105 Ang ticking time bomb

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang ilang sandali, nagpakita muli ang ID

Love Winter Nights: Si Shen Meng Qi ba ang unang humalik o ang nangako? Si Jiang Yan Ran ang nagsabi ng mga iyon; Hindi natin alam kung totoo ito o hindi, diba? At saka, kung ginawa nga iyon ni Shen Meng Qi, hindi naman krimen na magkagusto sa iba. Nagka-crush lang siya kay Song Zi Hang at di naman siya gusto nito, hindi nga sila mag-jowa kaya paano mo nasabi na kabit si Shen Meng Qi?

Kumagat si Ye Wanwan sa kanin at ginamit ang kaniyang munting oras para sagutin--

Gossip porter: "Tsk, kahit na isang mangmang alam na ang sinabi ni Jiang Yan Ran ay personal na sinabi sakanya ni Song Zi Hang. Obvious naman ito! Totoo man o hindi!"

Sina Jiang Yan Ran at Song Zi Hang ay sabay na lumaki at planado na ikasal sila noong una palang; alam ng mga tao sa circle nila ito. Sa tingin niyo na ang mag-bestfriend na sina Jian Yang Ran at Shen Meng Qi, na napaguusapan ang lahat ng bagay, hindi malalaman ni Shen Meng Qi ang ganitong mga bagay?

Kung di niya talaga alam iyon, alam niya naman siguro na gusto ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang, at di dapat siya nagsinungaling kay Jian Yan Ran na nakikipagtalik siya kay Song Zi Hang!

Tama, hindi masama ang magkagusto sa tao! Pero dapat sinabi niya na gusto niya rin ito at nakipaglaban ng patas kay Jiang Yan Ran . Edi wala silang masasabi sa kanya, anong punto ng pagpapa-ikot ng tao? Totoo ba na ganun din ang ugali niya sa ibang tao?"

Love the Winter Nights: Lahat ng sinabi niya sa taas ay gawa gawa lang-- panirang puri ito! Request sa moderator na i-delete ito!"

Gossip Porter: "Meron akong clip na magsasabi ng katotohanan, pano mo masasabing gawa-gawa lamang ito? Haka-haka lang ang unang post pero lahat ng kahihiyan napunta kay Ye Wanwan, ang post ko walang katotohanan? Hindi ba may napaka-hipokrito non?"

I am Little Cutie 123: Para sa akin ang nagsimula ng thread ay may sense at makatwiran parin ang haka-haka!"

Dazed Little Cutie: "Sinusuportahan ko ang nagsimula ng thread! Parang medyo weird ang dating ni Love Winter Nights. Ganadong-ganado siya na pinag-uusapan si Ye Wanwan pero nung sinabi ng mga tao na walang namang ebidensya, inatake nya ang mga ito. Ngayon naman, siya ang nagsasalita para kay Shen Meng Qi?

Gayon pa man, kung ako yon at ang crush ko ay na-inlove sa bestfriend ko at kahit aminin niya ito sa kanya, hindi ko siya mapapatawad ang bestfriend ko dahil itinago niya ito sa akin at sikreto pa silang nag-date ng crush ko kahit na alam niyang mahal na mahal ko yung lalaki!

Hindi ba importante ang katotohanan sa magkaibigan? Kung tinago niya nga ito, hindi ako maniniwala kung wala siyang binabalak!"

...

Malamang dahil guilty siya kaya hindi na muling nagpakita ang ID ni Shen Meng Qi. Siguro naghahanap siya ng taong magde-delete ng post niya.

Kahit may mga lalaking patuloy na dumedepensa para kay Shen Meng Qi, mas aktibo at agresibo ang mga babae sa forums kesa mga lalaki. Gayundin, malalim ang kaalaman ng mga babae sa ganitong pag-uugali, kaya karamihan ng mga opinyon ay nasa side ni Jiang Yan Ran.

Hindi nagpatalo si Shen Meng Qi sa issue na ito, gagamitin niya ang oras niya para ipakita na inosente siya, di niya nalang muna niya guguluhin si Ye Wanwan.

Pagka-scroll sa post, dahil pinaguusapan ng lahat si Shen Meng Qi, di na pinapansin ang mga nauna niyang post. Bumalik na sa paaralan si Ye Wanwan.

Habang naglalakad siya pabalik, hindi pa siya dumeretso sa dormitoryo, ngunit naglakad-lakad muna malapit sa sapa.

Hindi siya sigurado kung imahinasyon niya lamang ito dahil nakakaramdam siya ng bigat sa puso, na parang may mangyayaring masama.

Ang issue na ito tungkol kay Si Xia ay parang ticking time bomb.

Madali pang ayusin ang isyu niya kay Ling Dong, pero anong gagawin niya kay Si Xia?

avataravatar
Next chapter