681 Ang sikretong nagaganap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maayos ang byahe ng sinasakyan nilang kotse ngunit ang kaisipan ni Gong Xu ay parang roller coaster ride.

Malapit nang mabaliw si Gong Xu habang siya ay nakaupo sa likod at bigla iyang kinausap ang sarili niya. "SH*T! May mali ba talaga sa akin? Masyado ko ba itog iniisip? Simula tatlong gulang palang si master, siya na ay batikan sa pakikipag-relasyon kaya hindi ako nagkakamali na pinagkakamalan ko silang bakla! May sikretong nagaganap sa tunay na relasyon ni Ye-ge at ng taong niyebe na iyon! Tama, may tinatago talaga sila!"

Mahinahon na nagtanong si Tang Xing Huo habang nahihiya siyang nakaupo malapit sa bintana, "Pwede ba akong magsalita?"

Sumagot ng pabalang si Gong Xu, "Sige!"

Nagsalita si Tang Xing Huo, "Ano naman kung may gusto si Ye-ge sa babae o lalaki? Wala kang dapat na... alalahanin sa kung ano ang meron sa kanila…"

Nanigas ang buong katawan ni Gong Xu sa mga salitang sinambit ni Tang Xing Huo.

Tama...

Anong kinalaman ko sa totoong kasarian ni Ye Bai? Bakit ko ba siya pinapakialaman?

Kinumbinse ni Gong Xu ang kanyang sarili na wala siyang pakialam at nagkakaganyan lamang siya dahil kuya ni Little Candied Plum si Ye Bai kaya nakatuon ang kanyang atensyon kay Ye Bai.

Gayunpaman, paulit-ulit niyang natatandaan ang eksena noong gabing iyon. Ang imahe ni Ye Bai na inilagay ang coat at binalot ang shawl sa lalaking kasama niya...

At kung paano tinitignan ni Ye Bai ang mukha ng lalaking iyon...

Tiningnan ni Tang Xing Huo ang naliitong itsura ng mukha ni Gong Xu at bumulong siya, "O baka… bading ka yata…"

Nilaliman ni Gong Xu ang kanyang boses. "Baka ano ako?"

Naduwag na magsalita si Tang Xing Huo. Umiling siya at seryoso siyang sumagot kay Gong Xu, "Wala! Wala wala!"

Tinitigan ng masama ni Gong Xu si Tang Xing Huo. Tumatagos ang kanyang mga mata na parang x-ray.

Tumayo ang mga balahibo ni Tang Xing Huo dahil natakot siya sa titig ni Gong Xu at tinakpan niya ang kanyang bunganga dahil kinabahan siya na baka halikan na naman siya.

Hindi na niya gagawin 'yon, 'di ba? Huwag mong sabihin na gagawin niya ulit 'YON?

Itigil niyo ang kotse! Itigil mo manong drayber!

Gusto kong bumaba!

Ipinlano na ni Tang XIng Huo na ngayong gabi ay manatili muna siya sa villa ni Gong Xu, pero dahil sa sitwasyon nila ngayon, delikado na makasama niya si Gong Xu.

Handa nang tumalon sa labas ng kose si Tang Xing Huo noong nakarating na sa villa ang kotse, pero may napansin siyang mali noong papalabas na siya ng kotse.

Pinapalibutan ng maraming tao ang labasan ng buong villa. May mga reporters na may dalang camera at mikropono at may mga fans na tinataas ang kanilang mga LED banners...

Ang nakasulat sa mga banner ay, "Umalis ka na sa entertainment industry, Gong Xu" at "Manghingi ka ng tawag kay Ling Shaozhe, Gong Xu"...

Hinampas ng mga tao ang bintana ng kotse ang pinagbabato rin nila ito ng mga panis na itlog at gulay nang makita nila ang papalapit na kotse ni Gong Xu.

Mabigat na ang ang emosyon ni Gong Xu nang gabing iyon, ngunit nadagdagan pa dahil sa sitwasyon na ito. Sumigaw si Gong Xu sa sobrang galit nang makita niya ang kaguluhan. "F*ck! Bagong sports car ito ni young master!"

Napakunot ang mga kilay ni Tang Xing Huo. "Ilang mga kaibigan ang nakakaalam ng villa mo na ito kaya sino ang nagpakalat ng pribadong impormasyon na ito?"

"Sino pa ba?" ngumisi si Gong Xu.

"Maging kalmado ka muna Gong Xu hanggang sa matapos ang isyu na ito," sabi ni Tang Xing Huo.

Ilang oras pa lamang ang nakalipas noong pinost ni Wan Shan Shan ang video sa Weibo ngunit kumalat na ito sa buong internet at sa entertainment industry. Sumama rin sa kaguluhan na ito ang mainstream media kaya mabilis na lumala ang isyu ng pag-uugaling pinapakita ng isang artista, social conduct, at mga sensitibo pang mga isyu...

Kahit na may malakas na mga sumusuporta kay Gong Xu, magiging mahirap na dalahin ang sitwasyon na ito kapag patuloy itong lumalaki at nadawit pa ang mga nabanggit na iba't ibang departamento...

Posibleng mapilitan si Gong Xu na umalis sa industriya kapag patuloy pang lalala ang problema...

Tiningnan ni Tang Xing Huo sa labas ng bintana ang mga baliw na media at fans. "Sumobra ka na sa limitasyon mo, Gong Xu. Sa tingin ko ay kailangan mo nang manghingi ng tawad sa kanila. Kung hindi, mahihirapan ka sa problemang ito kapag hindi na natin ito kontrolado."

avataravatar
Next chapter