139 Ang surpresa ay naging banungot

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang oras ang nakalipas at huminto ang taxi malapit sa Jin garden.

Natuklasan ni Ye Wan Wan na naubos niya ang apat na meatbuns na ibibigay niya dapat kay Si Ye Han!

Isa na lang ang natira pagdating niya ng Jin garden at nahirapan pa siyang hindi matuksong kainin ito.

Kailangan kong bilisan na maglakad para hindi ko makain 'tong nag-iisang meatbun.

Para isurpresa ang lahat, hindi sinabi ni Ye Wan Wan na babalik siya ng Jin garden. Sa halip, tahimik siyang pumasok sa pintuan sa likod ng maliit na garden.

Nang papasok siya sa pintuan bigla siyang napaisip-- Paano kung wala si Si Ye Han sa bahay niya?

Nagisip-isip pa lamang si Ye Wan Wan habang naglalakad ng naglalakad sa yarda. May isang hindi maliwanag na ilaw ang nakabukas sa salas; naisip niya na dahil may nakabukas na ilaw meron ring tao sa bahay.

Kaya naman, nagmadali si Ye Wan Wan at naglakad papunta sa salas. Tapos, nang lumapit siya sa malaking glass door at naghandang siyang itulak pabukas ang pintuan, lumaki ang kanyang mata at bigla siyang napahinto.

Dugo...

Sa hangin… Naaamoy ang amoy ng dugo sa hangin...

Pakapal ng pakapal ang amoy ng dugo! Nasusuka na ako sa sobrang lakas ng amoy.

Galing ang amoy sa salas

Anong nangyayari?

May makapal na kurtina na nakapalibot sa glass door kaya hindi niya makita kung ano ang nasa salas.

"Ah----"

Ninenerbiyos at tumitigas ang mga ugat ni Ye Wan Wan bigla naman siyang nakanirig ng napakalakas na ungol galing sa salas.

"Ah--- Patayin mo na ako! Si Ye Han! Patayin mo na lang ako!"

Nagtaasan ang mga buhok ni Ye Wan Wan dahil sa nakakatakot na boses noong gabing iyon.

Hindi siya makagalaw at hindi niya na din sinubukan pang gumalaw sa sobrang takot niya.

Dahan dahan siyang sumilip sa maliit na butas ng pintuan papasok sa salas. Sa anggulo niya, kitang kita niya ang malapad na hilera ng dugo na nakalapat sa puting carpet.

Sinundan ni Ye Wan Wan ang hilera ng dugo at may nakita siyang nakaupo sa sofa. Meron syang mamahaling, pinayaring maitim na suit. Ang relos niya ay malamig na kinang ang itsura at sa kanyang binti, isang puting tigre na kasing puti ng snow.

Tinatamad ang mga mata ng puting tigre na para bang inaantok ito, hindi maikakaila ang nakamamatay na awra ng halimaw sa buong katawan nito. Para bang kaya niyang lapangin ang kanyang biktima kahit anong oras.

Sa kanang bahagi ni Si Ye Han ay si Xu Yi at sa kaliwa niya ay isang binatang naka-itim na damit.

May isang lalaking nangingisay sa lapag na punong-puno ng dugo at malapit siya kay Si Ye Han.

Wala na masyadong natira na laman sa katawan ng lalaki at ang kanyang tuhod ay patuloy lang na nagdudugo. May dalawang bagay na parang karne ang nakalagay sa gilid, parang dalawang buto ng tuhod ng tao na galing sa lalaking nangingisay...

Nanlilisik na nakakasabog sa tainga ang mga sigaw ng lalaking iyon, walang emosyon si Si Ye Han habang nakatingin sa lalaking nangingisay. Bahagyang gumalaw ang kanyang labi at malamig na sinabi, "Pagpatuloy."

Sinunod ng nakaitim na binata ang utos ni Si Ye Han at nagpatuloy, bumwelo niyang itinaas ang kutsilyo at nagsisinaksak ng walang konsensya...

Takot na takot si Ye Wan Wan na napapikit na lamang siya. Hindi niya nakita ang sumunod na nangyari pero hindi niya maisip ang pagpapasakit na dinadanas ng lalaking kaawa-awang nagsisisigaw.

"Ah ah ah--- Si Ye Han! Wala kang awa! Isa kang halimaw! Demonyo ka! Dumadaloy ang dugo ng Si family sa akin, tunay mo akong kapatid! Bakit mo ako sasaktan ng ganito! Paano mo magagawa ito sa sarili mong kapatid! Ah---"

Bumilis ang tibok ng puso ni Ye Wan Wan, ano? Ang lalaking ito ay tunay na kapatid ni Si Ye Han?

Saan sa kanila?

Paniguradong hindi siya tatay ni Si Xia base sa kanyang edad...

avataravatar
Next chapter