509 Ang panibagong kapangyarihan!!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umikot ang utak ni Ye Wan Wan siguro dahil na rin sa nahuling epekto ng matapang na alak. Nakahiga lang siya lapag at unti-unti siyang tumigil na manlaban...

"Hehe, napakagandang nilalang…"

Namatsahan ng kulay dilaw na alak ang kanyang damit, sumama pa ang kinang ng puting jade kaya nabighani ang mga lalaki sa mukha niya. Umigting ang pagka-masukista ni Chen Shi Jie nang makita niyang nakahiga na sa sobrang sakit si Ye Wan Wan.

"Ang ganda… napakaganda…" sabik na inunat ni Chen Shi Jie ang kanyang kamay papunta kay Ye Wan Wan.

Dahil kailangan niyang ihuli ang pinakamasarap.

Kailangan niya munang magsimula sa appetizer bago siya kumain ng entreé.

Lumiko si Chen Shi Jie at naglakad siya papunta kay Jiang Yan Ran.

"Oh oh oh——"

Sa oras na iyon, ang kalagayan ng buong bar ay humantong na sa nakakapanabik na parte at ang lahat ng tao ay umaalulong na parang mga mababagsik na hayop.

Halos lahat ng lalaki sa bar ay naglalaway at ang mga atensyon nila ay nakatingin sa dalawang babae na binabastos ni Chen Shi Jie.

Yung isang babae ay sariwa at mukhang maselan habang ang isa ay ubod ng ganda; nanalo si Chen Shi Jie sa loto ngayong gabi...

Hahawakan palang sana ni Chen Shi Jie ang katawan ni Jiang Yan Ran nang biglang may mapayat na kamay na humawak sa pupulsuhan niya.

"Ay… gising na pala ang chicks?"

Lubhang nasabik si Chen Shi Jie dahil lumalaban pa rin si Ye Wan Wan. Ang mukha niya ay ngumiwi at nagmukha siyang nakakatakot. "'Wag kang mag-alala! Ikaw ang isusunod ko mamaya…"

Patuloy pa rin na nagsalita si Chen Shi Jie habang inaagaw niya ang kanyang kamay kay Ye Wan Wan.

Ngunit, bigla niyang napansin na hindi na niya maigalaw ang kanyang pupulsuhan.

Paulit-ulit niyang ginamit ang lahat ng lakas niya para kumawala pero nabigo lamang siya.

Anong nangyayari...

Bakit ang lakas ng babaeng ito?

Para siyang pinipigilan ng mahigpit na nakahawak na iron claw.

Nag-iba ang ekspresyon ni Chen Shi Jie matapos ang ilang beses niyang pagtatangka na pakawalan ang sarili.

Demonyo pala talaga ang babaeng ito...

"Punyeta, anong tinatayo-tayo niyo diyan? Hindi niyo ba ako kayang tulungan?" napahiya si Chen Shi Jie kaya minaliit niya ang mga tauhan niya.

Nagtakang nagtinginan ang mga tauhan niya. Saan natin siya tutulungan? 'di ba babae lang 'yan?

Mahigpit ang magkakahawak ng babae sa kamay ni Chen Shi Jie at hindi siya makawala kahit ilang beses niyang subukan, kaya akala nila na nag-aasaran lang sila at gumagawa lang ng kwela.

"Punyeta…" lalong nararamdaman ni Chen Shi Jie ang sakit sa kanyang pupulsuhan hanggang sa magwala siya at lubha siyang namawis. Dahan-dahan na binuksan ng babaeng nakahiga sa lapag ang kanyang mga mata nang walang pasabi——

Ang awra niya ay parang walang katapusang kadiliman at ang mga mata niya ay binalot ng galit, poot at lamig na parang walang bakas ng emosyon ng normal na tao.

Kaya nanginig sa takot si Chen Shi Jie nang makita niya ito...

"Ikaw…" parang binalot ng gumagapang na lamig ang kabadong puso ni Chen Shi Jie nang makita niya ang mga mata ni Ye Wan Wan; tuloy, ang lugar na pumapalibot sa kanya ay parang lumamig kaya biglang lumaki ang mga mata niya sa sobrang takot.

Sa isang segundo, bago pa bumalik sa kanyang malay tao si Chen Shi Jie, may malakas na "crack" ang narinig. Ito ay ang nakakagimbal na tunog ng isang nabali na buto.

"Ah——kamay! Kamay ko—— Ah ah ah ah ah——"

Lumipad ang buong katawan ni Chen Shi Jie na tulad ng sirang saranggola nang bigla siyang umiyak sa sobrang sakit, humampas siya sa may aparador ng alak kaya narinig ang malakas na hampas.

Nalaglag ang ilang bote ng alak sa lapag at nabasag ang mga ito at nagpira-piraso.

Pagkatapos nito, habang nakalibing si Chen Shi Jie sa mga basag na bote, bigla siyang sumuka ng dugo at mabilis siyang hinimatay. Humiga siya sa lapag at hindi siya gumagalaw, walang nakakaalam kung buhay o patay na ba siya.

Nangyari ang eksenang ito sa loob lamang ng ilang segundong lumipas.

Sa kanina'y maingay at magilong bar, para bang mag pumindot ng off button dahil nakakasakal ay biglaang katahimikan.

Na-paurong ang lahat habang tinititigan nila ang babaeng nakahiga sa lapag na para bang baliw ang nakikita nila.

Ano… anong nangyayari...

Anong nangyari...

Habang nakatingin ang lahat sa kanya, tamad na ginalaw ni Ye Wan Wan ang mapayat niyang kamay habang ang itsura niya ay kuntento at elegante pa rin. Dahan-dahan siyang tumayo...

avataravatar
Next chapter