293 Ang palitan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumukulo sa sobrang galit si Zhou Wen Bin nang marinig niya ang sinabi ni Ye Bai kay Luo Chen na "artistang hawak ko."

Walang sumubok na lumaban sa kanya sa Dazzling sa tinagal niya doon, paano siya tinapakan at hindi nirespeto ng isang pasaway na si Ye Bai? Dahil doon, harapan niyang tinawagan si chairman Chu at videocall pa nga.

Si Zhou Wen Bin ang top manager ng Dazzling Media; halos 90% ng kinikita ng Dazzling ay galing sa mga artistang hawak niya-- si Gong Xu palang ay sapat na para makuha niya ang kanyang posisyon, kaya ang salita niya ay importante sa loob ng headquarters.

Beterano siya sa kumpanya habang ang loko-loko na ito ay baguhan pa lamang na manager. Hindi maikakaila kung sino ang mas papanigan ni Chu Hong Guang sa dalawa.

Ang apoy ng pag-asa na unti-unting nakakamtan ni Luo Chen ay muling pinatay ng isang baldeng tubig.

"Hello, chairman Chu!"

"Kilala mo ba si Ye Bai? Tapos na ba ang handover?" Sa videocall, nakaupo sa isang malaki na mahogany chair si chairman Chu.

Walang awa na tiningnan ni Zhou Wen Bin si Ye Bai at sinabi, "Andito kasi siya at gusto ko sanang pagusapan ang issue na ito!."

"Ano yun? May problema ba?" napansin rin ni chairman Chu si Ye Bai sa videocall.

"Chairman Chu, binasa ko ulit ang dokumento para sa handover at ang napiling artista ni Ye Bai ay isang artista na nakapangalan sa akin. Nasa akin na ang artistang ito ng tatlong taon na at ang kontrata namin ay hindi pa natatapos. Labag sa patakaran na makipag palit ng manager sa kalagitnaan ng kontrata!"

Napaisip ng ilang saglit si Chu Hong Guang. "Yung Luo Chen ba yun? Hindi naman sikat na artista yun--- ibigay mo na lang siya! Paano naging labag sa patakaran 'yon?"

Sumagot si Zhou Wen Bin sa iisang ekspresyon, "Masasayang ang resources ng kumpanya kung mapupunta lang ito sa walang kwentang artista na tulad niya! Hindi ako sa-sang-ayon sa pananaw ni Ye Bai!"

Hindi makapaniwala si Luo Chen sa sinabi ni Zhou Wen Bin, pero ang lalaking iyon, ay mukha pa ring kalmado. Tiningnan niya si Zhou Wen Bin na may pangangasar sa kanyang mga mata.

"Pinili niya si Luo Chen at sumang-ayon ako doon." mukhang hindi magbabago ang isip ni Chu Hong Guang at halata naman na wala siyang paki kung masayang ang ilang resources ng kumpanya.

Nandilim ang paningin ni Zhou Wen Bin na para bang tinira ng pana ang kanyang puso, Sinusubukan niya pa ring baguhin ang isip ng boss niya, "Nilalabag ni Ye Bai ang polisiya ng kumpanya at nilalagay niya sa pangit na lugar mga artistang may potential para mabigo sila. Bilang direktor, hindi ko hahayaang mangyari ito!"

Pinakita ni Zhou Wen Bin na kunware ay maintindihin siya at sinusubukan niyang ayusin ang problema. "Ganito na lang chairman Chu, ibibigay ko sa kanya si Lin Hao-- namumukod tangi si Lin Hao bilang supporting role sa nakaraang movie at sumikat rin siya dahil doon. Kung mapapa-sakanya si Lin Hao, hindi siya mahihirapang makapasok sa B-list…"

Sa tono ng boses ni Zhou Wen Bin, iniisip niya lamang ang ikabubuti ng kumpanya at nagbigay rin siya ng solusyon-- walang magsususpetya na may malibog siyang intensyon kay Luo Chen.

Kailangan pang galingan ni Ye Bai kung gusto niya akong talunin!

"Ye Bai, gusto raw ibigay ni Wen Bin si Lin Hao sayo. Ano sa tingin mo?" tumingin si Chu Hong Guang kay Ye Bai.

"Makikipag-palitan siya? Sige!" Nakakagulat dahil walang problema dito si Ye Wan Wan.

Lumiit ang mga mata ni Zhou Wen Bin-- pumayag agad siya ng ganun lang?

Akala ni Zhou Wen Bin ay magre-reklamo si Ye Bai kay chairman Chu dahil sa sinabi niya, akala niya na sasabihin ni Ye Bai na nagpupumilit si Zhou Wen Bin kay Luo Chen.

Binalot ng kadiliman ang mukha ni Luo Chen nang marinig niya ang sinabi ni Ye Bai. Para bang tumalon ang kanyang puso galing sa mataas ng gusali...

avataravatar
Next chapter