857 Ang regalo ko para sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan siya ni Han Xian Yu. Mararamdaman ang kabutihan sa marumi niyang mukha nang sinabi niya, "Matagal nang panahon ang lumipas, Ye Bai."

Pagkatapos niyang makita ang Weibo post, hindi inasahan ni Ye Wan Wan na makikita niya ng harapan si Han Xian Yu, at gulat pa rin siya hanggang ngayon. "Uh, Xian Yu… bakit nandito ka?"

Tumaas ang kilay ni Han Xian Yu, "Congratulations sa bago mong kumpanya. Nandito ako para bigyan ka ng regalo."

Hindi pa bumabalik si Ye Wan Wan sa kanyang malay tao. "Regalo? Anong regalo?"

Tumango si Han Xian Yu. "En, ako 'yon."

Ye Wanwan: "…"

Gong Xu: "!!!"

Makikita sa mga mata ni Han Xian Yu ang tuwa nang makita niyang tuliro si Ye Wan Wan, na kadalasan ay mabilis at matalas mag-isip. "Tatanggapin niyo ba ako?"

Nabighani si Ye Wan Wan sa charming smile ni Han Xian Yu at tumagal ng halos kalahating araw bago siya makabalik sa kanyang pag-iisip. "Ah?"

Sa likod ni Han Xian Yu, tiningnan ni Fei Yang ang hawak niyang artista at medyo nabilaukan siya. Kumibo ang mga gilid ng kanyang labi. Napapamura na lamang siya sa kanyang isipan. Huwag ka sana maging mapukaw dahil kolaborasyon ang pinaka-pakay mo, hindi ba? At tsaka, lalaki kaya ang kausap mo...

Noon pa man, hindi siya naging malandi sa babae...

*Cough* "Ganito iyon, director Ye… ay, mali, chairman Ye na pala ang itatawag ko sayo ngayon. Nandito kami para sumama sa kumpanya mo!" Nagpaliwanag si Fei Yang.

Lalong nagulat si Ye Wan Wan sa sinabi ni Fei Yang. "Ano… sasama na kayo sa kumpanya?"

Han Xian Yu: "Bakit? Hindi ba kami tanggap dito?"

Sobrang gulo ng isip ni Ye Wan Wan habang nakahawak siya sa kanyang noo. "Saglit saglit saglit saglit… hayaan niyo muna akong intindihin ang nangyayari. Hindi ba't sa Worldwide kayo nagta-trabaho? Bakit kayo…"

Sumagot si Han Xian Yu, "Tinapos ko na ang kontrata ko sa Worldwide kaninag isang oras na makalipas."

Ye Wanwan: "…"

Biglaan ang balita na ito...

Tinapos ni Han Xian Yu ang kontrata niya sa Worldwide at gusto niyang sumama sa kumpanya ko ngayon?

Alam niya na pinahahalagahan ni Han Xian Yu ang pagkakaibigan nila dahil tinulungan niya ito noon, parati niyang protektado si Ye Wan Wan. Nalugod sj Ye Wan Wan dahil bukas palad siyang sinuportahan ni Han Xian Yu, pero hindi niya inasahan na gagawin ito ni Han Xian Yu...

Lumaki ang mga mata ni Gong Cu habang nagtinginan sa isa't isa si Luo Chen at Ye Mu Fan. Lahat sila ay nabigla sa pangyayari.

Gustong sumama ni Han Xian Yu sa kumpanya natin?

Nanggaling siya sa isang malaking kumpanya, ang Worldwide, tapos lilipat siya sa baguhan nating kumapanya?

Naging seryoso ang ekspresyon ni Ye Wan Wan nang balaan niya sila, "Hindi maliit na problema ito, Han Xian Yu. Huwag kang magpadaloy sa emosyon mo kapag nagde-desisyon ka. Kakasimula ko pa lamang ng kumpanya na ito at bago pa ito; hindi pa maayos ang mga bagay at magiging abala ako lalo na't hawak ko sila Luo Chen at Gong Xu. Hindi mo kami kailangang puntahan lalo na't talentado ka na at ma-abilidad pa. Kung hindi mo iisipin ang abilidad sa ngayon ng kumpanya, hindi namin ikaw kakayanin na…"

Bago pa matapos si Ye Wan Wan sa sinasabi niya, umentra at tinitigan siya ng maigi ni Han Xian Yu. "Alam ko ito Ye Bai at alam ko na si Yang-ge pa rin ang manager ko. Siya ang bahala sa mga assignments. Kukuha ako ng assistant ko at hindi mo na kailangang alalahanin ang acting ko, asikasuhin mo na lang ang mga tungkulin mo. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin."

Ye Wanwan: "…"

Hay, please lang! HIndi yan ang punto ko, hello...

At tsaka, hindi mo naman na ako kailangan, 'di ba? Bakit mo pa ako pinapanigan?

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung tatawa siya o iiyak habang nakatingin siya kay Han Xian Yu. "Ah, kung ayan ang gusto mong iparating… pinapamukha nito na ginagamit lang kita kaya ayaw kong pahintulutan ito, malamang…"

Tumawa si Han Xian Yu. "Boss Ye, wala akong paki kung gagamitin mo lamang ako kaya bakit mo kailangang alalahanin ito?"

avataravatar
Next chapter