563 Ang pagsubok

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paminsan minsan ay tinitingnan ni Ye Wan Wan, mula sa upuan ng mga manonood, si Eleven at bigla siyang napakunot.

Madalas na kasama ni Ye Wan Wan si Eleven at napansin niya na maraming bumabagabag sa isip ng lalaki. Makikita sa kanyang itsura na nawawalan siya ng kumpyansa sa sarili.

Binabanggit ni Ye Wan Wan minsan ang napapansin niya kay Eleven ngunit, nananahimik lang at hindi umiimik si Eleven sa ganitong usapan.

Sa oras na ito, mahigpit ang pagkakadiin ni Eleven sa kanyang kamao at walang tigil na kumukurap kurap si Eleven.

Noon pa man, hindi pursigidong magsanay si Eleven kahit nais niya maging punong kapitan.

"Kaya ko ba talaga…" himugpit ang pagkakasara ng kamo ni Eleven.

Pagkatapos nito, dahan-dahan na naglakad si Qin Ruo Xi habang si Yuan Sheng ay nakasunod sa kanya.

"Bakit andito ka, Miss Ruo Xi?" Naglakad papunta sa kanya si Liu Ying nang makita niya si Ruo Xi.

Kalmado na nakangiti si Qin Ruo Xi at sinabi, "Para suportahan ko kayo."

Makikita ang bakas ng galak sa mga mata ni Liu Ying. "Miss Ruo Xi, hindi magkakaroon ng aksidente sa kompetisyon ngayong taon."

Tumango si Qin Ruo Xi at nakipag-usap nang sandali kay Yuan Sheng bago umupo sa upuan ng mga manonood.

"Hehe… kapitan Liu Ying, kailangan mong turuan ng leksyon si Elven, ha." Pagkaalis ni Qin Ruo Xi, humarap si Yuan Sheng kay Liu Ying at tumawa.

Walang masabi si Liu Ying noong oras na iyon.

"Isang beses ko lang sasabihin ang rules, bago magsimula ang kompetisyon." Sinuri ni Xu Yi ang buong lugar at sinabi, "Lahat ng bodyguards ng Si family ay may karapatang makipaglaban para sa posisyon ng team leader. Kapag nanalo kayo sa kompetisyon ng team leader, maaari niyo nang tanggapin ang hamon na makipaglaban para sa posisyon ng punong kapitan. Pagkatapos ng kompetisyon, ang panalo ay magiging punong kapitan. Pwede kayong gumamit ng kahit anong armas sa loob ng ring maliban na lang sa sneak attacks at firearms, bawal ang mga ito naiintindihan?"

"Opo."

Sabay-sabay na sumagot ang lahat ng Dark Team bodyguards.

"Good." Tumango si Xu Yi at humarap siya sa ilang mga mataas na miyembro ng Si family. "May gusto pa ba kayong idagdag?"

"Wala na." Sumagot ang isang mataas na miyembro.

"Okay, kung wala nang kailangan sabihin, simulan na ang kompetisyon." tumango si Xu Yi at naglakad palabas ng ring.

Walang nag-ingay na bodyguard noong umalis si Xu Yi.

Kahit sinong bodyguard ng Dark Team ay pinahihintulutan na sumali sa hamon, ayon sa mga rules. Kakaunti lamang ang gustong sumali nang sinabi niya iyon.

Hindi pwedeng maliitin ang lakas ng bawat team leader kaya mahirap silang talunin.

Kapag maliit ang tsansa na manalo ka at kapag nabigo ka, katumbas nito ang pamamahiya mo ng iyong team leader, baka kalabanin ka pa niya pagkatapos ng hamon. Mahigpit ang pagsubok kapag may isang tao na pinapahirapan ang buhay mo araw-araw.

"Magaling ka 'di ba? Bakit hindi mo hamunin ang lider ng Dark Team 4?" May isang bodyguard na humarap sa katabi niyang batang babae at bumulong siya.

Taimtim na umiling ang babae. "Hindi ko gagawin iyon, malamang. Kilala ang leader ng Dark Team 4 bilang isang mabagsik na lider at kapag nabigo ako sa laban, magtatanim siya ng sama ng loob sa akin, sasabihin niya na ako ang kumuha ng posisyon niya… kapag naghiganti ka, hindi kita…"

"A...a.. ako na lang!"

Biglang naglakad papunta sa ring si Bulol at tinuro niya ang lider ng Dark Team 3. "Gu… gus...gusto ko… hahaha-hamunin… ang… lider ng… Dark Team… Ttt-team 3!"

Nabigla ang mga bodyguards nang makita nila ito.

Bulol na magsalita at hindi kilala ang lalaking ito, pero sinubukan niya talagang hamunin ang lider ng Dark Team 3, bagkus sa kanyang disabilidad.

Tumayo ang malakas at matipunong lider Dark Team 1 at naglakad siya patingo sa ring, tiningnan niya rin ng malakas si Bulol.

"Gusto mo akong hamunin?" Nangutya ang lider ng Dark Team 3.

"Ooo-oo… tama… tama… tama… tama ka!" Tumango si Bulol.

avataravatar
Next chapter