854 Ang pagsilang ng bagong CP

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang mga minuto na ang nakalipas nang ibinahagi ni Han Xian Yu ang post ni Ye Bai at naging dahilan ito ng kaunting kaguluhan.

[Ow ow ow! Nag-post na din ang little angel Xian Yu sa kanyang Weibo matapos mawala ng matagal! Teka teka… anong nakita mo? Nag-share ba ng post si little angel mula sa boss ng Age of Immortals, si Ye Bai?

[Nakatira ang mga tigre sa gubat at nararapat ang mga dragon sa malawak na karagatan - sobrang mapagmataas nito! Kahit na sinabi 'to ni Xian Yu, mukhang magaling talaga ang hottie na ito, huh!]

[Susuportahan ko kung sinuman ang sinusuportahan ni Xian Yu. Susuportahan ko si Ye Bai!]

["Hangga't kailangan mo ako, nasa tabi mo lang ako habang buhay! Nakakapukaw ito, ahhhh! Parang nakakapanood ako ng bagong silang ng bagong CP!]

[Aiyo, t*ngina. Teka lang, 'yung nabalitang baklang kapares ni little angel Xian Yu, na sobrang lapit niya dito, si Ye Bai-ge ge ba ito? Kung ganoon, tunay na pagmamahal ito!]

Simula ng matapos ang kaso sa pagmolestya sa bata, pinagtuonan ng pansin ni Han Xian Yu ang pag-aarte at madalang lumabas sa publiko at sa media. Hindi siya madalas na magpost sa kanyang Weibo at napagtanto ng mga tagahanga sa mga madalang niyang pagpopost lagi siyang may binabanggit na isang tao.

Halimbawa:

[May nagsabi sa akin na mas gwapo ang kaliwang mukha ko?]

[Hinayaan kong hulaan ako ngayon. Sa huli, kaya niya lang basahin ang ibang tao at hindi ako.]

[*cough* Kapag lasing ang isang tao, talagang… hindi ito malalarawan…]

Sinusuri ng mga tagahang ni Han Xian Yu tungkol sa "tao" na lagi niyang binabanggit, at ngayon, inugnay nila ito kay Ye Bai. Tutal, matapos ang insidenteng iyon, madalang lang pag-usapan ni Han Xian Yu ang kanyang mga kaibigan bukod sa isa...

Sa conference room:

Nang makita si Han Xian Yu, nangasim ang itsura ni Cai Yongsheng.

Nakita niya lang ang post na binahagi ni Han Xian Yu!

Nanuya si Cai Yongsheng at tumingin kay Han Xian Yu. Madilim niyang sinabi, "Nagtataka ako kung sino iyan - ang superstar pala natin na si Han! Tama nga, kapag sumikat ang isang tao naninigas ang mga pakpak nila - talagang nilabag niya ang mga utos ng kumpanya at binahagi ang Weibo post na iyon, publiko niyang sinusuportahan si Ye Bai! Ano bang iniisip mo, eh?"

Malamig na sumulyap si Han Xian Yu kay Cai Yongsheng. "Wala kang pake kung paano ako magtrabaho."

"Ikaw…" napahiya si Cai Yongsheng at namula ang kanyang mukha. Pinagduruan niya agad si Han Xian Yu at sumigaw, "HAN XIAN YU, SINUSUBUKAN MO BANG MAGREBELDE TULAD NI YE BAI, HUH?! Kung sinusuportahan mo siya, bakit hindi mo na lang siya samahan sa pag-alis sa kumpanya!"

Nang marinig iyon ni Han Xian Yu, walang bahala siyang tumugon, "Sige."

Sa sandaling sinbi iyon ni Han Xian Yu, natahimik bigla si Cai Yongsheng at nanigas ang katawa-tawa niya mukha. Nabalot din sa katahimikan ang buong silid.

Ito...

Hindi nila inasahan ang pangyayari...

Natuliro si Cai Yongsheng. Sobrang pula na ng kanyang mukha. "Han Xian Yu, ikaw… anong ibig mong sabihin…"

Malamyang tumugon si Han Xian Yu, "Ang literal na kahulugan no'n - hindi ba pinapaalis na ako ni Direktor Cai sa kumpanya?"

"I… I…" nag-umpisa nang tumulo ang malalamig na pawis.

Masyado nang pinigilan ni Cai Yongsheng ang kanyang galit at hindi na nagtangka pang maglabas ng galit sa top management at shareholder, kaya pinili niya ang isang bagito at naglabas ng galit kay Han Xian Yu.

Sinong nag-akala na si Han Xian Yu, na laging marahan at madaling pakisamahan, ay magkakaroon ng marahas na ugali ngayon...

Kahit sikat sila Luo Chen at Gong Xu sa sandaling ito, madali lang sila mapalitan ng mga baguhan. Habang si Han Xian Yu ay parang ambassador ng Worldwide Entertainment. Matapos na maresolba ang nakakaligalig na kaso, nagkaroon ito ng malaking epekto sa lipunan dahil sa makawanggawa siya pero napagbintangan at nasira ang puri niya ng iba. Ngayon, hindi mapapantayan ang kanyang popularidad at pabor ng publiko sa buong entertainment industry.

Ang ilang mga tao na umalis kasama si Ye Bai ay agad nang binugbog si Cai Yongsheng; kung papalasin niya din si Han Xian Yu, matatapos na siya!!!

avataravatar
Next chapter