168 Ang pagliligtas ni Daddy Jiang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakatayo si Ye Wan Wan ng may kalayuan habang pinapanuod si Shen Meng Qi na bumagsak sa sahig.

Matapos ang ilang oras, lumapit si Ye Wan Wan na bakas ang hinagpis sa kaniyang mukha at mahina niyang sabi, "Meng Qi… paano nangyari ito… paano mo nagawa ang ganong bagay…?

Paano ang kapatid ko? Iniwan mo na lang din ba siya dahil wala na siyang pakinabang sayo?

O… hanggang ngayon panakip butas pa din ang kapatid ko?

Tila ba nagising si Shen Meng Qi ng marinig niya iyon.

Hindi niya inaasahang na nanggaling sa puso ang mga sinabi ni Ye Wan Wan . At balisang nagpaliwanag si Meng Qi , "Hindi! Wan Wan, Maniwala ka sakin! Hindi lang tayo nagkakaintindihan! Paano ko naman ito magagawa kay Mu Fan-ge? Gusto ko siyang tulungan!"

Halata pa din na nagsisinungaling si Shen Meng Qi kahit na merong nang ebidensya kaya lalong pa siyang kinasusuklam ng lahat.

Sa oras na ito, tanging ang panget na si Ye Wan Wan na lang ang nakikinig sa mga panloloko ni Shen Meng Qi.

Ganito pala ang diskarte ni Shen Meng Qi-- ang akitin kung sino man ang makapangyarihan at kapag wala na itong pakinabang, maghahanap na siya agad ng kapalit.

Sa hindi kalayuan, walang imik si Jiang Yan Ran habang pinapanuod na mag isang nilalagay ni Ye Wan Wan si Shen Meng Qi sa kalunos lunos na sitwasyon. Patuloy pa din na nagpapanggap na walang alam si Shen Meng Qi at balisang ipinapaliwang ang mga bagay bagay kay Ye Wan Wan.

Sa mga sandaling iyon, itinulak ni Song Zi Hang si Shen Meng Qi at tumakbo patungo kay Jiang Yan Ran na umiyak, "Yan Ran…. pakiusap patawarin mo ako… hindi ko alam… hindi ko alam na mauuwi sa ganito… niloko lang ako ng babaeng yan… hindi ko alam na meron pala siyang binabalak… sa simula pa lang inaakit na niya ako… pakiusap patawarin mo na ako…"

Sa sandaling ito, galit si Mrs Song. dahil si Song Zi Hang ay talagang naloko ng isang huwad, at ito ang nagbigay ng kahihiyan sa pamilya Song.

"Yan Ran, nakita mo iyon, ang lahat ng ito ay dahil sa b**** na ito na lumandi kay Zi Hang. Alang-alang na lang sa iyong tita maaari mo ba siyang patawarin? Sino bang lalaki ang hindi nagkakamali? Binugbog at pinagsabihan ko na siya, hindi na niya muli gagawin iyon at magiging masaya siyang kasama mo! Bumalik kana at ipaliwanag mo ito sa iyong ama; hindi natin maaring hayaan na ang isyu na ito ang magpapabagsak sa kumpanya natin.

Napakunot ng noo si Jiang Yan Ran dahil sa mapanindak na tono ni Mrs Song. "Auntie Song, Patawad, hindi ako ang pwedeng gumawa ng desisyon para sa kumpanya. Para naman sa engagement, katulad nga ng sinabi ni Zi Hang dati-- -biro lamang ito ng mga nakatatanda, hindi lang naging maliwanag sakin iyon noon."

Nang napansin niya ang katigasan ni Jiang Yan Ran, ang itsura ni Mrs Song ay naging malungkot, "Yan Ran, wala ka ba talang awa? Humingi na kami ng paumanhin sayo ngunit hindi ka pa din naaawa! Gusto mo ba talagang masira ang matagal na pagkakaibigan ng ating pamilya dahil lang sa maliit na isyu na ito?"

"Yan Ran, anong nangyari sa iyong mukha?" Rinig ang galit na boses na nanggaling sa katapat na lugar ni Yan Ran nang magsalita si Mrs Song.

Nagmamadaling pumunta si Jiang Hai Chao at nasa kaniyang likuran ang ama ni Song Zi Hang, na si Song Xiao Wei.

Nagulat si Jiang Yan Ran nang makita ang kaniyang ama habang tinatakpan ang namamaga niyang mukha, "Daddy, bakit ka nandito? Ayos lang ako...:"

Nang makita ni Jiang Hai Chao ang kaniyang pinakamamahal na anak-- na kaniyang inalagaan at hindi kahit kailan pinagbuhatan ng kamay--ay sinampal lang ng isang tao, hindi niya napigilan ang kaniyang galit, "sino ang nanakit sa iyo? Si Qian Ru Lan ba? Sinubukan ba niyang saktan ka?!"

Hindi inaasahan ni Mrs Song na darating si Jiang Hai Chao at lalo siyang nataranta at agad na nagpaliwanag, "Old Jiang, bakit ka pa nag abalang pumunta dito? May hindi lamang pagkakaintindihan dito, hindi ko sinasadyang gawin iyon. Maliit na isyu lang naman ito, hindi rin namin gustong madamay ang ibang tao dito…"

Niyakap ni Jiang Hai Chao ang kaniyang anak at galit na galit, "Tsk, maliit na isyu? Inapi ng iyong anak ang aking anak at dumating pa sa punto na tinangka niyang magpakamatay; ito ba ang tinatawag mong maliit na isyu?! Nang makatanggap kami ng tawag ng kaniyang ina, nagmadali kaming pumunta sa kaniyang paaralan. Kung hindi dahil sa nagligtas kay Yan Ran, tiyak na walang buhay na katawan na lang aming naabutan! At tinatawag mo lang itong maliit na isyu? Sa inyong paningin, maliit na bagay lang pala ang buhay ni Yan Ran! Qian Ru Lan, Song Xiao wei, sa tingin ninyo ba na mahina kaming mga Jiang?!

avataravatar
Next chapter