si Ye Wan Wan, "... Ang drama niyo naman?"

Kusang napatingin si Ye Mu Fan sa kamay ni Ye Wan Wan pagkatapos niyang magsalita. "Okay na ba ang kamay mo?"

Inangat ni Ye Wan Wan ang dalawa niyang mga kamay upang ipakita sa kanya. "Okay lang sila! Okay lang!"

Lumiliwanag ang mga mata ni Gong Xu habang nakatitig siya sa mga kamay ni Ye Wan Wan at sabik niyang hinawakan ito. "Masyado kang magaling, Brother Ye! May mga ehersisyo ka ba na pwede kong malaman?! Dapat sayo na lang ako natuto! Bakit kailangan ko pang pumunta sa training camp?!"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Shoo. Anong mapapala mo kung sa akin ka natutong makipaglaban?"

"Okay lang ako kung matututo akong makipaglaban!"

Nilayo ni Ye Mu Fan ang masasamang mga kamay ni Gong Xu, lumapit siya upang suriin ang mga kamay ni Ye Wan Wan. Kumalma na siya nang masigurado niya na maayos ang kalagayan ng kamay ng kanyang kapatid, ngunit nagtataka pa rin siya.

Natandaan ni Ye Mu Fan ang natutunan niya noon kaya sinabi niya ito, "Ang pagkakaiba ng pakikipaglaban at martial arts ay ito ang external at internal na ehersisyo. Noong sinuntok mo ang kotse at nagkaroon ito ng butas, pinapakita nito na ginamit mo ang panloob mong kalakasan. Ang panloob na kalakasan ay nakadepende sa ilang mga breathing exercises at hindi mo agad matatapos ngnisang araw ang lakbay ng kalakasan. Parang O.A. ka naman na masyado?"

Nag-hire ng mga kilalang coaches at masters si Papa upang matuto ng self-deffense si Ye Wan Wan. Gayunpaman, hindi niya ito pinagpatuloy at hindi rin siya nagpursige, kaya paano siya nagkaroon ng lakas kung hindi naman siya nagsasanay?

Bumulong si Ye Wan Wan, "Karaniwan lamang ang kombinasyon ng talento at lakas kahit na hindi ito karaniwang nangyayari, okay? Isang taon 'kong trinabaho ang pagsasanay ko, okay? At tsaka, malayo ako sa mga mahuhusay talaga! Hindi umaasa sa panloob o panlabas na kalakasan ang mga tunay na eksperto! Integridad nila ang kalakasan nila!"

Mahilig ang mga lalaki sa ganitong mga bagay. Agad na nagtanong si Gong Xu nang marinig niya ito. "Brother Ye, Brother Ye, ano ang kalakasan na intergidad?"

Pinag-isipan ni Ye Wan Wan ang isasagot niya. "Hm, sa madaling salita, ito ang pinakamataas na lebel ng panloob na kalakasan? Nagagawang ma-kontrol ng mga tunay na eksperto ang kanilang mga katawan kasabay ang kanilang kalakasan."

Ito ay nanggaling sa pag-uusap nila noon ni Mr. Mu.

Habang nagpapaliwanag si Ye Wan Wan, biglang sumagi sa isip niya ang Independent State. Ang maalamat na siyudad kung saan namamalagi ang mga eksperto. Sa kasamaang palad, hindi siguro siya makakahanap ng pagkakataon na makapunta sa lugar na iyon.

Umaligid pa ang usapan ng grupo bago bumalik sa usapang business. Nakapag-desisyon na sila ng iskedyul para sa nalalapit na promosyon ng pelikula.

Pagkatapos ng meeting, dinala ni Ye Wan Wan sila Gong Xu, Luo Chen, kasama rin si Yao Jia Wen, sa kanilang mga assignments.

Ang iskedyul nila ang punong-puno. Tatlong assignments ang meron sila ngayong araw.

Ang unang assignment ay isang palabas sa Imperial City Satellite TV. Sumama bilang guests sila Luo Chen at Gong Xu sa palabas.

avataravatar
Next chapter