965 Ang opisyal na tatay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagsalita si Ye Wan Wan habang ang dalawa rin ay hindi nagsasalita. Binalot ng katahimikan ang buong kotse.

Ang matanda at bata ay komportable sa katahimikan.

Walang nagsalita sa buong biyahe nila. Nakaabot na ng Little House of Rose ang kotse.

Lumabas ng kotse si Xu Yi nang may mabibigat na hakbang, binuksan niya ang pintuan sa likod at tiningnan niya ang tatlong tao na kaharap niya.

Nakatayo ang master niya kasama sila Miss Wan Wan at ang batang lalaki. Hindi siya makapaniwala dahil napakasarap sa mata ang itsura nilang tatlo at naramdaman niya na parang pamilya sila na binubuo ng tatlong tao...

Pamilya na may tatlong miyembro?

Biglang natakot si Xu Yi nang matauhan siya sa iniisip niya.

Nababaliw na yata ako!

Ang batang ito ay nasa edad na apat o limang taong gulang pa lamang at si Miss Wan Wan ay dalawampung taong gulang. Kung anak ng ito ni Miss Wan Wan, ang ibig sabihin nito ay nabuntis na kaagad siya noong menor de edad siya?!

Halimaw ang master niya kung totoo man ito!

Imposible ito! Imposible!

Bakit nakakatakot ang mga naiisip niya...

Ngunit tinawag na "Mommy" ng batang ito si Miss Wan Wan at sinabi ni Miss Wan Wan kay 9th master na anak niya ito...

"Anong nangyayari? Saan nanggaling ang batang ito?" Tinanong ni Xu Yi si Tang Bin at Song Qiang na sumusunod sa likod nila.

Sabay na umiling ang ulo ng dalawang mag-ama.

Hindi ba dapat ang tatay ang tinatanong? Hindi ba?

Hindi na maitago ni Ye Wan Wan ang katotohanan nang makarating sila sa bahay.

Nakaupo sa sofa si Si Ye Han habang nilagay ni Ye Wan Wan sa tapat ni Si Ye Han si Nie Tang Xiao at walang takot niyang pinakilala si Si Ye Han sa bata. "Agrabyado kanina ang pagpapakilala, pero hayaan mo akong ipakilala ko kayo sa isa't isa. Tang Tang, siya ang… siya ang daddy mo!"

Nang mapakinggan ni Tang Tang ang opisyal na pagpapakilala ng bata, umangat ang kanyang ulo at tiningnan niya si Si Ye Han.

Walang reaksyon si Si Ye Han.

Sinenyasan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at nagmamakaawa siya gamit ang kanyang mga mata. Sinabi mo na tutulungan mo siya! Huwag kang manahimik diyan!

Tiningnan ni Si Ye Han ang batang lalaki dahil sumangayon na siya sa kasunduan nila ni Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "Nice to meet you. Ang pangalan ko ay Si-Si Ye Han at ako ang tatay mo."

"..." Muntikan nang mahulog sa lapag ang panga ni Ye Wan Wan...

Bakit pamilyar ang pagpapakilala niya?

Pareho sila ng sinabi ni Tang Tang noong nagpakilala siya sa akin!

Punyeta! Suspetya ko talaga na anak sa ibang babae ni Si Ye Han ang batang ito!

Pagkatapos magsalita ni Si Ye Han, kinakabahan si Ye Wan Wan noong tiningnan niya ang reaksyon ni Tang Tang .

Napatahimik muna ang bata. Sa isang saglit, bigla niyang sinabi, "Mommy…"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan, "Nandito na si mommy. May tanong ba si Tang Tang?"

Nie Tang Xiao: "Momny, sigurado ka ba na siya ang daddy ko? Wala na bang iba?"

Nie Tang Xiao: "

Si Yehan: "…"

Ye Wanwan: "…"

Nagtatanong siya...

Mayabang na sumagot si Ye Wan Wan, "Oo naman, siya ang daddy mo. Isang tao lang ang minahal ni mommy sa buong buhay niya at siya ang daddy mo. Kaya malamang, nanggaling ka sa amin ni daddy mo!"

Hindi niya nakalimutang tingnan si Si Ye Han pagkatapos niyang magsalita.

Gayunpaman, mukhang hindi pa rin siya pinapaniwalaan ni Tang Tang. "Pero mommy… sinabi ni tito sa akin na nagkagusto ka raw sa maraming tao noon…"

Muntikan nang mamatay sa sariling laway si Ye Wan Wan nang mabilaukan siya. "...!!!"

Loko talaga ang bastardong Nameless Nie! Bakit niya ginawan ng patibong ang sarili niyang kapatid?

avataravatar
Next chapter