554 Ang pagkawala ng malinis na reputasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumurap si Qiao Ke Xin at hinawakan niya si Ye Wan Wan sa kanyang pupulsuhan at sinabi. "Tama ba ako, Little ge ge?"

Ayaw ni Ye Wan Wan na pahiyain si Qiao Ke Xin sa harap ng maraming tao kaya umubo na lamang siya at sumangayon, "En."

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, pagkatapos niyang mabasa ang online na artikulo tungkol Golden Orchid award ceremony, natandaan niya na nag-update ang website at lumabas ang iskandalo ni Qi Mei Lin na may ginawang sex party at nagtipon rin siya ng mga tao at sama sama silang humihithit ng droga.

Napaka-seryosong iskandalo ito kaya nasira ang buong imahe ng isang tinitingala at perpekto na diyosa na si Qi Mei Lin, sa mata ng mga fans niya.

Mapahamak at walang takot na tinititigan ni Qi Mei Lin ang dalawang taong pinag-uusapan siya dahil narinig niya ang pinagsasabi nila. "Ang galing mo talaga Qiao Ke Xin, ang tanda mo na pero mga bata pa rin ang gusto mo. Nakikipaglandian ka pa sa mga mas bata sayo sa edad mong 'yan! Ang galing kasi nagpagamit ka pa 'di ba? May mangyayaring masama sa akin? Gusto kong makita kung anong kalokohan ang pinagsasabi mo!"

Tanyag at impluwensyal pa rin na artista si Qi Mei Lin kahit hindi niya nakuha ang best actress award. At saka, ang Ye Group ang malakas niyang katuwang sa kanyang trabaho - may mga bagay pa ba siyang hindi magagawa ?

Diniretso ni Gu Yue Ze ang lapel niya, matayog siyang tumayo at tinitigan niya ng masama si Ye Wan Wan. "Hindi ko na aabalahin ang ginoong ito sa artista na galing sa aking kumapanya."

Kung aalalahanin natin, halos patayin ni Ye Wan Wan ang sarili niya, dahil natandaan niya kung gaano siya ka-bobo nung nabaliw siya sa pag-ibig kay Gu Yue Ze kaya ang alaalang ito ay naka-ukit sa kanyang isipan. Hindi niya pa rin makontrol ang galit sa kanyang puso sa tuwing nakikita niya si Gu Yue Ze.

Ngumiti at kaswal na nagsalita si Ye Wan Wan habang kaharap niya ang aroganteng mukha ni Gu Yue Ze, "Masyado kang mabait Chairman Gu. Hindi ako maaabala kapag andiyan ka chairman Gu - malaking kumpanya ang Emperor Sky at hindi ito masisira kahit pa mawalan kayo ng isa o dalawang artista."

Ang ngiti sa mukha ni Ye Wan Wan ay ka-parehas ng ngiti niya noong inasar niya si Gu Yue Ze noon, kaya lalong nainis si Gu Yue Ze sa kanya.

Ngunit biglang nag-ring ng napakaraming notifications, ang phone ni Gu Yue Ze kaya nawala siya sa iniisip niya.

Pilit na pinigil ni Gu Yue Ze ang galit sa kanyang puso nang binuksan niya ang mga messages sa phone.

Sa huli, nag-iba ang kanyang mukha na para bang may bagyong dadaan, nang binasa niya ang mga messages. Bigla niyang tiningnan ng masama si Qi Mei Lin pagkatapos niyang basahin ang mga ito.

"Yue Ze, ano 'yon?" Nag-aalalang tinanong ni Ye Yiyi.

Nagtanong rin si Qi Mei Lin sa kanya, "Chairman Gu, may nangyari ba?"

Ang tingin ni Gu Yue Ze kay Qi Mei Lin ay binabalot ng kadiliman at galit tinatanggal ang kapanatagan sa damdamin ng isang tao.

Hindi kaya… kumalat na ang mga pinaggagawa ko!

Hindi pwedeng mangyari iyon. Maingat ako at pasikreto kong tinago iyon sa tuwing gagawin ko ito...

Gayunpaman, nagalit si Gu Yue Ze at tinapon niya ang phone niya sa mukha ni Qi Mei Lin.

"Ah——"

Nasaktan si Qi Mei Lin noong humampas ang phone sa mukha niya kaya nagsimula siyang ngumawa at manginig sa sobrang sakit.

Nangilabot si Qi Mei Lin nang makita niya ang unang litrato sa phone ni Gu Yue Ze.

Imahe niya ito na may kasamang iba't ibang mga lalaki!

Ngunit, simula pa lang ito. May mga malinaw na imahe na nakikitang nagdo-droga siya...

Namutla ang magandang mukha ni Qi Mei Lin. Nabahala siya hanggang sa manginig ang kanyang mga daliri sa sobrang takot. "Gu… chairman Gu, tulungan mo ako! Tulungan mo ako, Director Ye!"

Sa oras na nanghingi ng tulong si Qi Mei Lin, maririnig ang mga gulat ng mga tao sa nakapaligid sa kanila.

"Uy grabe! Dali, tingnan niyo! May pasabog na balita!"

"Ang taong nasa litrato ay… ang diyosang pinupuri ng marami niyang fans - si Qi Mei Lin!"

"May orgy party at nagdo-droga pa! Malaking pasabog ito!"

...

avataravatar
Next chapter