312 Ang retake ng isang klasiko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumaki ang mata ng lahat nang makita nilang lumabas si Luo Chen galing sa makeup room.

Mahaba at gulo-gulo ang buhok ni Luo Chen noon . Ngayon, ginupit na ang mahaba niyang itim na buhok at ginupit na rin ang mga lawit nito, makikita ang kumikinang niyang noo at pares ng maliwanag na mga mata.

Malayo ang itsura niya kung ikukumpara sa sadyang ginuhit na Europeo na may makapal na makeup ngunit mukhang matamlay kapag tinanggal na ito; parang makalumang tao, ang mga mata ni Luo Chen ay nakatuklap palabas, ang dobleng tuklap ng kanyang mata ay mukhang natural at kulay cherry blossom ang kanyang mga labi, kaya mukhang masarap siyang halikan. Napaka-kinis ng balat niya, para bang wala siyang pores.

Ang mga damit na suot ni Luo Chen ay hiniling ni Ye Wan Wan na suotin niya; hindi ito masyadong magarbo. Suot niya ang klasikong puting kwelyo na pantaas at ang disenyo lamang ay ang nakaburdang butuin sa may kwelyo. Ang pambaba niya naman ay pares ng itim na pantalon.

Napaka-simple at malinis ang itsura ni Luo Chen, hinalo pa ang kanyang mapag-isa at mahinahon niyang pag-uugali. Ito ay parang ignorante pero mataas ang pag-asa na karakter na nasa memorya ng mga kabataan noon.

Kaya pala ayaw pakawalan ni Zhou Wen Bin si Luo Chen ng tatlong taon--napakalinis na tao ni Luo Chen at mahirap pakawalan ang ganitong tao sa entertainment industry.

Medyo hindi komportable si Luo Chen sa staff at dahil ito ang pinakauna niyang nakaka-panibagong makeover sa tagal ng panahon. Hindi maiwasang husgahan ni Ye Wan Wan ang itsura niya.

"Ano sa tingin mo, Ye-ge? Okay ba?" Tanong ng makeup artist.

"Okay naman." Tumango si Ye Wan Wan.

"Ang importante ay maganda ang foundation ni Luo Chen--malambot ang balat niya, kaya wala ako masyadong binago dito." Kahit na sinasabi lang ito ng makeup artist para maka sip-sip, totoo at buong puso niya rin itong sinabi.

Sa tagal ng panahon na naging makeup artist si Ye Wan Wan, sa isang tingin, alam niya agad kung nagpa-plastic surgery ang tao o hindi, at sigurado siya na ang mukha ni Luo Chen ay natural na natural.

Gayunpaman, magaling rin humanap ng maayos na artista si Ye Bai--sa itsura palang ni Luo Chen, wala masyadong artista ang maikukumpara sa kanya. Sa buong Dazzling naman, si Gong Xu lamang ang pwedeng iparehas sa kaledad ng itsura niya.

Sa mga oras na iyon, isinaayos na ng cameraman ang mga ilaw at naglakad ito papalapit sa kanila, "Ye-ge, pwedr ko bang malaman kung anong uri ng shooting ang gagawin natin ngayong araw?"

"Shooting ng video," sagot ni Ye Wan Wan

Akala ng cameraman na magpi-picture siya para ipa-publiko ang mga litrato ni Luo Chen, kaya hindi siya naghanda para mag shoot ng video. Nagulat siya at napatanong, "Shooting ng video? Tungkol saan?"

Habang nakatayo sa isang gilid si Luo Chen, napalingon siya dahil naintriga siya sa sagot.

May binuksan na dokumento si Ye Wan Wan sa kanyang phone at pinakita niya ito kay Luo Chen, "Natatandaan mo pa ba ang linya na ito?"

Pagkatingin ni Luo Chen sa phone ni Ye Wan Wan, nabigla siya sa kanyang nabasa…

Linya ito sa palabas na "Terrifying Dragon"...

Natandaan mo…?

Paanong hindi...

Malinaw ko pang natatandaan ang bawat linya sa Terrifying Dragon, ni-isang letra ay hindi ko makakalimutan...

Mahal na mahal niya talaga ang pag-aarte at gustong-gusto niya rin kapag iba-iba ang mga roles na nakukuha niya.

Pinakamasayang panahon ng buhay niya noon umarte siya sa "Terrifying Dragon." Sa loob ng tatlong taon na wala siyang projects, ang mga cast, crew members at labanan ng mga espada ay madalas na nagpapakita sa panaginip niya.

Ito ang pinakamamahal niyang memorya na hawak niya, simula noong nag-debut siya bilang isang aktor.

"Natatandaan…" malayo ang isip ni Luo Chen noong sumagot siya.

"Ang parte na ito ang vi-videohan natin ngayon."

Nanginig si Luo Chen nang marinig niya iyon--gusto ulit nilang gawin ang parte na ito ng Terrifying Dragon?

Hindi na nagsayang ng oras si Ye Wan Wan. Sumandal siya sa upuan at diretsahan niyang sinabi, "Kung wala nang problema, magsimula na agad tayo. Bibigyan kita ng tatlong minuto para aralin ang karakter mo."

Tila nabigla si Luo Chen bago siya bumalik sa tamang katinuan. Mabilis na nagprepara si Luo Chen at hinanda na rin ng cameraman ang mga gamit niya.

avataravatar
Next chapter