938 Ang totoong panalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na hindi nakaimik ang pamilya ni Ye Shao An mula sa mga sinabi Ye Wan Wan.

Sa una, naiinis na si Ye Hong Wei sa ugali nila at mas lumala pa ang sama ng loob niya sa mga ito dahil sa insidenteng naganap.

May mga problema din kung paano pinakitunguhan nila Mu Fan at ng dalawa ang sitwayon.

Tinignan ng masama ni Liang Mei Xuan si Ye Wan Wan. "Ano bang alam ng batang katulad mo, huh? Huwag kang sumabad…"

Tumayo si Ye Wan Wan sa tabi ng old master. "Lolo, wala akong alam dito, pero alam ako ang tama at mali at ang mali ay hindi si ge-ge!"

Tinignan ni Ye Hong Wei ang kanyang apo na nasa tabi niya at naging marahan ang kanyang itsura. "Sige, Wan Wan, alam ng lolo na hindi mali ang kuya mo. Mu Fan, binago mo ang tingin ko sa 'yo sa ginawa mo ngayon…"

Matapos magsalita, malamig na tinignan ni Ye Hong Wei si Ye Shao An. "Shao An, alam mo ba kung saan ka nagkamali?"

Nanigas ang mukha ni Ye Shao An. "I…"

Mahigpit na sinabi ni Ye Hong Wei, "Una, may mali kang panghuhusga sa mga tao na nagdulot ng eskandalong ito; pangalawa, bilang CEO ng grupo, ang taong nagpapatnubay ng kumpanya, kailangan mong tignan ang pangkalahatang sitwasyon, pero hinayaan mong lumala ang insidenteng ito dahil sa pagiging makasarili mo; pangatlo, wala kang intensyon na magkaroon ng muling pagsasama-sama ng pamilya."

Dismayado ang itsura ni Ye Hong Wei habang nagsasalita. "Tingin ko hindi mo kasing galing sina Mu Fan at Wan Wan!"

Sobrang malupit ang komentong iyon.

Nagdilim ang mga mata ni Ye Yiyi at balisang sinabi, "Lolo, pasensya na po, 'wag mong sisihin si papa. Ako ang namahala sa isyung ito at kasalanan ko sa hindi pagsiyasat maigi - hindi ito kasalanan ni papa."

Seryosong sinabi ni Ye Hong Wei, "Yiyi, nasa kamalian ka. Bilang taong namamahal, sususpindihin kita sa mga gawain mo ng tatlong buwan."

Nataranta si Liang Mei Xuan ng marinig siya. "Papa, sobra iyan - anong kinalaman ng insidenteng ito kay Yiyi? Paano mo nagawang parusahan si Yiyi? Tsaka, Mae-engage na sila Yiyi at Yue Ze sa susunod na buwan. Kung sususpindihin mo siya ngayon, anong gagawin niya…"

Malamig na nangutya si Ye Hong Wei, "Sino ang may sabi na madaming mga reporters ngayon at kailangan may sagot alang-alang sa imahe ng kumpanya? Sinong may sabi na trabaho ito at hindi isyu sa pamilya? Tama kayo - wala dapat ang bigyan ng espesyal na pagtrato. Kailangan ayusin natin ang isyu na ito!"

Bahagyang nagdilim ang mga tingin ni Ye Yiyi at sinabi sa matamis at matiyagang boses. "Mama, 'wag ka ng masalita pa. Nararapat lang ako na parusahan."

Lumapit si Ye Mu Fan na bakas ang pagsisisi sa mukha. "Pasensya na, lolo at lola. Naging dahilan ako kung bakit naging ganito ang pagdiriwang natin…"

Huminga ng malalim si Tan Yi Lan. "Mu Fan, naintindihan ni lola. Hindi mo kasalanan."

Tutal, nasaksihannila ang ginawa ni Ye Mu Fan, kaya alam nila kung sino ang tama at sino ang mali.

Sinulyapan ni Ye Hong Wei ang kanyang apo at sabi sa malalim niyang boses. "May nalaman ako tungkol sa maliit na kumpanyang inumpisahan mo. Mu Fan, kung kaya mong magpakita ng tagumpay sa loob ng isang taon, pwedeng pag-isipan ni lolo na bigyan ka ng tsansa."

Matagal ng hinihintay ni Ye Wan Wan na marinig ito. Nagliwanag agad ang kanyang mga mata. Nang makita niya na walang reaksyon mula kay Ye Mu Fan, tahimik niya itong tinapik.

Nagising ang diwa ni Ye Mu Fan at mabilis na sinabi, "Salamat po, lolo! Gagawin ko ang makakaya ko!"

Sa sandaling iyon, tuluyan ng nagbago ang mga itsura nila Ye Yiyi at Liang Mei Xuan.

Ang mahigpit na old master, na hindi na nagbabago ang kanyang isip kapag nakagawa na siya ng desisyon, ay talagang… nagbago!

Talagang binibigyan niya ng tsansa si Ye Mu Fan manahin ang kumpanya!

avataravatar
Next chapter