395 Ang nilalang na hindi pwedeng kalabanin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sandali, hindi umalis sa kani-kanilang mga pwesto ang mga tao at tuliro sila na parang mga naliligaw na bata.

"Kailangan na agad sumailalim ni Mr. Si sa kumpletong checkup at medical treatment; hindi na natin pwedeng patagalin pa ito!" desidisong sinabi ng doktor.

"Saan ang pinakamalapit na ospital?" Tanong ni Xu Yi.

Kinaskas ni Liu Ying ang kanyang ngipin. "Pangit ang mga medical facilities nila dito; bakit natin dadalhin si master sa pangit na pagamutan? Kritikal na ang kalusugan ni master - kailangan nating umuwi!"

Nanahimik at nagtinginan ang bawat isa nang marinig nila ang sinabi ni Liu Ying.

Bukas na ang negosasyon, bakit gusto niyang umuwi?

Pero paano na lang kung hindi tayo uuwi at ang kondisyon ni BOSS ay malala na...

Tumingin sj Ye Wan Wan sa labas ng bintana at nakita niya na may maitim na ulap ang bumalot sa kanyang puso.

Uuwi?

Hindi na sila makakauwi...

Habang pinag-uusapan ng lahat kung saan dadalhin si Si Ye Han, isa sa mga kasamahan nila ang tumakbo papunta sa kwartong iyon----"Kapitan! May… may kaguluhan!"

"Kaguluhan? Anong problema?" Sumagot ng pabalang si Liu Ying dahil puno na ng problema ang utak niya.

"Pi… pinapalibutan na tayo!" Sagot ng natatakot na kasamahan niya.

Nag-iba ang itsura ni Liu Ying at hinablot niya ang kanyang kwelyo. "Anong sinabi mo? Anong pinagsasabi mo ba pinapalibutan na tayo!? Kakautos ko lang sa ilang mga gwardiya na libutin nila ang buong hotel! Bakit wala akong narinig na babala kung pinapalibutan nga tayo?"

Napalunok na lang sa sobrang takot ang mga samahan ng mga gwardiya nang sinabi niya, "Pinalibutan tayo ng mga mamamayan! Hinarangan ng malakas na pwersa ang labasan ng bayan na ito, napakalakas nila at napakabagsik rin, malamang susugurin na nila tayo!"

Galit na galit ang itsura ni Liu Ying nang marinig niya iyon at nag-iba rin ang itsura ni Xu Yi. "Paano nangyari ito? Anong malakas na pwersa ang tinutukoy mo? Ang lakas ng loob naman ng loob niya? Alam niyang galing tayo sa Si family, pero napakalakas ng loob niyang gawin ito?"

Ang kasamahan na iyon ay nawawalan na ng pag-asa nang magsalita siya ng pabulol-bulol, "Tiningnan ko na kung sini sila at kung hindi ako nagkakamali, ang isa pang kalaban ay isang miyembro ng Murderous Blood Gang...

"Totoo ba ang sinasabi mo?!" Umangat ang malakas na takot sa mukha nila Liu Ying at Xu Yi.

Isang organisasyon ng mga kriminal sa ibat-ibang siyudad ang Murderous Blood Gang; napakasama ng reputasyon ng samahan na ito, ayaw silang galitin kahit ng mga mababait at masasama tao.

Hindi sila kasabwat o kaakibat ng kahit anong grupo o indibidwal.

Hindi pa nakakasanggi ng Si family ang grupong ito noon; bakit naman sila biglang manlalaban sa Si family? Anong motibo nila?

Nasa comma pa rin si Si Ye Han kaya wala silang lider na mag gagabay s akanial. Nagkakagulo na ang isip ng mga tao.

Patuloy lang na nakatayo sa bedside si Ye Wan Wan habang blangko siyang nakatitig sa nanghihina na lalaking nakahiga sa kama.

Sanay siyang makita ang arogante at masamang tingin ni Si Ye Han, ang mapagmataas at kahit na malupit na tinignan ng lalaki, kaya ito ang unang pagkakataon na nakita niyang namumutla si Si Ye Han.

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, nasa kaalaman na niyang pangit ang kalusugan ni Si Ye Han pero hindi niya pa nakita ang lalaki na manghina at nasasaktan.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid.

Sa wakas, inantala ni Xu Yi ang katahimikan.

Tumingin si Xu Yi kay Ye Wan Wan at sinabi niya ng seryoso, "Ang Dark Team 1 ang mag-aalalay kay Miss Wan Wan palabas!"

Nandilim ang itsura ni Liu Ying. "Niloloko mo ba ako? May sumusugod sa atin na malakas na kalaban tapos gusto mong ikalat ang puwersa ng magagaling kong grupo para lang iuwi si Ye Wan Wan?"

Seryosong nagsalita si Xu Yi, "Alam mo naman Liu Ying na kahit magdagdag tayo ng tatlong tropa sa Dark Team 1, hindi pa rin natin matatalo ang mga kalaban. Walang silang pakialam kahit umalis si Ye Wan Wan dahil wala naman siyang kinalaman sa pamilya nila. Madali lang siyang palabasin sa lugar na ito, gamitin na natin ang tsansang ito bago pa tayo madakop at bago pa ilayo si Ye Wan Wan sa atin! Kung hindi, wala nang tsansang makaalis siya dito kapag pinatagal pa natin!"

avataravatar
Next chapter