742 Ang pakikipagtalunan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Boss Ye, ano ang mga gaganapin naming roles ngayon? Ekstra pa rin ba kami? Pwede mo ba kaming bigyan ng mas magandang roles? Sa tingin ko, pwede ako maging martial arts superstar. Mas maganda kung cross-dresser ang martial arts superstar. Pwede akong gumanap bilang isang babae bayani… demonyong babae… tanyag na babaeng bandido o babaeng heneral, at iba pa!" Dali-daling lumapit sj Spray of flowers na may suot na pantaas na may matingkad na pula ang kulay at mas maganda pa siya sa isang normal na babae.

"Ako rin!" Tumaas ang kamay ng dayuhan na tagabuhat ng bricks.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang kakaibang grupo ng mga nilalang at waoa siyang masabi.

Para kay Ye Wan Wan, kakaiba at orihinal ang itsura ng munting deboto at ni Spray of Flowers; kapag sumailalim sila sa transpormasyon… magiging sikat silang mga baguhan. Gayunpaman, maganda naman kasi ang kanilang pundasyon.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang buong silid. Ang kwalipikado sa lahat ay ang gwapong taong yelo, na nasisiyahan sa pagkukunwaring patay, at gayundin si Nameless Nie...

Makakatanggap siguro ng best actor award ang taong yelo, kapag pinahintulutan siya ni Ye Wan Wan na umarte na patay, pero kapag umarte siya ng ibang roles, kalimutan niya nang mananalo siya sa kahit ano.

Ngayon lang nakakita si Ye Wan Wan na taong sobrang tamad, at siya ang taong yelo...

Si Nameless Nie naman ay may imahe na parang isang "sunshine boy" - gwapo ang itsura niya at kapag nagsalita siya, kaya niyang talunin ang mga batang baguhan na artista ng isang segundo lang.

Lumiwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan habang tinititigan niya ang grupo na ito dahil sa kaisipan na iyon - bakit ngayon niya lang ito napansin?!

Mga tagong yaman ang mga taong ito!

Malakas ang kumpyansa ni Ye Wan Wan na aayusin niya ang mga ito kapag pumirma sila ng kontrata para maging artistang hahawakan niya.

Syempre, opinyon niya palang ito…

"Boss Ye, natandaan ko na ang city H ay bansa na nakikipagpustahan ng mga mamahaling bato - nag-film ba kayo ng isang palabas tungkol sa spekulasyon sa mga mamahalin na bato?" Tinanong ng deboto dahil nagtataka siya.

Bumalik na sa tamang pag-iisip si Ye Wan Wan. Lumiwanag ang kanyang mata ang ngumiti siya. "Sa totoo lang, hindi ko kayo pinapunta dito para mag-shoot ng palabas or drama serye. Gusto kong maging bodyguards kayo."

"Bodyguards?"

Nagtinginan ang deboto at si Spray of Flowers nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan.

"Hindi mo sinabi ang totoo, boss Ye. Inakala namin na gagawa ka ng palabas dito!" mabigat ang loob ni Spray of Flowers. "Kailangan naming taasan ang kabayaran mo sa amin kung gusto mo kaming maging bodyguards… hindi sapat ang $2,000."

"Tama! Dagdagan mo ang bayad mo sa amin!" Paulit-ulit na tumango ang dayuhan na taga-buhat ng bricks.

"Dadagdagan ang kabayaran!?" Sumimangot at tiningnan sila ng masama ni Nameless Nie.

Biglang tinikom ng deboto at dayuhan ang kanilang mga bunganga nang marinig nila ang sinabi mi Nameless Nie.

"Ganito iyon, Famous Ye - may mga patakaran kami at isa doon ay bawal kaming maging bayolente at bawal rin kaming gumawa ng kahit anong ilegal. Hindi namin ito gagawin kahit mamatay pa kami sa gutom." Biglang humaharap si Nameless Nie sa deboto at kay Spray of Flowers. "Tama ba ako o hindi?!"

Deboto: "Tama."

Spray of Flowers: "Tama."

Mabigat ang loob ng dalawang ito.

Nakahanap na nga sila ng trabaho na may plane tickets, pagkain, tulugan na naibibigay at ang bawat isa sa kanila aay kikita ng $2,000 - kailangan lang nilang maging bodyguards, 'di ba? Tapos, hindi nila ito pwedeng gawin…?

Ang galing, sinayang lang ang oras.

"Sigurado ka?" Ngumiti si Ye Wan Wan at tinitigan niya si Nameless Nie.

"Oo naman, sigurado ako." Desedidong tumango si Nameless Nie.

"Sige." Tumango si Ye Wan Wan at sinabi, "Kailangan mong maghanap ng ibang tao na magkukunwaring magulang ng pamangkin mo. At tsaka… tinandaan ko ang number ng pamangkin mo… paano kung lasing ako at sinabi ko sa kanya na naghanap ang tito niya ng mga taong magkukunwaring magulang niya…? Hindi mo ako masisisi sa gagawin ko, 'di ba?"

Patuloy na nakatayo sa iisang pwesto si Nameless Nie pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Kapag nalaman ni little devil na naghanap ako ng mga taong magkukunwaring magulang niya...

avataravatar
Next chapter