313 Ang simula ng pagsasanay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Handa na ang mga ilaw at kamera sa film studio. Nakatayo na sa harap ng kamera si Luo Chen.

Tahimik na naghihintay habang nakaupo si Ye Wan Wan sa tapat ni Luo Chen.

Ilang saglit lang ay lumipas na ang tatlong minuto.

Ye Wan Wan: "Tapos na ang tatlong minuto mo."

May bakas ng kaba ang makikita sa mga mata ni Luo Chen habang mabilis siyang nagsalita, "Kasalanan na nabuhay pa ako, buong buhay ko… buhay ko…"

Hindi na siya sanay na humarap sa kamera kaya nabulol na sa konting linya si Luo Chen.

Kumunot si Ye Wan Wan. "Ulitin mo."

Mahigpit siyang nag-kamao at huminga siya ng malalim para ulitin muli ang linya.

"Kasalanan na nabuhay pa ako, ang buong buhay ko ay isang kasalanan… ako at ang lahat ng tao ay…"

Pinatigil ulit siya ni Ye Wan Wan bago pa niya ituloy ang sasabihin niya, "Masyadong makitid yung ekspresyon mo. Gawin mo ulit ang eksenang iyon, hindi yung nagsasaulo ka lang diyan. Ulitin mo ult."

Namutla si Luo Chen sa sobrang hiya. Pinikit niya ang kanyang mata at sinubukang niyang kumalma bago siya umarte ulit.

"Ako ay…"

Ngunit ngayon, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ni Luo Chen nang napahinto ulit siya.

Nawalan na talaga ng kulay ang mukha ni Luo Chen--kasing puti niya ang isang pirasong papel. "Pasensya na!"

Wala nang emosyon si Ye Wan Wan. "Ulitin mo."

Sa pang-apat na ulit, wala pa ring emosyon ang pag-aarte ni Luo Chen.

Paulit-ulit na sumigaw si Ye Wan Wan ng "cut." Sampung beses nang inulit ni Luo Chen ang linya niya pero ni-isang beses, hindi niya ito nagagawa ng maayos.

Nang lumipas ang benteng ulit ng pag-take kay Luo Chen, napanood nila na unti-unti pumanget ang performance niya sa kada take na lumipas. Tinigil na ni Ye Wan Wan ang kakahawak sa silya ng upuan dahil nauubos na ang kanyang pasensya kay Luo Chen. Wala nang bahid ng sigla ang mukha niya.

Halos makapigil hininga ang pakiramdam sa loob ng film studio dahil nakikita nila na naiinis na ang manager; walang sumubok na mag-ingay sa lugar na iyon.

Habang napapalibutan siya ng mga nag-aalalang tingin, basang-basa sa pawis si Luo Chen sa sobrang kaba at mahigpit na naka-tiklop ang kanyang kamao.

Kaya ko ito...

Kaya ko ito, inaasahan nila ako...

Nung umaarte siya noon, tulad siya ng isda sa ilalim ng tubig kapag nasa harap siya ng kamera ngunit ngayon, nanginig siya sa sobrang kaba at naninigas siyang nakatayo sa harap ng kamera dahil kabado siya sa lahat ng nakatingin sa kanya--wala na siyang kontrol sa emosyon niya at bigla na siyang nakaramdam ng suklam sa kanyang sarili.

Napansin ni Ye Wan Wan na parang may mali kay Luo Chen.

Hindi lang niya naramdaman na nakakasuklam ang kanyang pag-arte sa harap ng kamera, kundi nagsimula rin siyang magkaroon ng pagkamuhi sa kanyang sarili.

Matalino si Luo Chen noon--mataas ang kumpyansa niya sa sarili kapag nasa harap siya ng kamera na para bang sakop niya ang buong entablado, tinuring niya itong imperyo niya; ngunit ngayon, ramdam niya na parang nakakulong siya sa kulungan kapag kaharap niya ang kamera. Parang nakatali ng hindi makitang tanikala ang buong katawan niya.

Napansin ni Ye Wan Wan na naiinis si Luo Chen sa sarili niyang mukha dahil hindi niya namamalayan na lagi niyang tinatago ang mukha niya sa kamera.

Mas malala pa ang naging kondisyon ni Luo Chen kaysa sa inaakala niya...

Hinampas ni Ye Wan Wan ang lamesa sa tabi niya na may malakas na "pa" ang narinig galit niyang sinabi, "Kalakasan mo ang maganda mong mukha--regalo ito na gustong makuha ng maraming tao. Binigay ito ng Diyos sayo para magkaroon ka ng makakain sa araw-araw! Tapos galit ka sa mukha mo dahil minalas ka? Ito ang sasabihin ko sayo, lahat ng nangyaring masama sayo ay hindi dahil sa itsura mo, minalas ka dahil nagpaka-t*nga ka at mahina ka!"

"Nakatanggap ng best actor award si Meng Liang noong 18 years old siya. Naging MIA siya ng anim na taon simula noong nagkasakit ang kanyang nanay, bumalik lang siya noong 24 years old na siya. Pero nakakuha pa rin siya ng best actor award pagkatapos nun. Si Li Zhong Yi ay umaarte lang ng supportig male role ng trentang taon na, bago niya nakuha ang pinaka una niyang male lead noong 53 years old na siya at dahil doon, mas lalo siyang sumikat. Ilang beses na nilait si Qiao Ke Xin simula noong nag-debut siya sa kanyang movie pero lumangoy siya kahit mataas ang alon kaya mabilis ulit siyang sumikat, hindi siya nagpakita ng kahit anong kahinaan. Ngayon, hinihirang siya para sa Golden Orchid best actress award. Tatlong taon lang ng buhay mo ay nawala at minaliit ka ng mga tao, pero bakit parang ito na ang bingit ng kamatayan mo?"

Nanigas ang mukha ni Ye Wan Wan habang nagsasalita siya, "Sa lugar na tulad ng entertainment industry, kung gusto mong mapunta sa tuktok, kailangan mong humarap sa daan-daan or libo-libong beses na pagpapahirap habang minamaliit ka. Kung hindi mo kayang gawin ito at hindi ka ganoon kalakas, pasensya na pero ngayon palang ay sasabihin ko na sa iyo na umalis ka ng entertainment industry. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa artista na walang paninindigan!"

avataravatar
Next chapter