769 Ang pinaka inaalala ng kanyang master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Coutry Z, sa Si Corporation:

Mabilis na natapos ang pagpupulong at hindi maipinta ang mga mukha ng top management.

Noong una, naghihintay ang lahat para sa nakakasabik na palabas, ngunit sa huli, walang nag-akala na si Feng Yi Ping at Si Ming Li ang mapapahiya.

Walang sawa na pa-simpleng bumubuntong hininga ang lahat ng tao.

"Hindi ko inakala na magiging ganito ang kahahantungan. Hindi ba't parang nawala ang kanilang yaman, kung binili nila ang mga produkto na nireserba ni Director Qin?"

"Totoo yan! Ang weird lang kasi sinabi nila na ignoranteng mayaman na bratinela ang babaeng 'yon? Paano niya napili ng isang tinginan lang ang isang mahalagang materyal?"

"Hindi lang 'yon - hindi niyo na kita kung gaano siya ka-seryoso na walang kwenta ang mga nireserbang produkto ni Director Qin!"

"Parang demonyo talaga ang babaeng ito…"

Sa oras din na 'yon, sa Jin garden:

"Tapos na, Mr. Si. Maayos naman na ang kondisyon mo ngayon, pero tandaan mo na bawal kang tamarin at kailangan mong panatilihan na maayos ang kondisyon mo."

Sa kwarto sa taas, ilang beses na pinaalalahanan ni Sun Bai Co si Si Ye Han nang matapos ang kanyang acupuncutre session.

"Pasensya na sa abala, Dr. Sun."

"Mr. Si, masyado kang mabait. Aalis na rin ako kung wala nang kailangang gawin."

Pagkaalis ni Sun Bai Cao, nagtanong muli si Xu Yi na kanina pang nababalisa habang naghihintay siya:

"9th master, tungkol po kay Ye Wan Wan… wala ba talaga tayong gagawin para doon? Malaking risk ang kinuha ni Miss Wan Wan at may balita sa kumpanya na nakipagpusatahan raw siya kay Si Ming Li at Feng Yi Ping sa harap ng mga matataas na opisyal na nasa pagpupulong - sinabi niya na kapag natalo siya sa pustahan nila tungkol sa bato, aalis na raw siya ng kumpanya at kahit kailan ay hindi siya mangingialam sa mga tungkulin ng kumapanya!"

Naguguluhan at nababaliw na si Xu Yi nang sabihin niya iyon.

Hindi ba't matatapon lang ang oportunidad na ginawa ni master para kay Miss Wan Wan?

Gayunpaman, hindi lamang nakadepende sa kakayahan ang pakikipagsugalan ng mga jade.

Sobrang nababalisa si Xu Yi ngunit kalmado at maayos ang kanyang master at walang makikitang kalungkutan sa mukha nito.

"Inorder mo na ba ang mga gamit sinabi kong ihahanda mo?" tinanong siya ni Si Ye Han.

Nabigla si Xu Yi sa tanong ni master at matagal bago siya magkaroon ng reaksyon. Sumagot siya kay master, "Uh, sinabihan ko na na ihanda nila ang mga almond cakes na galing kay Angelina at dadalhin nila ito na naka helicopter sa country F."

Errr, ito ba ang pinakaimportanteng inaala ni master sa ngayon?

Bakit mga cake ang inaalala niya ngayon?

Sa oras na iyon, may tawag na nanggaling sa kumpanya.

Nabigla si Xu Yi nang marinig niya ang sinasabi ng kabilang panig.

Pagkatapos ng matagal na oras, hindi makapaniwala si Xu Yi nang humarap siya kay master. "9th… 9th master… si… Miss Wan Wan, ay…"

"Ano?" lumaki ang mga mata ni Si Ye Han.

Sabik na sumagot si Xu Yi, "Lumabas na ang resulta! Ang huling bato nila ang isang malaking piraso ng imperial jade! 9th master, hindi mo nakita ang itsura nila Feng Yi Ping at Si Ming Li - silang dalawa ang walang magawa kundi pangatawanan sa harap ng lahat ang pinusta nila…"

Sinunod ni Miss Wan Wan ang kagustuhan niya at pilit niyang binili ang tumpok ng mga bato na nanggaling sa Glittering Jewels Pavillion; inakala ng lahat na nagiging makasarili lamang si Miss Wan Wan. Kung hindi, hindi rin makikipagpustahan sa kanya sila Feng Yi PIng at Si Ming Li.

Pero hindi ko inakala na mananalo si Miss Wan Wan sa pustahan!

Kung maiisip ang nakaraan, napagtanto niya na matalino talaga si Miss Wan Wan - masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya lalo na kung maiisip niya ang kapangyarihan na meron siya kaya hindi niya pwedeng ipusta ang pinakamalaking pusta niya; ginamit niya ang nakakatawang paraan sa pustahan para maubos ang pwersa ng kanilang pinaglalaban.

avataravatar
Next chapter