webnovel

Ang pakiramdam ng kaginhawaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita ni Xu Yi ang nangyayari sa likod at biglang namula ang kanyang mga pisngi sa nakita kaya agad niyang iniangat ang partisyon sa kotse.

Diyos ko, bakit parang may mali sa nakikita ko na kasama ni master si Ye Wan Wan na suot ang school uniform niya?

Hinila ni Ye Wan Wan si Si Ye Han patungong Wan Chun Hall at bago pa man makarating sila ng magarang mall sa baba, naggala muna sila.

Madali nilang napili ang mga ireregalong herbal supplements at ilan pang mga gamot na pampalakas. Buti na lang katulong niya si Si Ye Han na pumili ng mga magagandang klase nito. Sa mausisang pagtingin ni Si Ye Han sa mga gamit na ito, naging maayos at mabilis ang lahat.

Sa katunayan nga, hindi naman talaga mahalaga kung anuman ang dalhin niya sa matanda. Lahat lang ng mga iyon ay tanda ng kanilan paggalang sa kanya.

Matapos makapamili ng mga regalo, marahang umandar na ang kanilang kotse patungo sa lumang bahay ng pamilyang Si.

Makalipas ang isang oras, tumambad sa mga mata ni Ye Wan Wan ang isang pamilyar na kapaligiran.

Isang asyenda na nakaayon sa estilong pangTsina, makaluma ngunit magara. Nang makapasok ang kotse sa isang malaking tarangkahan, nagpatuloy ito sa pagandar ng halos sampung minuto bago makarating sa pangunahing loob ng bahay.

Sa pintuan ng bahay naroon ang matandang tagapamahala ng bahay na nakasuot ng tuwid at wala man lang kagusut-gusot na uniporme at gintong bilog na salamin sa mata, at naghihintay na sa kanilang pagdating.

Nang makita ang paparating na kotse ni Si Ye Han, umabante ang matandang tagapamahala, yumuko at bumati ng buong galang, "Aming 9th master!"

"Hm." ang tanging naging tugon lamang ni Si Ye Han na wala man lang kahit na anong bakas ng ekspresyon sa mukha.

Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang matanda habang nasulyap sa babaeng katabi ni Si Ye Han.

Hindi naman palakaibigan si young master, kadalasan pa laging paiba-iba siya ng reaksyon at saka kinamumuhian niya talaga ang kahit na sinong babaeng lumalapit sa kanya. Noon pa man, sinubukan na ni old madam na gumawa ng paraan para mapalapit si young master sa mga babae pero ang lahat ng iyon ay nauwi sa wala.

Pero ngayon, meron na nga talagang kasintahan si young master at nagawa pa niyang dalhin siya rito sa bahay! Hindi lang ito nakakagulat para kay old madam, maging ang lahat ng katulong sa bahay ay hindi rin makapaniwala.

Nang makita niya ang babae sa tabi ni young master na nakasuot ng school uniform, lalo pang nagulat ang matandang tagapamahala.

Nahulog ang loob ni young master sa mas bata sa kanya?

Akala niya mahuhulog ang loob ni young master sa mga babaeng katulad ni Miss Ruoxi na siyang elegante at sopistikado.

Gayunpaman,kahit na mukhang bata pa ang babaeing ito, may maaliwalas siyang mga mata, matikas na tindig, at magandang mukha, kahit walang nakalagay na kahit na anong kolorete.

Sa hitsura pa lang niya, mukhang bagay sila ng young master pero hindi pa rin sigurado ang matanda sa kung ano ang ugali nito.

Kahit na dinala siya ng personal ng young master, nanatili pa ring magalang ang inasal ng matandang tagapamahala ng bahay. Agad siyang tumango at bumati, "Palagay ko ikaw na nga po si Miss Ye. Hello, ako po ang tagapamahala ng bahay na ito, ang pangngalan ko'y Zhong Li. Ikinigagalak kong makilala ka."

"Hello po, tagapamahalang Zhong." magalang na bati ni Ye Wan Wan.

Habang nasa loob ng bahay sa unang pagkakataon, mas minabuti niyang magsawalang-kibo na muna.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang matandang tagapamahal ng bahay at nadala sa kanyang emosyon. Sa dati niyang bahay, hindi ganun ang kagalang ang matandang ito noong unang beses nilang magkita.

Noon, kapag nakita siya ng matandang tagapamahala na suot ang kayang kulay berdeng peluka at sobrang kapal na kolorete sa mukha, bigla na lang nagkukulay berde ang mukha nito at saka hahawakan ang dibdib. Animo'y hihimatayin sa nakita.

Kumpara kay old madam Si na maayos pa rin na kumausap sa kanya sa kabila ng hitsura niya, kakaiba pa rin ang matandang tagapamahala!

Napansin ng matandang tagapamahala na masunuring nakatayo si Ye Wan Wan sa tabi ni Si Ye Han, tahimik lang at mahiyain kaya lalo pa niyang nagustuhan ang dalaga. "9th young master, Miss Ye, madali po kayo sa loob, buong araw nang naghihintay si old madam!"

Sa wakas, nang makatungtong muli siya sa lugar na ito, nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan at mahigpit na tinikom ang kanyang kamao nang hindi inaasahang bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari sa anakaraan...

Kaya ko nga ba talagang mabago ang lahat sa buhay kong ito?

Nang papasok na si Si Ye Han, bigla siyang napatigil at may kung anong tumigas sa kanyang gulugod.

Tahimik na ibinibaba at inilingo ang kanyang mga mata, napansin niyang nakahawak ng mahigpit na mahigpit ang babae sa kaliwang kamay niya.

Nang matigilan si Si Ye Han, napagtanto ni Ye Wan Wan na dahil ito sa kabang nararamdaman niya, hihilahin niya talaga ng mahigpit ang kung anumang mahawakan niya. At iyon ay ang kamay ni Si Ye Han.

Bahagyang nahiya si Ye Wan Wan, na tila gustong bawiin na ang kanyang kamay.

Bago pa man siya makagalaw, mahigpit na ring humawaka ang binata sa kanyang kamay at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Ramdam ang mainit na palad ng binata na parang isang sutlang kukun na nakapalupot sa kanyang kamay, nakaramdam siya na kakaibang ginhawa kahit na ang taong nasa tabi niya ay siyang tao rin na pinakakinatatakutan niya...

Next chapter