928 Ang tiwala na hindi mabubuwag

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Age of the Immortals:

Malumanay ang mukha ng lahat.

"Hindi maaari ang ginagawa ni Tan Zhen Xin sa atin. Senior pa naman siya." Mukhang galit na galit na si Luo Chen.

Bumalot ang pagsisisi sa mukha ni Xu Lin. "Kasalanan ko ito… dinawit ko kayong lahat sa ginawa ko…"

Tinapik ni Ye Mu Fan ang balikat ni Ye Mu Fan. "Xu-ge, huwag mong sisihin ang sarili mo, kasalanan ito ng hayop na 'yon; bakit mo ito magiging kasalanan?! Oo nga pala, sinabihan kita na i-record mo ang usapan niyo. Ginawa mo ba iyon?"

Umiling si Xu Lin. "Maingat si Tan Zhen Xin - siya ang gumawa ng reservation sa restaurant at kinapkapan pa ako ng assistant niya bago ako pumunta sa booth. Hindi ako nakahanap ng tsansa para gawin iyon…"

Bumuntong hininga si Ye Mu Fan. Hindi siya masyadong umasa sa ideya na ito. Matagal nang nasa industriya ang sakim na iyon kaya sa malamang, guwardiyado siya sa mga mabababaw na ideya na tulad nito.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Makakalaban pa ba tayo sa kanya?" Naguguluhan na si Gong Xu.

Sinuri ni Han Xian Yu ang sitwasyon. "Kailangan nating paghandaan ang pinakamalalang mangyayari, pwede tayong matalo sa kasong ito at baka makasuhan pa tayo ng infringement. Kung gayun, kailangan nating tigilan muna ang pag-shooting. Mawawala ang lahat ng investments natin at ang pinaka-importante sa lahat… sisirain nito ang ating kumpanya…"

Mabilis na sumagot si Xu Lin, "Kung sa parte lang ng reputasyon ng kumpanya, pwede akong magdeklara sa publiko na walang kinalaman ang kumpanya sa isyu na ito at binibili niyo lamang ang script ko…"

Mukha nang nakakaawa si Han Xian Yu. "Hindi ganon ka-simple ang isyu na ito…"

Siyempre iibahin ng Emperor Sky ang opinyon ng publiko at malaki ang magiging epekto nito sa kumpanya. Magiging mahirap ang sitwasyon ng Age of Immortals kung wala silang kongkretong ebidensya.

"Ano ba ang sinabi ni Ye-ge?" Tanong ni Luo Chen.

Kinaway ni Ye Mu Fan ang kanyang mga kamay. "Tinawagan ko na siya pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Kailangan lang nating hintayin ang pagbalik niya!"

Sa oras na iyon, maririnig ang mga hakbang na nanggaling sa pintuan. Si Ye Wan Wan iyon.

Ang ilan sa kanila ay binati siya.

"Ye-ge!"

"Nandito ka na pala, Chairman Ye…"

Naging malumanay ang pakiramdam sa paligid ng conference room nang makita nila si Ye Wan Wan.

Kahit anong problema ay masosolusyonan basta't nandoon si Ye Bai.

Tumaas ang mga kamay ni Ye Mu Fan nang makita niya si Ye Wan Wan. "Sinabihan na kita tungkol sa isyu na ito, ano na pala ang plano natin?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lahat ng nandoon at sumagot siya, "Naiintindihan ko ang sitwasyon natin ngayon, kaya nagdesisyon ako na sisimulan natin bukas ang filming ng 'A Life and Death Struggle.'"

Nabigla si Xu Lin nang marinig niya iyon. "Ano? Bukas natin sisimulan ang filming? Pero sa sitwasyon natin ngayon, hindi ba dapat iwasan natin ang pagkakawala ng napakaraming pera para dito? Bakit natin minamadali ang filming? Hindi ito maaari at hindi natin ito pwedeng gawin. Malalagay sa alanganin na sitwasyon sa opinyon ng publiko ang kumpanya…"

Mas nagulat siya dahil walang tumutol sa desisyon ni Ye Bai, kahit na ito ay isang malaking pagkakamali.

Pinalamig ni Ye Wan Wan ang loob ni Xun Li, "Teacher Xu, noong lumapit ka sa amin, nangako ako sayo na kahit anong mangyari, aayusin at reresolbahan ito ng kumpanya. May isang bagay ka lang na kailangang gawin - maging malumanay ka habang sinasagawa mo ang filming."

Naguluhan si Xu Lin at tiningnan niya ang iba pa nilang kasama. "Okay lang sa inyo na simulan na natin ang filming?"

Hindi niya pwedeng idawit ang mga miyembro niya sa isyu na ito...

Nagtinginan sila sa isa't isa.

Sabay sumagot si Luo Chen, "Papakinggan ko ang sinabi ni Ye-ge."

Binaba ni Han Xian Yu ang tawag at sinabi, "Inutusan ko na si Yang-ge na maghanda para sa filming."

Nakangiti ai Gong Xu. "Si Ye-ge na ang bahala sa pag-plano; ang gagawin ko pamang ay magmukhang kaakit-akit~"

avataravatar
Next chapter