44 Ang relasyon sa pagitan natin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mahigit anim na oras ding naghintay si Xu Yi sa loob ng kotse bago bumalik ang kanyang master.

Mahigit anim na oras...

Anong ginagawa niya dun?

Hindi na pinilit pa ni Xu Yi na magtanong kaya agad na niyang binuksan ang pinto sa likod ng kotse.

Sa loob ng kotse, hindi maiwasan ni Xu Yi na obserbahan mula sa rearview ng salamin ng kotse ang binatang nakaupo sa likuran.

Napahawak si Si Ye Han sa noo, ang gwapo niyang mukha na balot ng malamig na hamog na kita sa salamin ng kotse. Tila nagmumuni-muni.

Naging mas maaliwalas ang hitsura ng master kumpara sa dati, pero hindi lang naging halata sa nakasimangot niyang mukha ngayon.

Maaliwalas ang hitsura pero nakasimangot pa rin?

Ano nga ba nangyari kay master sa loob ng anim na oras na 'yun?

Pagkatapos ng nangyari kanina tungkol sa love letter, parang mas naging okay silang dalawa.

Habang iniisip ang tungkol sa love letter, agad na napakunot ng noo si Xu Yi.

Matapos ang pagaalinlangan, hindi na niya napigilan pa ang sarili na magtanong, "Master, sigurado po ba kayo na gusto niyo pa ring manatali sa tabi niya 'yung si Shen Meng Qi?"

Noon pa lang nasigurado na niyang tingnan ang pinanggalingan ng babaing ito--isang boss ang tatay niya sa isang maliit na kumpanya at nagkaroon ng maliliit na business dealings sa pamilyang Ye. Una pa lang, malapit na si Shen Meng Qi kay Ye Wan Wan at ng kapatid niyang lalaki dahil na rin sa udyok ni Ginoong Shen para lalo naman siyang mapalapit kay Ye Shao Ting.

Hindi naman siya binigo ni Shen Meng Qi--nakuha niya rin ang tiwala ni Ye Wan Wan at nagawa pang makipagkasunod kay Ye Mu Fan.

Nang makita na hindi sumasagot sa kanya si Si Ye Han, nagdalawang-isip muna si Xu Yi saka itinuloy pa rin ang pakikipagusap, "Merong masamang intensyon po talaga ang babaing 'to kay Miss Ye kaya nakadikit pa rin siya sa kanya. Siya na nga mismo ang nakialam sa inyong dalawa ni Miss Ye. Gusto niyo pa rin ba na manatili pa rin siya sa tabi ni Miss Ye? Kahit na maliit siyang babae, wala namang dapat ikatakot, pero malakas talaga ang impluwensiya niya kay Miss Ye."

Nakinig lang si Si Ye Han at unti-unting nanlalamig ang titig niya at parang nanlilisik na ang mga mata, "Sa tingin mo ba masisira ang relasyon naming dalawa ng kung sinu-sino lang?"

Nanigas bigla sa kaba si Xu Yi nang titigan siya at saka hiniling na sana naririnig ng langit ang iyak niya--Masyado na ata sa eksaherasyon? Master, saan niyo ba nakuha 'yang lakas ng loob para isiping matibay ang relasyon niyo ni Miss Ye?

Ang masama nga lang hindi niya talaga kayang sabihin ang lahat ng ito sa kanya ng harap-harapan.

Nabalot ng katahimikan ang upuan malapit sa likuran ng sasakyan. Kita pa rin ang nanggigil at nagngangalit na mukha ng binata. Ilang sandali pa'y, ipinikit na lang niya ang maga mata at saka pinigilan ang hindi niya makontrol na gigil at kagustuhang makapatay.

Nang makita siya, naintindihan naman ito ni Xu Yi.

Si Shen Meng Qi ang tanging suporta sa ngayon ni Ye Wan Wan.

Matigas talaga ang ulo ni Ye Wan Wan pero handa naman siyang sumuka kay master at makiusap na makahingi ng tulong para kay Shen Meng Qi.

Noong nakaraan, nagpakagutom pa siya ng tatlong araw pa lang payagan si Shen Meng Qi na pumasok at lumabas ng Jin garden.

Sakali mang saktan ni master si Shen Meng Qi, siguradong may malaking digmaang magaganap!

Kahit na marami nang naging masamang intensyon si Shen Meng Qi, hindi pa rin siya mapapalitan ninuman. Kung hindi dahil kay Shen Meng Qi, hindi makakatakas si Ye Wan Wan ng ilang beses.

Sa katunayan nga nyan, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit haling na haling ang master niya kay Ye Wan Wan--dahil kaya sa estado niya na mahirap siyang maabot?

Sa ngayon, tanging hiling ko lang na maging matino na sa pagiisip si Ye Wan Wan. Sa paraang 'to, kahit gumawa pa ng gulo si Shen Meng Qi, hindi na magiging problema pa 'yun. Hindi kaya 'yun dahil sa insidente tungkol sa love letter kanina?

Siguro kapag nakuha na ni master ang babaing 'to, saka niya lang maiisip na wala naman talagang espesyal sa kanya.

avataravatar
Next chapter