725 Ang tipo ng babaeng gusto niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pasensya! Napahamak ba kita?" humingi ng paumahin si Shen Manzhu.

"Huwag ka mag-alala, magpapaliwanag ako." inabutan siya ni Ye Wan Wan ng piraso ng tissue.

Pagkatapos ng ilang oras:

Lumabas ng opisina si Shen Manzhu.

Balisang naghihintay si Gong Xu at pagka niyang naglalakad na si Shen Manhu palabas, umarte siya na parang magnanakaw at tinulak siya sa isnag tahimik na gilid. "Aiya, hindi ko alam na si Shen Manzhu ay may gusto kay Ye-ge, eh?"

Kakatanggi lamang kay Shen Manzhu, kaya siya ay bad mood at tumingin sa kanya. "Hindi ba?"

"Sige sige sige, syempre pwede! Nadala ako sa sobrang gara ng aking Ye-ge! Normal lang sa 'yo na magkaroon ng paghanga sa kanya! Kamusta ang progreso?" sinubukang sumiyasat ni Gong Xu ng tsismis.

Nanlumo ang mukha ni Shen Manzhu. Sa pagtingin lang sa kanyang itsura, alam na niya na hindi maganda ang kinahinatnan ng mga bagay. "Hindi interesado si direktor Ye sa mga babae…"

Gong Xu: "…"

Nang marinig ang daing ni Shen Manzhu, naisip ni Gong Xu: Siyempre, dahil lalaki ang gusto niya, hangal!

Nalipat ang tingin ni Gong Xu. Tila may naiisip na ibang bagay nang ipakita niya ang isang nakakatakot na ngiti.

Uh huh, magandang pahiwatig yan!

Ngayon na parami na ng parami ang mga chicks na nagkakagusto kay Ye-ge… maypagkakataon na para hilahin siya pabalik, tama?

Talagang hindi ko gusto… ang lalaking iyon na may nakakatakot na awra…

Hindi siya nababagay para kay Ye-ge!

Sa pag-iisip na 'yon, lumingon si Gong Xu kay Shen Manzhu at tapat na nagtanong, "Manzhu, alam mo ba kung paano makuha si Ye-ge?"

Ang nalulungkot nha si Shen Manzhu ay mabilis na tumingin sa kanya. "May paraan ka?"

Tinapik ni Gong Xu ang kanyang dibdib at mapagmataas na sinabi, "Oo naman. Ano ang pinaka tinatangkilik na artista na nagtatrabaho kay Ye-ge; alam ko kung ano ang gusuto niya!"

Luo Chen: "…"

Tumitig si Gong Xu kay Luo Chen at pasigaw na sinabi, "ano? May sasahin ka ba?!"

Tumingin siya na parang hindi niya tinanggap ang sagot kahit na hindi sumang-ayon si Luo Chen sa kung anong sinabi niya.

Malinaw na tumingin si Luo Chen sa kanya, walang pakialam. Gayun pa man, humarap siya patungo kay Gong Xu at gusto din malaman ang sagot…

Anong gusto ni Ye-ge? Wala akong alam…

"Anong tipo ng babae ang gusto ni Ye-ge? Dali, sabihin sa akin!" naiinip na pinilit siya ni Shen Manzhu.

Tinignan siya ni Gong Xu at maamong sinabi, "Sabihin mo muna sa aking kung paano mo siya hinabol."

Namula ulit ang mukha ni Shen Muanzhu. "Pina-abot ko kay Felix ang number ko sa kanya…"

Gong Xu: "Saka ano pa?"

Shen Manzhu: "Saka naghintay ako sa kanyang tawag pero sa huli, wala akong natanggap, kaya pumunta ako para makita siya ngayong umaga…"

Kumarap at dismayado si Gong Xu, na naghihintay ng malaman na tsismis. "'Yon na yon? Wala ng iba?"

Piandyak ni Shen Manzhu ang kanyang paa. "Oo, ano pa bang gusto mo?! Sobrang naglakas loob ako para magtanong kay Felix para tulungan ako, okay?!"

Bumuntong hininga si Gong Xu at patuloy na iniiling kanyang ulo. "Ay, hindi ito pwede. Hindi mo ito ginawa ng tama! Alam mo ba ang tipo ng babae na gusto ni Ye-ge?"

"Ul*l! Siyempre hindi, kaya nga kita tinatanong! Sasabihin mo ba sa akin o hindi? Huwag mo ng patagalin pa!" ang sabi ni Shen Manzhu, na hindi natutuwa.

"Halika. Sasabihin ko sayo!" sinenyas ni Gong Xu na lumapit sa kanya.

Kaagad na lumapit si Shen Manzhu.

Nagbitaw ng salita si Gong Xu at misteryosong sinabi, "hayaan mo sabihin ko sayo, gusto ni Ye-ge ang babaeng hindi nagpapapigil - kapag lalong hindi nagpapapigil, pranka at lantaran, mas maganda!"

Shen Manzhu: "…"

Si Luo Chen, na umaarte na walang pakialam pero nakiki-tsismis: "..."

Sandaling na gulat si Shen Manzhu at nagtatakang tinanong, "sigurado… ka ba? Sa tingin kong katangian ni direktor Ye, mas gusto niya ang malambing, cute, inosente at mahinhin na tipo, diba?

avataravatar
Next chapter