457 Ang simula ng palakasan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga artista na patuloy na nagmamalaki sa kanilang usapan ay biglang nanahimik nang makita nila si Xu Ming.

Kahanga-hanga ang itsura ni Xu Ming. Ang itsura niya ay nakikisabay sa aesthetic taste ng panahong iyon at ang tangkad niya ay halos 1.8 na metro, kasing tangkad niya ang sampayan. Walang mapupuna sa ugali niya at ang pinakamagandang parte ng katauhan niya ay magaling siyang umarte - malakas ang kanyang momentum ng ilang taon nang pagiging artista niya sa entertainment industry at patuloy pa rin na umaangat ang kasikatan niya.

Naglakad patungo sa studio si Xu Ming at may mga aroganteng mata ang tumingin tingin sa loob ng studio. Ang manager niya na naglalakad sa likod niya ay ngumiti. " Ah-Ming, sila direktor Song at ang iba ay hindi pa dumarating. Maghintay ka muna dito ng saglit."

Tumango ng hindi ganoon ka-agresibo si Xu Ming. Biglang tumaas ang kanyang kilay nang mapadaan ang kanyang tingin kay Ye Wan Wan at Luo Chen na ilang hakbang lanag ang layo sa kanya.

Napansin ng manager na tinitingnan si Xu Ming at sinundan niya ang direksyon ng pinagtitinginan niya. Sabi niya, "Ah-Ming, andito rin pala si Luo Chen, siguro mag-audition rin siya para sa supporting role."

"Alam ko," kaswal na sinabi ni Xu Ming.

Biglang naglakad si Xu King papunta kay Luo Chen at Ye Wan Wan.

Inaayos ni Luo Chen ang kanyang isipan at mental niyang sinasanay ang kanyang sarili para sa casting mamaya nang bigla niyang napansin si Xu Ming na naglalakad patungo sa kanila habang kasama ang manager niya. Medyo nanlaki ang kanyang mga mata at hindi niya napansin na tiningnan niya na pala si Ye Wan Wan.

Binigyan ng makahulugang tingin ni Ye Wan Wan si Luo Chen, sinenyasan niya si Luo Chen na kumalma lamang. Biglang humarao si Ye Wan Wan kay Xu Ming na naglalakad patungo sa kanila.

Sa itsura palang ni Xu Ming, makikita mo talaga ang kaakit-akit niyang mukha. Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, ang role ni Lin Luo Chen sa 'Terrifying Dragon 2' ay napunta kay Xu Ming. Kahit nakay Xu Ming ang kalamangan na dahil sa sponsor, magaling rin kasi siyang umarte at dahil sa 'Terrifying Dragon 2,' lalo siyang sumikat.

Kaso nga lang...

Kung ikukumpara ang acting skills nilang dalawa, malaki ang pagkakaiba ni Xu Ming at Luo Chen.

Ito ang dahilan kung bakit naglakas ng loob si Ye Wan Wan na ipaglaban ni Luo Chen ang role na Lin Luo Chen.

"Luo Chen?" Naglakad si Xu Ming papunta kay Luo Chen at Ye Wan Wan. Tumaas ang kanyang mga kilay at makikita ang nakakaliit na tingin sa kanyang mga mata.

"Xu-ge." Isang taon na mas bata si Luo Chen kay Xu Ming at kahit hindi sila nag-uusap noon, mas maganda nang maging maayos ang asal nila sa isa't isa.

Ngumiti si Xu Ming. "Luo Chen, pinanood ko yung unang 'Terrifying Dragon' na pinag-aktingan mo. Ang ganda nito. Nagustuhan ko rin ang role ni Lin Luo Chen."

Makikita ang pagkagulat sa mga mata ni Luo Chen - hindi niya inasahan na pinuri siya ni Xu Ming. Kaya magalang na sumagot si Luo Chen.

Pero bago pa magsalita si Luo Chen, biglang iniba ni Xu Ming ang usapan: "Pero sa lumipas na maraming taon, hindi ka na umarte sa kahit anong shows at ngayon, gusto mong umarte sa 'Terrifying Dragon 2.' naisip ko kung yung skills mo kaya ay…"

Habang nagsasalita si Xu Ming, hinuhusgahan niya si Luo Chen at sinabi, "Bilang aktor, naiintindihan ko na hindi ka na magalung umarte dahil matagal kang nagpahinga ng ilang taon. Pero 'wag kang mag-alala, hindi mo mab makuha ngayon ang role ni Lin Luo Chen, pero ka pang makahanap ng ilang ekstranf parte sa 'Terrifying Dragon 2.'"

Magalang man ang tono ni Xu Ming, maririnig ang pangangasar na nakatago sa bawat salitang sinasabi niya.

Ang ilang mga artista na nanonood sa eksena nila ay narinig ang pangangasar sa tono ng boses ni Xu Ming. Malinaw na inaasar niya si Luo Chen sa bigla na lang sumulpot para lang sumabay sa kasikatan ng "Terrifying Dragon 2" kahit wala na siyang skills ng pag-acting.

"Tama si Xu Ming. Matagal na nawala si Luo Chen at ang nag-iisang pagkakataon na umarte lamang siya ay sa una niyang serye na 'Terrifying Dragon' lang 'di ba? Tingin niya talaga na makukuha niya ang role ni Lin Luo Chen kay Xu Ming ha?"

"Tumpak, hindi niya naiintindihan ang abilidad niya at para sa kanya, sa tingin niya ay magtatagumpay siya dahil siya ay isa sa mga original cast? Kailangan niyang suriin ang sarili niya… ngayon, sige, isantabi natin ang acting skills, kasikatan at pagkakakilanlan niya, hindi pa rin siya maikukumpara kay Xu Ming!"

avataravatar
Next chapter