1025 Ang pinakamasigasig sa pakikipaglaban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kilala sa publiko si Senny bilang ang most talented champion ng Muay Thai ng mga tagahanga ng Chinese wrestling at isang tinitingalaan sa mga masisigasig pagdating sa wrestling. Madaming mga Chinese ay umaasa na pumunta siya sa China para magkaroon ng Chinese-Thai na paligsahan at makipaglaban sa mga propesyonal sa tradisyonal na Chinese martial arts.

"Isang malaking halimbawa si Senny sa Muay Thai, at dalubahasa naman si Mr. Sun sa martial arts sa China, kaya matagal ko nang gustong makita na magkaroon ng kompetisyon laban sa nangunguna sa Muay Thai at sa ating tradisyonal na Chinese martial arts.!" bakas ang pagkasabik sa boses ni Mu Suifeng, kitang tuwang-tuwa sa mungkahi ni Qin Ruo Xi.

Nang marinig ang inaasahang tugon mula sa kanya, lumakas ang loob ni Qin Ruo Xi at tinignan si Si Ye Han. Marahan niyang sinabi, "Chairman Si, tutal interesado din si Mr. Mu, bakit hindi magkaroon ng limang piling tao mula sa mga Qin, Sin, at Si para pamunuan ang limang eksperto at magkaroon ng martial arts conference?"

Mabilis na pumalakpak si Mu Suifeng at sabi, "Magandang ideya iyan!"

Nakita ni Si Ye Han na sobrang interesado ni Mu Suifeng, kaya natural na hindi niya tatanggihan ito para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang bisita. "Pwede. Magpapadala na na ako ng tao para ayusin ito."

Sumulyap si Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan bago magsalita, "Ako na ang magiging representante sa pamilya ng Qin at pipili ng limang eksperto. Para naman sa mga Si, paano kung hahayaan niyo si Miss Ye ang maging representante, Chairman Si?"

Nang marinig ni Ye Wan Wan ang kanyang pangalan, habang masunuring nasa tabi lang ni Si Ye Han, hindi namalayang napaangat ang kanyang kilay. Talaga bang nagiging mabait si Qin Ruo Xi para bigyan siya ng tsansa na mapunta sa limelight?

Hindi naman magiging simple iyon, 'di ba...

Tut tut, magkakaroon ng mga advanced-level na mga eksperto sa conference...

Gusto niya talagang pumunta at magsaya!!!

Agad na nagliwanag na parang isang bumbilya si Ye Wan Wan at lumapit kay Si Ye Han, sumisingaw ang kanyang pagnanais. "Sama ako! Sama ako! Sama ako!"

Nang marinig ito ni Mu Suifeng, gulat siyang sumulyap kay Ye Wan Wan. "Oh? Alam din ni Miss Ye ang martial arts at wrestling?"

Hm… Hindi ko talaga makita...

Sumagot ng may ngiti si Qin Ruo Xi, "Mahusay si Miss Ye. Personal kong nasaksihan na natalo niya ang mga mabibigat na mga gwardya ng mga Si!"

Sinasadya niya mataas ang pagpupuri kay Ye Wan Wan para makaputa ito kahit hindi niya gusto...

"Edi aasahan ko ito!" natawang sinabi ni Mu Suifeng. Gayunpaman, halatang walang sinseridad sa kanyang mga salita, at nagiging magalng lang siya.

"Chairman Si, ano sa tingin mo?" tanong ni Qin Ruo Xi.

Bagaman natatakot siya na tatanggihan ito ni Si Ye Han para protektahan si Ye Wan Wan, sabi pa ni Qin Ruoxi, "Hindi kailangan lumban ng representante. Kailangan niya lang pangunahan ang team at magbigay ng mga payo, kaya hindi siya mapapahamak. Wala kang ikakabahala doon, Chairman Si."

Kung magpapatuloy sila sa conference, hindi lang niya mapapanalunan ang pabor ni Mr. Mu pero magkakaroon din ng pabor sa kanya ang mga Sun. Importante pa, magagawa niyang pagmukhaing tanga si Ye Wan Wan at sirain ang reputasyong kagagawa niya lang...

Pinigilan ni Qin Ruoxi ang kanyang emosyon at nag-antay sa sagot ni Si Ye Han.

Sa ngayon, kalahati ni Si Ye Han ay halos nasunog na sa mga maiinit na mga tingin ni Ye Wan Wan...

Kumibot ang mga labi ni Si Ye Han, at tinignan si Ye Wan Wan. "Gusto mo bang pumunta?"

Mas masaya pa si Ye Wan Wan na pumunta at tumango-tango. "Oo!"

Si Ye Han: "…"

Sobrang masigla niya sa sandaling narinig na may kasamang pakikipaglaban...

avataravatar
Next chapter