229 Ang sinuhulan na imperial butler

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Oras na para bumuo ng kasunduan… Tinignan ni Ye Wan Wan si Xu Yi ng may kinang sa kaniyang mata.

Malalim ang takot sa mga tingin ni Xu Yi, deretsahang nagsalita si Ye Wan Wan, "Housekeeper Xu, ayoko ng itago pa sayo ito kahit kailan. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para mapanatili ko ang aking buhay, ngunit hindi lang sa buhay ko ako nag-aalala-- gusto ko din na tulungan ka.

Alam ko na ikaw ang pinagkatiwalaan ni Si Ye Han sa lahat ng bagay na may kinalaman sa akin, at kung may nangyaring masama sa akin, ikaw ang unang taong sisisihin. Bakit hindi na lang tayo magtulungan dalawa?"

Tumingin si Xu Yi sa babae na tila ba nag-iba ang katauhan at ang itsura ni Xu Yi ay bahagyang nag iba, "Magtulungan? Anong ibig mo sabihin?"

Nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan, " Ayoko ng ulitin ang kasalanan na ginawa ko noon sa Jin garden. Tungkol sa isang tao na hindi mabiro at malupit kagaya ni Si Ye Han, matagal na panahon ka ng nasa panig niya at alam mo ang kaniyang limitasyon. Kung bibigyan mo ako ng hints sa mga malalang sitwasyon maiiwasan kong galitin si Si Ye Han, sa tingin ko mas makabubuti iyon para sa atin. Ano sa tingin mo?

Ang idea ni Ye Wan Wan ay tila tama ngunit natatakot din si Xu Yi.

Hindi ba ito pagtataksil?

Napaka mapangahas nitong si Ye Wan Wan!

Tinignan ni Ye Wan Wan si Xu Yi, madaling basahin ang nasa isip ni Xu Yi. hindi inaasahan na naibulong ni Ye Wan Wan, "Wag kang tumingin ng ganiyan. Una sa lahat, hindi ko hihingin sayo na ilantad ang top secrets at pangalawa, hindi ko hihilingin na gumawa ka ng bagay na ikapapahamak ng iyong master. Kahit anong mangyari hindi ka maaapektuhan dito….kahit malaman pa ni Si Ye Han"

Huminto si Ye Wan Wan upang ipunin ang kaniyang nasa isip at nagpatuloy mag salita, at tumingin sa malayo, "at saka, maaari akong maging matriarch ng mga Si sa hinaharap, ibig sabihin magiging master mo din ako. Sa ngayon, ako pa lang ang unang babaeng dinala ni Si Ye Han upang makilala ang Old madam. Kung hindi mo sinasadyang galitin si Si Ye Han at napaaway ka, ako na mismo ang magtatangol sa iyo, at papahintulutan ko na manatili ka sa iyong posisyon at hahayaan kitang mabuhay ng tahimik. Kahit mawala man ang nararamdaman ko kay Si Ye Han, hindi ako manggugulo habang nagtatrabaho ka.

Napatigil ulit si Xu Yi ng marinig niya ang mga sinabi ni Ye Wan Wan.

Hindi lang basta napatigil--siya ay talagang natuliro.

Alam talaga ng babaeng ito kung paano paikutin ang isang emosyon sa kaniyang kasinungalingan-- at kamuntik na akong maniwala ng sandaling iyon.

Ito'y parang… bakit may kakaiba akong pakiramdam na para akong imperial butler na sinusugulan ng isang paboritong babae ng emperor.

"Housekeeper Xu, pagisipan mo ang tungkol dito, Ayos ba? At lumabas na ng kotse si Ye Wan Wan.

Kung si Liu Yin ito, Hindi isasaalang-alang ni Ye Wan Wan ang imungkahi ito sa kaniya.

Ngunit iba si Xu Yi; Maparaan si Xu Yi at maayos ang pakikitungo niya sa ibang tao at siya rin ang kanang kamay ni Si Ye Han. Kung makakahingi siya ng tulong kay Xu Yi, magiging madali na lang sa kaniya ang lahat.

Nakaupo lang si Xu Yi sa may driver's seat ng tuliro, habang pinapanuod si Ye Wan Wan na naglalakad papalayo at nag-iisip...

Matapos niyang umalis, natagpuan ni Ye Wan Wan ang daan papunta sa mansyon ng kaniyang tito, ng umaasa lang sa kaniyang alaala.

Tumayo siya sa may harapan ng matagal at napagdesisyonan na tahimik na lumabas sa likurang pintuan ng maliit na hardin.

Ayaw niyang magulat sila dahil sa kaniyang biglang dating, kaya napagdesisyonan niya na mapagmamasadan lamang niya ang ginagawa nila mula sa malayo.

Ngunit ng mga sandaling pumasok siya, bigla niyang nakita ang pamilyar na itsura ng kaniyang ina.

Nagmadaling nag tago si Ye Wan Wan sa likod ng mga puno at maingat na sumungaw sa direksyon ng kaniyang ina.

Ang mukha lamang ng kaniyang ina ang nakita niya, ang dating bata at nagniningning, ay ngayon ay nalipasan na ng panahon. Napaka payat niya na tila para bang kaya siyang dalhin palayo ng hangin. Sa mga sandaling iyon, bitbit niya ang malaking basket ng mga damit at isinampay sa labas upang matuyo.

Alam agad ni Ye Wan Wan sa unang tingin na hindi lamang sa mga magulang niya ang mga damit na iyon. Ang pink na bestida ay malamang kay Liang Shi Han, at ang royal na blue suit at ang makinang na mahabang pulang palda ay pagmamay-ari ng kaniyang tita at tito...

avataravatar
Next chapter