985 Ang pagpatay sa Beginner Village

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa may Little Rose Garden.

Matapos ipadala ni Ye Wan Wan so Jiaojiao, naghahanda na siya magpatuloy samahan si Tangtang.

Gayunpaman, nag-aalala pa rin siya.

"Isyu ba ang ipadala ko mag-isa si Jiaojiao?" taimtim na tinanong ni Ye Wan Wan.

Tumango ang mataba na nasa kanyang tabi. "May isa lamang isyu…"

"Ano?" tanong ni Ye Wan Wan bilang tugon.

Bahagyang umubo ang mataba. "Maaaring… may mawalan ng buhay…"

"Mamatay ang mga tao?" simangot ni Ye Wan Wan. Hindi niya maiwasang mapa-isip kahit na si Jiaojiao ay isang magaling na manlalaban, ang kabilang partido at kakaiba rin...

"Master, noong unang matututong makipaglaban si Jiaojiao, madali siyang mawlan ng kontrol at hindi napipigilan…"

Sinubukang magtanong ni Heidi, "oh tama. Master, sino ang kalaban?"

"Siguro, ang leader ay isang trainer bf provincial Chinese boxing team at ang iba ay mga batikang miyembro…" sagot ni Ye Wan Wan.

Ganap na natahimik ang apat...

Ito ay tulad… ng isang ganap na lebel ng account sa pagpatay ng isang baguhang village...

Samantala…

Sa may filming location, walang nakakita kay Ye Bai sa halip, nakita nila ang isang batang babae na lumabas sa sasakyan.

Nakasuot ng pink na uniporme ng katulong na may nakakaakit na tali. Siya ay isang buhay na bersyon ng isang loli.

Ang lahat ay naghintay, iniisip na mayroon pang lalabas mula sa saksakyan, pero sa huli, ang munting loli lang tanging lumabas.

Minata ni Zhang Wei at ang kanyang mga tauhan ang munting loli. Anong nanagyayari?

"Bakit isang maliit na bata ito?"

"Tanging isa lamang siyang tagabalita. May iba pang nakasunod sa likod!"

Madaling tinanong ni Ye Mu Fan ang babae na naglalakad paharap. "Sino ka? Nasaan si Ye Bai?"

"Inutusan ako ni Ye Bai na pumunta!" Sagot ni Jiaojiao.

Bumulong si Ye Mu Fan ng siya ay nagtanong, "kung gayon nasaan siya… ang tutulong na kinuha niya?"

Kumurap si Jiaojiao. "Ang ibig mo bang sabihin ay ang taong na mag-aayos ng sitwasyon?"

Tumango si Ye Mu Fan. "Oo, tama…"

Tinulak ni Gong Xu si Ye Mu Fan sa tabi at mabilis na nagtanong, "bakit mag-isa ka lang? Nasaan na ang mga tao ni boss? Nandito kaba para magpadala ng mensahe?"

"Hey, hindi ba dapat patay kana?" Nagtatakang tanong ni Jiaojiao ng makita niya ang mukha ni Gong Xu.

Gong Xu: "Ano?"

Napayuko ang ulo ni Jiaojiao sa pagtataka. "Hindi ba nagpakamatay la kasama ang matandang si Miss Shen?"

Naintindihan na ni Gong Xu sa wakas ang ibig sinasbi niya at biglang nakaramdam ng pagkapahiya. "Bata… palabas lang sa TV iyon… Hindi iyon totoo… ilang taon kana? Hindi mo ba alam ang kaibahan ng telebisyon at totoo?"

Nakaramdam ito ng pagkasabik. Ito ang unang beses na may nanunod ng kanyang palabas...

"Hindi… balik tayo sa seryosong business. Sino ka talaga?! Nasaan ang kinuha ni Ye-ge para tumulong?" Dali-daling tinanong ni Ye-ge.

"Kung tinatanong mo yung tao na dapat mag-aayos ng lahat, ako iyon at wala ng iba." Sagot ni Jiaojiao.

Gong Xu: "…"

Ye Mu Fan: "…"

Luo Chen: "…"

Ang buong paligid ay sandaling natahimik.

"Ikaw… ang mag-aayos ng lahat? Nagbibiro ka lang, diba?" Buong pusong hinintay ni Gong Xu si Ye-ge upang daanan ang isang bahaghari na may libong sundalo at kabayo para iligtas siya, pero ngayon, siya ay hindi makapaniwala.

Inalagay ni Ye Mu Fan ang kanyang kamay sa kanyang ulo. "Bata, huwag kana magbiro pa! Ano talaga ang nangyayari?"

Anong meron kay Wan Wan? Paanong magpapadala siya ng batang babae na tila kulang sa edad sa ganito ka delikadong lugar...

Ng marinig ni Zhang Wei at ng kanyang mga tauhan ang kanilang usapan, sila ay nagulat sa una saka nagsimulang tumawa ng malakas.

"Hahahaha… anong sabi ng bata? Siya ang mag-aayos ng mga bagay?"

"Hahaha, mamamatay ako sa kakatawa! Magpapadala ng isang katulong mula sa bahay upang ayusin ang mga bagay bagay!"

avataravatar
Next chapter