633 Ang Pamumuno

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ilang taon na rin akong nawala sa sarili kong bahay; ngunit gayunpaman, lagi kong natatandaan kung ano ang mga tinuro sa akin ni lolo at lola. Gusto kong magsimula ulit at magbago dahil alam ko na tinuturuan lamang ako ng leksyon nila lolo at lola, upang matuto ako para sa ikabubuti ko na rin. Nagsimula akong pumasok sa maliit na kumpanya. Umaasa ako sa darating ang araw na ako ay magiging tulad ng inaasam nila sa akin! Wala akong pakialam sa babaeng iyon ng Shen family! Ginawa ko lang iyon par libangin ang sarili ko. Alam nyo naman na manang-mana ako kay lolo."

Lumambot ang puso nila Tan Yi Lan at Ye Hong Wei nang marinig nila ito.

Gulat na gulat sila Ye Shao An at Liang Mei Xuan habang pinapanood nila ang pagpapanggap ni Ye Mu Fan, tinanggi niya ang lahat ng paratang sa kanya at ang lakas ng loob niyang pinakita na isa siyang masunurin at maunawain na tao.

Pagkatapos ng talumpati ni Ye Mu Fan, lumuhod siya sa harap ng dalawang matanda at halos luhaan ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa dalawa. "Lolo, lola, hindi ko po ginawa iyon. Bakit ako pinagbibintangan ni tito?"

Hindi ba't sumosobra na ang pag-iinarte ni Ye Mu Fan nang sinabi niya na 'Tinataboy na ang pamilya namin'? Pipilitin ba niyang magpanggap hanggang sa makamit niyang pagka-kuntento?"

"Siya at si Ye Yiyi ang nagtago ng pribadong dokumento kaya sinadya nilang ikinalat ang impormasyon na ito at ako ang pinagbintangan nila sa krimen! Kayo na lang, lolo at lola, ang humusga sa inyong apo!"

Sa isang gilid, si Ye Wan Wan ay napahawak na lang bigla sa kanyang noo. Dapat hindi ako nag-alala noong una pa lang sa lalaking ito. Hindi ko inasahan na napakagaling niyang mag-iba ng karakter at napaka-kapal pala ng mukha niya...

Halos bumuga ng dugo si Ye Shao An sa sobrang galit niya. "Ye… Ye…"

Hindi niya matapos ang sinasabi niya at ang sinambit niya lamang na salita ay "Ye." magulang itong si Ye Mu Fan, masyadl siyang mautak!

Sa oras na iyon, naging malumanay na ang itsura ni Tan Yi Lan. Mamula-mula ang kanyang mga mata at bigla niyang tiningnan ang kanyang asawa, "Hong Wei, tayo ang nagpalaki kay Mu Fan simula pa noong una; katulad ko ang batang ito kaya alam ko na hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Hindi natin siya inintindi bilang mga lolo at lola niya!"

Malungkot si Ye Hong Wei nang tumangi siya. "En, tama ka."

Nanigas ang mukha ni Ye Yiyi - nalinlang ni Ye Mu Fan ang mga matatanda gamit ang kakaunting mabulaklak na salita niya lamang.

Paano nangyari ito...

Ngumiwi ang mga mukha nila Ye Shao An at Liang Mei Xuan. "'Wag kayong magpalinlang sa mga mabubulaklak na salita ng batang iyan, mama at papa!"

Bigla siyang pinagalitan ni Ye Hong Wei, "Malinaw ang pagpapatunay na pinagbintangan lamang si Mu Fan. Hindi na natin pag-uusapan muli ang insidenteng ito!"

Naisip ni Ye Hong Wei na sinadya ni Ye Shao An na matalo sila sa proyektong ito, para sisihin sa krimen ang kanilang apo na si Ye Mu Fan. Pinakita ni Ye Mu Fan na lali siyang nalungkot dahil sa maling akusasyon sa kanya.

Kung ibabase sa ugali ng pangalawang anak ni Ye Hong Wei, malaki ang posibilidad na maging totoo ang sinabi ni Mu Fan.

Nakita ni Ye Shao An ang pangangamba sa mga mata ni Ye Hong Wei kaya gusto niya na sanang sabihin ang alahat, ngunit kung gusto niyang gumagawa ng eksena, mawawalan siya ng kontrol sa sarili para harapin si Ye Mu Fan at sa huli ay siya naman ang kaawa-awa.

Tiningnan ng masama ni Tan Yi Lan si Ye Shao An nang makita niya na malaki ang paghihirap ng apo niya sa insidenteng ito. "Shao An, isipin mo rin kung ano ang naging parte mo dito sa insidenteng ito. Malaking kaguluhan na kaagad ang idinulot ng isang hamak na Splendid Light project at isinantabi mo ang trabaho mo bilang CEO dahil sa gulong ito! Oo nga pala, kailangan mo ipa-imbestigahan kung sino ang magnanakaw na nagdawit at nagkunwaring si Ye Mu Fan!"

Kalokohan, anong sinasabi mong ipa-imbestigahan? Halata naman na siya ang magnanakaw eh!

Walang masabi si Ye Shao An at linunok niya na lamang ang namumuo niyang galit. "Opo…"

"Lola, pababayaan na lang natin sila pagkatapos nila akong pagbintangan? Hindi man lang sila nanghihingi ng kapatawaran! Ganyan ba ang dapat ng ugali ng mga nakakatanda? Tama ba ako Wan Wan?"patuloy na pinakita ni Ye Mu Fan ang kakapalan ng mukha niya.

Ye Wanwan: "..."

'Wag mo na akong tanungin, ipagpatuloy mo ang pamumuno mo Ye Mu Fan...

avataravatar
Next chapter