566 Ang pagpigil at balanse

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga manonood, tiningnan ni Ye Wan Wan si Xu Yi at sinabi, "Xu Yi."

Naglakad si Xu Yi patungo kay Ye Wan Wan at ngumiti siya. "Miss Wan Wan."

"Ang basehan lang ng pagpili ng leaders ay ayon sa kanilang kakayahang makipaglaban?" nagtaka si Ye Wan Wan.

Magulong paraan ang pagpipili ng team leader at punong kapitan nang gamit lamang ay ang kakayahan nilang makipaglaban.

"Ito nga po ang basehan natin Miss Wan Wan. Kada-taon nang ganito ang rules ng kompetisyon at si master mismo ang gumawa nito noon pa man," pinaliwanag ni Xu Yi.

"Si Ah-Jiu ang gumawa ng kompetisyon na ito?" Makikita ang gulat sa mga mata ni Ye Wan Wan.

"Hindi ba dapat kasama rin sa criteria ang ibang uri ng lakas tulad ng kakayahang maging leader… pakikisama at pagkakaisa… at ang lebel ng katapatan nila at iba pa?" Sinabi ni Ye Wan Wan ang kanyang opinyon.

Napangiti si Xu Yi sa sinabi ni Ye Wan Wan at tiningnan niya ang lahat ng bodyguards na nakapaligid sa kanila sabay sinabi niya, "Miss Wan Wan, tingnan mo ang lahat ng mga bodyguards. Ang bawat isa sa kanila ay mas malakas pa kumpara sa isang ordinaryong tao… at bilang miyembro ng Dark Team, ang ilan sa kanila ay mga takas lamang at muntikan nang malagay sa peligro ang mga buhay nila noon…"

"Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi siya naunawaan ni Ye Wan Wan.

"Miss Wan Wan, sa tingin mo nakikisama ng maayos sa isa't isa ang iba't ibang teams?" Tanong ni Xu Yi.

"Mukhang hindi eh," totoong sumagot si Ye Wan Wan.

"Natural lang iyon." Sabi ni Xu Yi, "Kaya mahusay ang inisip ni master - kontrolado ng Si family ang buong Dark Team. Ang mga sitwasyon sa ngayon at ang mga utos ay galing sa matataas na tauhan; ang gagawin lamang nila ay sumunod at gumawa. Ang pinaka-importanteng bagay, tulad nga ng sinabi mo Miss Wan Wan, ay ang katapatan."

Napaisip ng saglit si Xu Yi at nagpatuloy siya, "Maliban pa sa ilang misyon ng Si family, kailangang maging pangunahing responsibilidad rin ng Dark Team ang seguridad ng Si family. Halos 1000 ang mga miyembro ng Dark Team at magkakatrabaho ang bawat isa kaya kapag may nag rebelde… sama sama silang magrerebelde sa Si family. Ngayon, ano ang mangyayari sa Si family kung ganoon?"

Napakunot si Ye Wan Wan. Hindi niya ito naisip noon.

"Kaya tinatag ni master ang kompetisyon para makikipaglaban sila sa posisyon ng team leader at punong kapitan, sa gayun ay walang mabubuo na samahan dahil sa kompetisyon ng mga bodyguards, kasama rin si Liu Ying sa mga makikipagtuos. Noong punong kapitan si Liu Ying, ang mga lider at miyembro niya ay makisig siyang sinusunod ngunit sa saloobin nila, sinong hindi nakapag-isip na nais nilang patayin si Liu Ying para sa posisyon niya?" Ngumiti si Xu Yi. "Walang samahan na mabubuo sa mga guwardiya ang ginintuang pamamaraan ni master - kapag may kompetisyon, mayroong pagtigil ng pwersa at balanse ang patakaran, kapag may pagtigil at balanse… kontrolado namin ang lahat ng guwardiya."

"Maraming tao ang tulad nila Leven at Feng Xuan Yi - mga tao na gustong umangat ng posisyon. Ngunit iba sila Eleven at Feng Xuan Yi dahil malakas ang loob nila na sabihin ang gusto nilang sabihin, ang ibang mga bodyguards naman ay hindi interesado na makipag-kompetensiya pero alam nila ang nais nilang gawin kahit hindi nila ito sinasabi."

Matagal bago mapagtanto ni Ye Wan Wan ang ibig sabihin ng plano ni Si Ye Han.

At kung makuha ni Eleven ang posisyon ng punong kapitan ngayon, mas maraming tao ang magkakaroon ng intensyon na talunin si Eleven sa hinaharap.

Ang magagawa lang ni Eleven ay ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay upang harapin niya ang darating na hamon sa hinaharap.

Kaya sino ang magtatangkang mag rebelde kapag maraming inaalala ang mga miyembro nila na tulad nito?

Kaya walang kaguluhan ang mga tauhan ni Si Ye Han ay dahil sa ginintuang pamamaraan na ito ni Si Ye Han...

Buong puso na sumang-ayon si Ye Wan Wan sa paraan ng pag-iisip ni Si Ye Han.

Gayunpaman, libo ang mga bodyguards ng Si family at kapag binayaran sila para magrebelde at saktan ang Si family, malaking kasiraan ang kalalabasan nito.

Ngunit hindi sila magkakaisa dahil sa ginawang rule ni Si Ye Han.

Kahit na babayaran man ang punong kapitan para mag rebelde, may ilang mga team leaders pa na iba't iba ang plano nila...

Kaya imposibleng mangyari ito...

avataravatar
Next chapter