1099 Ang pink na bestida

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ye Wanwan: "…"

Wala talaga siyang masabi...

Gong Xu: "Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi! Karne, pork chops, potato chips, spicy noodles, tsokolate at cake ko—"

Biglang sumabad si Ye Wan Wan sa ngumangawang si Gong Xu. "Nabili ko na yung mga damit."

Gong Xu: "Huh? Anong mga damit?"

Ye Wan Wan: "Kulay pink na bestida."

Gong Xu: "Ang sarap talaga ng mantous! Kaya ko yatang kumain ng isang daan nito! Aalis na ako, Brother Ye. Kakain muna ako ng mantous. Magsasanay na ako pagkatapos kong kumain. Paalam…"

Ye Wanwan: "…"

Nakatameme pa rin si Chu Feng at Jiang Yan Ran pagkababa ni Ye Wan Wan ng tawag.

Mahiwaga ang nangyaring tawagan kanina kahit na hindi nila alam kung ano ang pinag-uusapan ni Gong Xu at Ye Wan Wan.

Hindi naiwasan ni Ye Wan Wan na matawa dahil sa blangkong itsura ni Jiang Yan Ran. "Yan Ran, hindi ba't sinabi mo noon na parang pamilyar si Ye Bai? Alam mo na ngayon ang rason?"

Tuliro pa si Jiang Yan Ran bago siya tumango ng paulit-ulit.

Nakatitig ng maigi si Jiang Yan Ran kay Ye Wan Wan at napagtanto niya na… magkaparehas nga sila...

Bakit hindi niya man lang napansin?

Siguro dahil nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam kay Ye Bai na malaki ang pagkakaiba nito sa nararamdaman niya kay Ye Wan Wan, kaya hindi lahat ng tao ay makakaalam na iisang tao pala sila. Hindi nila ito masyadong iisipin kahit na paminsan-minsan ay mapapansin nila na magkapareho nga ang dalawa...

Napalunok si Chu Feng at tiningnan niya si Ye Wan Wan bago niya tingnan ulit ang mukha ni Ye Bai sa kanyang phone. "Sister Wan Wan… ikaw… ikaw talaga si Ye Bai?"

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at nilitratuhan niya ang palad ni Jiang Yan Ran na may pirma niya bago siya mag-log in at gumawa ng post sa Weibo ni Ye Bai.

[May nakasalubong akong fangirl ngayong araw. (Photo attached)]

May espesyal na follow alert si Jiang Yan Ran, kaya nag-ring ang phone niya pagkatapos mag-post ni Ye Wan Wan.

Binuksan niya ang kanyang phone at nakita niya ang pinakabagong post ni Ye Bai.

Lumapit si Chu Feng at tinitigan niya ang screen ng phone ni Jiang Yan Ran, at halos mabaliw siya sa nakita niya. "Sh*t! Sister Wan Wan, ikaw nga si Ye Bai! Inakyat ko pala ang pader ng sarili kong bakuran!"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. "Nagulat rin ako na sa pader ko ikaw umakyat…"

Sabik na sabik si Chu Feng. "Ikaw… ikaw pala talaga si Ye Bai, ahhhhh! May hustisya pa ba sa mundo?! Bakit ang gwapo mo kahit nakapang-lalaki ka lang, Sister Wan Wan?!?!"

Umangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Mahirap bang paniwalaan?"

Naging malungkot si Chu Feng habang tinititigan niya si Ye Wan Wan. "Nagpapasalamat ako sa nanay mo, Sister Wan Wan…"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Bakit mo naman pasasalamatan ang mama ko?"

Chu Feng: "Nagpapasalamat ako kay Tita dahil hindi ka pinanganak na lalaki…"

Tumango si Ye Wan Wan. "Totoo yan. Pasalamatan mo si mama. Kung lalaki sana ako, siguro girlfriend ko na si Yan Ran. Baka nga hindi ka pa masama sa amin eh!"

"Ang hirap na ng buhay kaya hindi mo pwedeng ipakita ang lahat, Sister Wan Wan… saglit, hindi pala! Dakilang Ye Bai! Bigyan mo naman ako ng autograph! Gusto ko din! Gusto ko may autograph ang mga damit, katawan, notepad at ang lahat ko!"

Inirapan muli siya ni Ye Wan Wan. "Kasama na nga kita, eh; bakit gusto mo pa rin ng autograph?! Tama na nga, nandito talaga ako para kausapin si Yan Ran tungkol sa importanteng tungkulin! Yan Ran, sasabihin ko sayo… Eh, Yan Ran?"

Biglang bumalik sa tamang pag-iisip si Jiang Yan Ran, pagkatapos ng matagal niyang pagtitig kay Ye Wan Wan. Bigla niyang hinampas ang kanyang ulo sa lamesa at maririnig ang malakas na bang. "Kakalma lang ako ng saglit! Diyosko, diyosko! Ikaw talaga si Ye Bai! Nireserba na pala ako ng idolo ko noon pa man! Mas nauna pa ako kay Luo Chen!"

Bigla na lamang naging masaya...

avataravatar
Next chapter