772 Ang pag-arte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nalaman nila na hindi pala bandits na nag-gagala ang mga iyon, ngunit mercenary bandits pala sila.

Sinabi noong panahon na iyon na tinanggap ng mercenary army ang misyon na nanggaling sa isang gang sa H city, upang kunin ang isang produkto na nanggaling sa kabilang panig.

Nang makuha nila ang produkto at inabot nila ito sa gang, sinabi ng gang na iyon na wala daw silang nakuhang produkto sa mercenary army.

Dahil maraming organisasyon at mga mercenary armies ang hinahanap ang produkto na iyon, pinagsabi ng gang sa lahat ang gagawin ng army mercenaries upang protektahan ang sarili nila sa kahit anong gulo nang makuha nila ang produkto.

Inakala ng lahat ng grupo ng mga mercenaries ang kumuha ng produkto kaya hinahanap nila ang mga ito.

Miserable ang mga mercenaries at pasalamat sa mga gangsters na iyon, ayaw nilang sumuko nang walang laban. Dumeretso sila sa H city at kinompronta nila ang gang.

Sa masamang palad, dumeretso ang mga ito sa patibong ng gang at pinagpapatay ang bawat isa sa kanila. Isa o dalawa lamang ang nakatakas.

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, narinig niyang pinaguusapan ito ng mga guwardiya ng Dark Team - ito ang dahilan kung bakit alam niya ang tungkol sa insidenteng ito.

Ang kakaibang factory na ginawa ng dayuhan na mga gangs ay nakagawa ng mga ilegal na droga at pinalaganap nila ito sa iba't ibang bansa, kasama dito ang country Z.

Napakaliit ng factory workshop na iyon - pwede nila itong iwan sa kahit anong oras nila nanaisin.

"Boss Ye, anong ginagawa natin dito?"

Tiningnan ni Spray of Flowers ang paligid at nagtaka siya.

Ang sinabi lang ni Ye Wan Wan kanina ay dadalhin niya sila sa susunod nilang misyon, pero sinadya niyang hindi sabihin ang rason kung bakit sila nandoon dahil nag-aalala siya na baka umatras silang lima. Kaya nagdesisyon si Ye Wan Wan na sabihin sa kanila ang rason noong nakarating na sila sa destinasyon nila.

"Tingnan niyo ang maliit na factory na iyon." Tinuro ito ni Ye Wan Wan.

"Nakikita ko - hindi ba't maliit na workshop lamang ito? Anong meron?" Hindi makita ng deboto kung anong espesyal sa gusali na iyon.

"Hindi ka ba nagtataka na may maliit na workshop sa lugar na ito?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.

"Kakaiba?" Umiling ang deboto, "Anong kakaiba sa gusali na 'yon? Hindi ba't gusali yan ng ilang mga lokal o mga dayuhan na gumagawa ng mga ilegal na gawain?"

"Huwag muna natin itong pagusapan. Sa oras na ito, kailangan nating umarte." Misteryosong tiningnan ni Ye Wan Wan sila Nameless Nie at ang iba.

"Aarte tayo? Maganda ito - mas maganda ito kaysa maging bodyguard!" Paulit ulit na tumango si Spray of Flowers.

"Para sa akin, mas magandang maging bodyguard na lang tayo." sumalungat ang deboto.

Taong yelo: "?"

Nairita si Nameless Nie. "Manahimik kayo!"

Mabilis na tinikom nila Spray of Flower at deboto ang kanilang mga bunganga. At para naman sa taong yelo, ang kahilingan na ito ang pinakamagandang mga salita na narinig niya.

"Famous Ye, bakit walang mga camera kung aarte tayo?" Hinintay ni Nameless Nie na manahimik sila Spray of Flowers af ang deboto, bago siya magtingin-tingin. "Wala ring production team dito… walang cameras, lights… at ang pinaka importante sa lahat, saan ang stage team na magdadala ng mga tanghalian natin?"

"Sinong nagsabi na kailangan ang mga ito para sa pag-aarte?" Inirapan ni Ye Wan Wan si Nameless Nie. Ang pakialam ng lalaking ito ay pagkain lang, eh...

"Hindi natin sila kailangan?" Napakunot ang mga kilay Nameless Nie.

"Kailangan ba natin?" Tinanong siya pabalik ni Ye Wan Wan.

"Ikaw ang boss - ikaw ang gagawa ng desisyon. Gagawin namin basta't sinabi mo. Kapag sinabi mo 'wag, edi hindi namin gagawin. Pero Famous Ye, kailangan mong taasan ang bayad mo sa amin dahil biglaang magbabago ang roles namin…" tiningnan ni Nameless Nie si Ye Wan Wan at medyo natawa siya.

avataravatar
Next chapter