930 Ang pagbabalik ng nakaraang mamumuno?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinagabihan sa international convention and exhibition center:

Kumikinang ang mga artista sa lugar na iyon. Ang mga mega stars na parating pinapalibutan ng napakaraming fans, ay naghahanap ng pagkakataon na makalapit sila kay Ye Yiyi.

Si Ye Shao An ang kasalukuyang chairman ng Ye group at si Ye Yiyi naman ang kaisa-isa niyang pinakamamahal na unika iha. Bilang pagmamanahan ng Emperor Sky entertainment at ng buong Ye Group, natural lamang na siya ang target ng mga taong gustong makakuha ng pabor sa kanya.

Si Tan Yi Lan na kasalukuyang nakikipag-usap sa ibang mga bisita, ay biglang nag-excuse para lapitan si Ye Yiyi. "Yiyi, sinabi mo na ba kay Mu Fan?"

Ngumiti si Ye Yiyi. "Lola, sinabihan ko na siya at dadalo naman daw si Mu Fan."

"En, maganda yan." tumango si Tan Yi Lan.

Napansin niya na kamakailan lang ay nagiging progresibo na ang pamumuhay ni Ye Mu Fan. Hindi lamang siya naging mahusay sa design industry, sinimulan niya na rin ang sarili niyang kumpanya at ang magagaling ang mga artistang nakuha niya, kaya nag-iba ang tingin niya kay Mu Fan.

Kahit si Ye Hong Wei ay nahabag na rin kay Ye Hong Wei at sinabihan niya pa sila na imbitahin ang magkapatid na Mu Fan ar Ye Wan Wan sa selebrasyon ng 20th anniversary ng kumpanya.

Hindi maliit na bagay ang mga desisyon na sinasagawa ni Ye Hong Wei.

Ang ibig sabihin nito, iniisip na niya na gawing tagapamana ng yaman niya si Ye Mu Fan.

Bakit hindi alam ni Ye Yiyi at Liang Mei Xuan ang iniisip ng matanda?

Halata naman sa ugali na pinapakita ng dalawang matanda!

Habang nag-uusap sila, inabot na nila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan ang kanilang mga imbitasyon upang makapasok sa venue.

"Lola!"

Mabilis na tinawag ni Ye Mu Fan ang kanyang lola na si Tan Yi Lan nang makita niya ito, "Napakaganda mo ngayong gabi, lola. Noong nakita kita sa malayo, akala ko anghel ka na nahulog galing sa kalangitan!"

Tuwang-tuwa naman si Tan Yi Lan. "Puro kalokohan lang ang sinasabi ng batang ito!"

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at sumabad siya, "Sinasabi ni ge-ge ang katotohanan, ako mismo ang magsasabi na ito ay totoo!"

Tiningnan sila ni Tan Yi Lang at nagkunwari itong naiirita. "Kumain ba kayo ng honey?"

Biglang tumutugtog ang matamis na musika at nagsimula na rin ang panahon upang magsayawan.

Yumuko na parang gentleman si Ye Mu Fan at inunat niya ang kanyang kamay. "Ang pinakamagandang babae ng gabing ito, Ms. Tan Yi Lan, pwede ba kitang maisayaw?"

Pumayag si Tan Yi Lan at dahan-dahan silang pumunta sa dance floor.

Malakas na palakpakan ang pumalibot sa buong lugar at biglang nagbulungan rin ang mga tao.

"Aiya, hindi ba siya ang great young master ng Ye family, si Ye Mu Fan? Bumalik pa talaga siya? Hindi ba't sinabi na nila na hindi niya kayang maging young master kaya pinalayas siya ng pamilya?"

"Narinig ko ang sabi-sabi na isa siyang magaling na chairman sa kaniyang kumpanya kaya pinayagan siyang dumalo sa okasyon na ito. Pero baka mangyari ang kinakatakot ko… alam mo iyon!"

"Mukhang ang Ye family ay… ibabalik ang kanilang lumang mamumuno…"

Kinaskas ni Liang Mei Xuan ang kanyang ngipin sa sobrang galit at pinakinggan niya ang mga tsismis na nasa paligid niya.

"Halata naman na bias ang old master at madam sa pinakamamahal nilang apo!"

Walang pakialam na sumabad si Ye Yiyi, "Nagmamayabang lang si Ye Mu Fan gamit ang mabubulaklak niyang salita. Alam kong alam 'yon, ma."

Nangutya si Liang Mei Xuan, "Hng, mabulaklak lang siya magsalita pero kasing bobo niya ang isang baboy. Pinakita niya mismo sa atin ang pamato niya!"

Noon, si Ye Mu Fan ay isang walang kwenta sa kanilang sambahayan ngunit kakaunting tao lamang sa industriya ang nakakaalam nito. Pero iba na siya ngayon.

Gustong makita ni Liang Mei Xuan kung bibigyan pa ng panibagong pagkakataon nila old master at madam si Ye Mu Fan kapag pinahiya niya ang mga lolo at lola niya sa harap ng mga bisita at media sa gabing iyon...

Paparating na ang huling oras mo, Ye Mu Fan at wala kang ideya sa mangyayari - tingnan natin kung gaano katagal kang matutuwa sa gabing ito.

Natuwa si Liang Mei Xuan nang maisip niya iyon. "Yiyi, tandaan mo na kailangan mong magpamigay ng ampaw sa mga media upang 'aliwin' nila ang ating great young master Ye sa gabing ito!"

"Ma, alam ko ang gagawin ko. Nasa ayos na ang lahat ng nasa plano natin."

avataravatar
Next chapter