271 Ang pagbaliktad ng sitwasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagsisisi si Zhao Da Yong sa kaniyang ginawa, at hinarap ang mga ebidensya na ipinakita sa kaniya, sinaktan din niya ang reporter na lalong ikinagalit ng lahat.

Nabasag ang record ng bilang ng mga nanunuod ng sunod-sunod ang mga nag co-comments sa telecast.

"Wow, ang aking tatlong manunuod ay tuluyan ng naputol! Matagal napala tayong niloloko ng walang hiyang ito!"

"Napaka manyak naman niya para gawin niya ito sa kaniyang anak na babae?!"

"Talagang tinawag niya na scum si Han Xian Yu pero ang totoo siya talaga ang totoong bastardo na masahol pa sa baboy! Halimaw!"

Matapos ang lahat ng pangungutya, ang netizens ay nagsimula ng mag-isip ng ibang pananaw...

"Paniniwalaan ba natin ang ano mang sasabihin ng walang puso at malupit na bastardong iyan? Oh diyos ko! Maaring napagbintangan lang si Han Xian Yu?"

"Posible nga ito!"

"Tang*na! Halata naman napagbintangan na si Xian Yu simula pa lang, diba? Dahil lang sa sila ay mahina at mahirap, lahat kayo ay kumakampi sa kanila ng hindi muna inaalam ang katotohanan at pinagkakaitan na mag salita ang iba--kapag naman meron kaming sasabihin, sasabihin ninyo na baliw kami! Ngayon alam na ninyo kung sino ang nakakahiya, uh?"

"May rason siguro ang mga mahihirap na ito para gawin iyon. Tinutulungan ni Han Xian Yu ang kaniyang pamilya, at ngayon ay binaliktad at pinagbintangan pa si Xian Yu ng ganiyan. Kung hindi nilantad ng reporter ang tunay na kulay ni Zhao Da Yong, habang buhay na dadalhin ni Xian Yu ang kahihiyan na ito!"

"Hinintay ng aming munting feather ang araw na ito, hinintay na lumabas ang katotohanan! Inosente si Xian Yu!"

"Alam ko na hindi gagawa ng ganiyang bagay si Xian Yu!"

...

Kinagabihan sa high-class apartment:

Pinapanuod ni Fei Yang si Gao Feng na paunti-unting nilalantad ang tunay na kulay ni Zhao Da Yong. Nakita niya na ang media at lahat ng mga manunuod sa live telecast ay nagagalit kay Zhao Da Yong at marami sa kanila ay nagsisimulang pagdudahan ang mag sinasabi ni Zhao Da Yong. Nagbunga ang inis ni Han Xian Yu… agad nabaliktad dahil sa sitwasyon na ito!

Ito ay talagang hindi inaasahan!

Halos yakapin na ni Feng Yang ang laptop at napaiyak sa sobrang galit. "Xian Yu, nakikita mo ba ito? Ang opinyon ng publiko ay nagsisimula ng magbago! Nagsisimula na talagang magbago!

"Kakaiba talaga itong si Mr. Ye huh? Nag padala ng mga tao sa buong buong mundo upang manmanan ang bastardong si Zhao Da Yong, ngunit walang kwentang impormasyon lang ang nahalungkat nila tungkol sa pag-susugal, pag-iinom at pag-aabuso sa kaniyang asawa't anak. Paano eksaktong nalaman ni Ye Bai na pedophile si Zhao da Yong?"

Tinitigan ni Han Xian Yu ang screen at pinanuod ang mga sunod-sunod na mga galit na komento, kinamumuhian si Zhao Da Yong. dahan-dahan siyang sumandal sa kaniyang upuan at ipinikit ang kaniyang mata, ng hindi nagsasalita.

Kinagalitan pa din ni Fei Yang ang manyakis, "Itong bastardong si Zhao Da Yong-- akala ko sakim at walang utang na loob lang ito. Sinong mag-aakala na may mas karumal-dumal pa dito? Siya ang totoong pedophile. Ang mas malala sa walang hiyang ito ay hindi niya pinalagpas pati ang sarili niyang anak!"

Naririnig niya ang kaniyang manager na walang tigil na nagmumura, marahan na binuksan ni Han Xian Yu ang kaniyang mata at sumulyap sa kaniya, "Yang-ge… sa tingin mo pedophile ba talaga si Zhao Da Yong?"

Biglang narinig ni Han Xian Yu ng tanungin niya ito, naguluhan si Fei Yang, "Hindi ba? Sa lahat ng ebidensyang ito, paanong hindi ito magiging totoo?"

Matumal na sagot ni Han Xian Yu, "madami ngang ebidensya ngunit kung titignan mo ito isa-isa at hinusgahan sila sa pananaw ng batas, sa tingin mo mapagkakatiwalaan ang ebidensya?"

avataravatar
Next chapter