194 Ang totoong itsura ni Snow White

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Magaling ang performance nila. Nakahinga na ng maayos ang mga guro dahil natuwa ang mga leaders nila. Panigurado, ang susunod nilang gagawin ang magpipiyesta ng hapunan.

Isa-isa na umalis ang mga estudyante sa entablado.

Si Ye Wan Wan at ang iba pang mga estudyante ay naglinis ng mga props nila dahil sila ang huling nag-perform.

"Wala na sila, umalis na! Umalis na yung mga leaders at mga guro!" Babala ng matangkad na malaking babae kay Cheng Xue at sa iba pa.

Sinuri ng mga guro at leaders ang script na binago. Wala na silang magagawa at huli na ang lahat dahil wala sila noong binago ang script ng mga estudyante.

Sinenyasan ni Cheng Xue ang babae na maigsi ang buhok, napangit ang babae na para bang alam niya ang susunod na mangyayari. Kinuha niya ang mikropono at naglakad siya sa entablado, "Saglit lang, 'wag muna kayong umalis! May post-credits scene pa!"

Malakas ang boses ng babaeng biglang nagsalita, paalis na dapat sila kaso napatigil ang ilang manonood dahil sa boses ng babae.

Post-credits scene? Anong post-credits scene?

Napalingon si Ye Wan Wan habang siya ay nag-aayos ng props sa likod ng entablado.

Ang babae ay isa sa mga host at isa sa mga sidekick ni Cheng Xue.

Paalis na dapat ang mga estudyante ngunit narinig nila ang anunsyo, nagtaka sila kaya bumalik muli sa hall.

"Post-credits scene? Anong post credits scene?"

"Hindi ko alam! Bakit naman magkakaroon ng post-credits scene kung hindi naman movie ang pinapanuod natin?

Lumingon ang babae na maigsi ang buhok kay na may pekeng ngiti kay Ye Wan Wan, "Gusto niyo bang malaman… kung ano ang totoong itsura ni Snow White?"

Naguluhan ang mga tao. "Ang totoong itsura ni Snow White? Anong ibig sabihin niya doon?"

"Si Ye Wan Wan ba ang tinutukoy niya?"

Nalungkot si Ye Wan Wan nang marinig niya ito.

Alam na ni Ye Wan Wan na hindi papalampasin ni Cheng Xue ang nangyari kay Si Xia sa may sickbay. Pero pambatang mga biro lang ang ginagawa ni Cheng Xue tulad ng, tinatapunan siya ng tubig, binibigyan siya ng patay na mga daga at kinukulong din siya. Walang pakialam si Ye Wan Wan sa mga ganitong biro dahil ayaw niyang sayangin ang oras niya sa mga batang ito.

Ngunit ngayon, ayaw ni Ye Wan Wan na papasukin si Si Xia sa kanyang puso.

Kaya pagkatapos ng performance naging kalmado na siya.

Gayunpaman, pagkatapos magsalita ng maigsing buhok na babae. Habang nasa harapan si Ye Wan Wan, hindi niya inaasahan ang isang baldeng tubig na bumuhos pababa sa kanya at mabasa ang kanyang buong katawan.

Mabilis na nabasa ang buong katawan ni Ye Wan Wan na mukha na tuloy siyang basa na sisiw.

"Hahahahaha---- nakakatawa! Eto pala yung post-credits scene?" Pinagtatawanan siya ng mga manonood.

Nahulog ai Ye Wan Wan sa lapag at biglang nandilim ang kanyang mukha.

Hindi pa pala siya tapos?

Ilang beses niyang uulitin ang ganitong biro?

Masayang nagtanong ang maigsing buhok na babae, "Shhhh… Shhh..! Hulaan niyo, ano ang ibinuhos namin sa kanya?"

Hindi makapagsalita sa Ye Wan Wan sa narinig niya.

At biglang nagusap-usap ang mga tao.

"Asido kaya ito?"

"Hindi asido 'yon---parang binigyan na din namin siya ng plastic surgery kung binuhos namin ay asido!"

"May hint ako, hindi ito ordinaryong tubig!"

"Makeup remover kaya ito?"

Napangiti ang babaeng maigsi ang buhok nang marinig niya ang tamang sagot, "Tama! Make-up remover 'yon!"

Noong una, walang pakialam si Ye Wan Wan sa ginawa sa kanya, pero nang marinig niya na makeup remover ang binuhos sa kanya, biglang nag-iba ang kanyang itsura. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha ngunit huli na ang lahat---naubos ang masebong balde sakanya at binalot nito ang kanyang buong ulo.

Inunat niya ang kanyang braso para hawakan ang mukha niya at dumikit ang makapal niyang foundation sa kanyang mga daliri.

Matagal na walang malay na nakatayo si Ye Wan Wan dahil nabigla siya sa nangyari at matagal bago bumalikang kanyang tamang katinuan. Hindi niya inaasahang darating araw na parang nahulog siya sa kanal.

F***, etong grupo ng mga bastardo! Paano nila magagawa ito?!

Sinabuyan talaga nila ako ng makeup remover!

avataravatar
Next chapter