113 Ang paninipsip

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino po siya? 9th master..?" tinangkang magtanong ng isa sa kanila.

Nagagalit si Si Ye Han sa mga taong nangingialam sa personal niyang buhay. Nagsisi ang nagtanong ng makita na naiinis si Si Ye Han pero di nito inaasahan ang sagot nyang---

"Girlfriend."

Sa isang salitang iyon, gulat na gulat ang lahat na nasa VIP room.

Girlfriend?

Hindi ordinaryo ang babaeng ito!

Akala nila nung una isa lang siyang ordinaryong tao, pero espesyal pala siya sa puso ni Si Ye Han.

Habang nakatingin kay Si Ye Han, ang bunganga ni Lin Que ay gumagalaw ngunit wala namang masabi. Kaya ba pinapunta niya si Ye Wan Wan para kumuha ng oath of sovereignty?

Pinunasan ni Cui Hao ang malamig na pawis sa kanyang noo at sinubukan niyang sisipan si 9th master, "Aiya, kaya naman pala di naghahanap ng ibang babae si 9th master, mayroon na siyang napakaganda na babaeng itinatago sa kanyang bahay! Pwede bang malaman ang pangalan mo?"

"Hello sa lahat, ang surname ko ay Ye." nagbigay ng simpleng greeting si Ye Wan wan.

Ye…?

Sinubukan ng lahat isipin kung may kakilala silang surname ay Ye sa Imperial City. Ngunit, wala silang eksaktong kaalaman sa Ye Family.

Mayroon lamang silang isang kilala na Ye family sa Imperial City, ngunit ang estado ng pamilyang iyon ay mababa kaya hindi sila kilala ng nasa circle. At saka, ang babaeng anak ng pamilyang iyon ay ikakasal na sa Gu family.

Hinayaan na lang nila at di na sinubukan isipin ito. Nagpatuloy silang mag-inuman at mag-usap para magkaroon ng buhay ang pagtitipon.

Tuloy tuloy na ang usapan buong gabi. Ang proyekto ni Cui Hao na kalahating taon niya pinag-trabahuan ay hindi na niya na-manage at natapos na din nung gabi na iyon.

Sa wakas, nung sila ay kumalansing ng mga baso, mangiyak-ngiyak at nagpapasalamat na tumingin si Cui Hao kay Ye Wanwan, na parang siya ang diyos na may awa, tumutulong sa mga taong may problema.

Akala ni Cui Hao ay paparusahan siya. Sino ang mag-aakala na ang problema ay maayos rin, na-manage niya din sa maisara ang importanteng deal.

Tulad nung unang panahon na ang mga makapangyarihang ministeryo ay nagugustuhan kapag hinaharap ang mga babae sa kanilang harem ngunit ibang-iba si Si Ye Han.

Nakita ni Cui Hao na iniwasan ni Si Ye Han ang babaeng ibinigay sa kaniya at nandiri rin siya sa concubine na iyon. Naisip niya na hind na siya pwedeng magpadalos-dalos at babalik lamang sila sa parehas na sitwasyon kanina.

Subalit, posibleng pang umatake sa ibang anggulo..

Bago umalis, dinukot ni Cui Hao ang golden card sa kanyang dibdib at masayang ibinigay ito kay Ye Wanwan. Sinabi niya na may malaking ngiti sa mukha, "Miss Ye, ito ang unang pagkakataon na makilala kita. Tanggapin mo ang munting regalo na galing sa aking puso."

Sinuri ni Ye Wanwan sa bawat anggulo ang card at mga mata niya'y biglang lumiwanag. Eto ay isang gold card sa pinaka mamahalin na shopping mall sa Imperial City, Parkson Plaza.

Gamit ang card na ito, pwede ka nang mag-enjoy sa VIP services at mamahaling bilihin na may discount pa ang presyo.

Kadalasan, bukod sa internal top management, ang may-ari ng card na ganito ay nakabili ng sampung milyong mahigit na bilihin.

Para sa pinaka-mayaman na tao ang pagbili ng dyamante ay maka-kaabot sa ganoong halaga. Hindi kayang maka gastos ng ganun karaming pera ang mga normal lamang na pamilya at kahit pa sa middle -class na pamilya.

Ang lalaking ito ay ibibigay lang sa akin ang Parkson Gold card ng ganun lang?

Cui Hao… Cui… Punyeta siya nga! Naalala niya lang, ang lalaking ito ay ang batang master ng Parkson Corporation.

Nang maisip iyon, hindi tinanggap ni Ye Wanwan ang card at tiningnan si Si Ye Han, baka ano pang maisip niya.

Normal na tiningnan ni Si Ye Wan si Cui Hao at hindi naman siya nabagabag sa ginawa nito, "Tanggapin mo na."

Nang pumayag si Si Ye Han, tinanggap rin ito ni Ye Wanwan, "Salamat!"

Huminga ng maluwag si Cui Hao, "Walang problema. Wala rin akong maisipang maibigay sa iyo. Alam ko ang mga babae ay mahilig mag-shopping kaya naisip ko na magugustuhan mo ito!"

Nakikita niya na malaki ang impluwensya ni Ye Wanwan kay Si Ye Han at hindi ito dapat maliitin, kaya dapat magkaroon si Cui Hao ng maayos na relasyon kay Ye Wanwan.

Pagkaalis ng kotse ni Si Ye Han, humarap si Lin Que kay Cui Hao, "Ang galing ng naisip mo!"

Pilit na tumawa si Cui Hao at sinabing, " Ayon sa isang kasabihan, matalino ang tao na binabago ang kilos ayon sa pangyayari! Pero master Lin, saan galing ang babaeng ito? Magkwento ka naman kahit kaunti?"

Nag yosi si Lin Que, "Hindi ko masasabi kung saan siya galing, pero masasabi ko na…"

"Ano?"

"Sinipsipan mo ang tamang tao."

avataravatar
Next chapter