690 Ang paghahanap ng hustisya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mahigpit na nakasara ang kamao ni Gog Xu hanggang sa lumangitngit ito. Huminga siya ng malalim at unti-unting nawala ang pagkakahigpit ng kamao niya. Hinagis niya sa lapag ang lalaki bago siya tahimik na bumalik sa tabi ni Ye Wan Wan.

Nadismaya ang lahat ng mga tauhan ng media dahil napahinto si Gong Xu...

Sa oras di na iyon, ang mga mata nila ay nakatuon sa manager ni Gong Xu.

Saan nanggaling ang taong ito? Hinarap niya ang sitwasyon na kung saan ay nilayo niya si Gong Xu sa kaguluhan...

Nakahanap tuloy ng panibagong pasabog na balita ang media.

Mabilis a sumabad ang isa sa mga reporters, "Pwede ba kitang tanungin, Director Ye?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Sige, ano yun?"

Matalas ang mga salita ng reporter. "Director Ye, noong 8pm kagabi, ibinahagi mo ang post ni Gong Xu na nagpapakita na sinasamahan mo siya - ang ibig sabihin ba nito, sumasang-ayon at sinusuportahan mo ang mga aksyon ni Gong Xu?"

Nabahala si Gong Xu nung tiningnan niya ang nahiwang braso ni Ye Wan Wan. Bigla siyang napa-kunot at namuo muli ang galit niya noong narinig niya ang tanong ng reporter na dinadamay si Ye Bai.

Hindi nagbago ang itsura ni Ye Wan Wan at simple lamang siyag sumagot sa reporter: "Oo."

Biglang ngumisi ang reporter na iyon. "Totoo nga nagsasama ang magkakaparehas ang ugali. Kaya pala ikaw ang piniling manager ni Gong Xu - parehas kayong mga halimaw na nasa iisang tribo, hindi ba? Idinaya mo ang pagiging propesyonal at ang moralidad mo para makuha ang pera at kapangyarihan. Ganito ba ang dapat na inaasal ng isang manager?"

Sumabad na rin ang ilang mga reporters. "Handa mo bang harapin ang kahihinatnan mo bilang isang sunog-sunuran ni Gong Xu?"

"Huwag kang manahimik at patuloy na magtatago lamang sa kadiliman dahil ikaw ang manager ni Gong Xu. Maging responsable ka sa mga aksyon ni Gong Xu sa harap ng media, sa mga fans at sa publiko! Bigyan mo ng hustisya ang tunay na biktima!"

Humigpit muli ang kamao ni Gong Xu at sa sobrang galit niya, bigla niyang sinigawan ang mga reporters, "Tigilan niya na ang pagpapalaki ng isyu na ito! Babalaan ko kayong lahat! Walang kinalaman ang kahit sino man sa isyu na ito! Ako ang atakihin niyo at wala nang iba!"

Gusto pang ituloy ni Gong Xu ang sinasabi niya ngunit pnatong ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay sa braso ni Gong Xu at pinatigil niya ito sa pagsasalita. Dahan-dahan na tumayo si Ye Wan Wan.

Humarap ang lahat ng mga kamera kay Ye Wan Wan nung bigla siyang tumayo.

Handa na bang manghingi ng tawad para kay Gong Xu ang manager niya?

Kapag ayaw sumunod ng artista, kadalasan ay ang manager nila ang humaharap sa ano man na isyu.

Parang hinihintay nila ang kanilang kamatayan kung hindi sila manghihingi ng tawad, lalo na at dumating na sa puntong ito ang sitwasyon.

Isa-isang tiningnan ni Ye Wan Wan ang lahat ng taong nakapalibot sa kanila, sinigurado niya na malinaw at klaro ang bawat letra sa sinabi niya, "Binanggit ng isang reporter na kailangan kong maghanap ng hustisya at kailangan na maging responsable ni Gong Xu sa mga aksyon niya. Tama siya, sa press conference na ito, ako ay naghahanap ng hustisya. Hinihiling ko sila Ling Shaozhe at Wan Shanshan ng Emperor Sky Entertainement at ang lahat ng nadawit na mga artista, na manghingi ng tawad sa mga ginawa nila kay Gong Xu!"

Sa oras na sinabi iyon ni Ye Wan Wan, binalot ng katahimikan ang buong hall.

Hindi makapaniwala ang lahat ng tiga-media.

Ano raw ang sinabi ng manager ni Gong Xu…?

Gusto niyang hanapan ng hustisya? Gusto niyang maging responsable sila Wan Shansahn at Ling Shaozhe sa ginawa nila?

Gusto niya talagang manghingi ng tawad ibang mga tao kay Gong Xu?

Nababaliw na ba ang taong ito?

Nagulat rin si Yan Jin Yuan. Galit na galit siya kay Ye Wan Wan na nag-desisyon ng walang pasabi kaya nagprotesta si Yan Jin Yuan, "Baliw ka ba, Ye Bai?! Anong pinagsasabi mo! Manahimik ka na lang!"

Ang media at kahit sila Yang Jin Yuan at ang ilang mga nakatataas ay nagulat sa sinabi ni Ye Wan Wan, kahit si Gong Xu ay natameme na rin.

Wala siyang masasabi kung pagagalitan man siya ni Ye Bai, pero hindi niya inasahan na gagawin ni Ye Wan Wan ang bagay na ito...

avataravatar
Next chapter