825 Ang panahon ng ating buhay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, ang lahat ng mga artista sa lugar ay nagsimula ng mag bulungan sa gitna nila...

"Wow… sobrang...napaka magara… sino ang taong iyan?"

"Narinig ko na tinawag siyang Ye Bai ni direktor Cai...tila mukhang siya ang manager ni Gong Xu at Luo Chen - ang tinalagang bang vice-president ng Dazzling!"

"Tang*na! Seryoso ka ba?! Talaga mayroong manager na sobrang gwapo? Kung lahat ng managers ay gwapo, gaano kaya karaming artista ang gustong sumira sa unspoken rule, huh? "

Nang makitang naabala ang kanyang pagkakataon ni maging hot-topic ng tsismisan, si Lucy Yang ay nainis at humarap kay Cai Yong Sheng, at nanghingi ng tulong.

Nagdilim ang itsura ni Cai Yong sheng nang mapagtanto niya na hinahamon siya ni Ye Bai sa harap ng napakaraming tao, "anong ibig mong sabihin doon - sino ang pag-aari mo dito?! Pag-aari ng kumpanya si Gong Xu at Luo Chen! Hindi mo ba alam na kasalukuyang gumagawa kami ng isang programa?"

"Ano ngayon?" Walang pakialam na sinabi ni Ye Wan Wan.

May card na nakalagay sa manggas ni Cai Yong Sheng. Pinagbantaan niya ang pang-aasar ni Ye Bai, "Ye Bai, pag-isipan mo muna ng maigi bago mo ako kalabanin! Kapag nalaman ni Chairman Chu ang tungkol sa ginawa mo ngayon, ang kalalabasan…"

Sa simula pa lang nangangamba na si Cai Yong Sheng na hindi niya magagawang alisin ang lalaking ito, pero ngayong pinadala niya ang kanyang sarili sa pintuan, maaaring gamitin ni Cai Yong Sheng ang pagkakataon na ito upang ireklamo si Ye Bai at mas magiging maganda ito kung ang kanyang katayuan ay bumagsak...

Kung hindi man, siya ay talagang hindi matutuwa kung siya yuyurakan ni Ye Bai dahil sa kanyang posisyon!

"Oh? Kahahantungan?" Tumaas ang kilay ni Ye Bai saka inilabas ang isang manipis na envelope. Inipit niya ito sa pagitan ng kanyang mga daliri at winagayway ito. "Ibig mo bang sabihin… ito?"

Isang salita ang nakasulat dito: "Resignation."

Matapos makita ng malinaw ang envelope, nanliit ang mga mata ni Cai Yong Sheng at hindi makapaniwalang tumingin kay Ye Wan Wan. "Ikaw… gusto mo mag resign?"

Ito ang hindi kailan man pumasok sa kanyang isip na mag-lalakas loob si Ye Wan Wan na mag resign!

Ang industriya ng entertainment ay masyadong mapagkumpitensya at alam ng lahat kung gaano kahirap ito mapagtagumpayan. Ang makuha ang posisyon ng vice-president sa kanyang edad ay ang bagay na hindi lang pinapangarap ng karamihan - paano niya nakayang isuko ang lahat ng mayroon siya ngayon?

Direktang itinapon ni Ye Wan Wan ang resignation letter sa munting assistant ni Cai Yong Sheng. "Tignan mo."

Tang*na! Itong mabahong taong ito ay talagang naglakas loob na mag resign!

Tumingin sa kanya si Cai Yong Sheng. "Ye Bai! Magaling, magaling ito. Napaka tapang mo, huh! Gusto mo na mag resign? Dahil dito, hindi kana parte ng Dazzling, kaya sino ka para manghimasok sa problema ni Gong Xu at Luo Chen?"

Tinignan ni Ye Wan Wan si Luo Chen at Gong Xu. Ang kanyang tingin ay tulad ng nagliliwanag na araw. "Susunod ba kayo sa akin?"

Nagtinginan si Luo Chen at Gong Xu sa isa't isa at sabay na tumango ng walang pag-aalinglangan.

Ang walang pakialam na tingin ni Luo Chen ay biglang nabalot ng liwanag at ang kanyang itsura na hindi ganun ka mukhang seryoso noon. "Ye-ge, sasama ako kahit saan ka magpunta."

Puno ng pagkasabik si Gong Xu. "Sh*t, Ye-ge, sa wakas sinabi mo na ito - matagal na panahon na akong naghintay para dito!"

Habang pinapanuod ang dalawang pinaka kumikitang A-lister na naghahandang umalis kasama si Ye Bai, nagsimula ng mag-panik si Cai Yong Sheng. Sumigaw siya sa harapan ng lahat, "IKAW… KAYO! Baliw na ba kayo? Hindi ba ninyo alam ang mangyayari sa paglabag sa kontrata ninyo? Gong Xu, Luo Chen 'ang matalinong tao ay hinahayaan ang mga nangyayari' - walang kahit anong impluwensya o kapangyarihan si Ye Bai. Matapos niyang umalis sa Dazzling, wala na lang siya ngayon at ang pagsunod sa kaniya, sinisira ninyong dalawa ang kinabukasan ninyo! Pag-isipan ninyong maigi bago kayo gumawa ng isang desisyon!"

Tumayo si Luo Chen. Wala siyang sinabi kahit isang salita at direktang pinunit ang name tag ng programa mula sa kanyang braso.

Kaagad na inalis ni Gong Xu ang uniporme ng team na kanyang suot at tinapon ito sa lapag habang sumusugod kay Cai Yong Sheng, na kalahating hubad, at itinuro ang kanyang gitnang daliri. "SAYONARA [1], TANGA!"

Sa parehong oras, inibigay ni Ye Mu Fan ang coat at bag ni Lucy Yang sa braso ng kanyang assistant at winalis ang kanyang palawit palayo sa kanyang mukha. Saka siya sumipol at sumigaw, "hey, huwag mo akong kalimutan!"

"WHOO HOO! Malaya na tayo! Ye-ge, hayaan mo ako maging isang poser, dalhin mo ako sa mataas--"

Nagtatatalon at pumapalakpak si Gong Xu mula sa malayo.

Sa huling liwanag ng paglubog ng araw, ang kanilang likod ay tila nagniningning ng may nagliliwanag na ilaw nang sila ay umalis...

Ang oras nila ay nagsisimula pa lang...

Nang makita kung paano umalis ang apat ng walang bahid ng pag-aalinglangan, si Cai Yong Sheng, Lucy Yang, ang direktor at ang lahat ay naiwang gulat...

avataravatar
Next chapter